Merong na nakatambay.

Saturday, March 30, 2013

Church Hop 2013

Daddy walks with me.

It's our annual Visita Iglesia on foot and it's nice to see my original walkmates present - Jakob the Pure and Gelo the Putrid. I missed last year's walk and I'm not sure really if I'm fit enough this year to walk up to 14 churches but my prayer intention goes for my dad so I will do this regardless.

Santo Domingo

As usual, ang starting station namin ay ang Sto. Domingo Church. Jakob did a short-notice decision to join kaya habang hinihintay namin sya ni Gelo, nag-agahan muna kami. That, plus a short side trip to the confession booth, made us start half an hour later than planned.

Ang laman ng trail bags ko...
* dalawang litro ng tubig
* hiking bladder
* notepad at dalwang ballpen
* extrang damit at towel
* ritrato ni Daddy nung kadete pa sya
* si Minimo (digital lomo cam)
* si Helga (film lomo cam)
* lumang cell phone (at extrang batt)
* bagong cell phone
* baryang pera

backpack... backpack!

Ang blow by blow events...

* 8:31AM
(breakfast near Sto. Domingo Church)

* 9:34AM
Church #1
Sto. Domingo Church (Our Lady of the Rosary, La Naval de Manila), QC
- walk starts

* 10:34AM
Church #2
Lourdes Church (National Shrine of Our Lady of Lourdes), QC
- en route, the discussion was about time travel and its implication to past events (ang profound!)

with Gelo at Sta. Teresita

*  11:07AM
Church #3
Santa Teresita Parish Church, QC
- en route, the discussion was about the "might-have-beens" of the Second World War and the ensuing Cold War

(The Vampire Congresswoman spotted. Her campaign photo just won't age!)

* 11:54AM
Church #4
UST Church (Santissimo Rosario Parish), Manila
- en route, the discussion was about political will and the vagaries of not voting (what a nice topic to break friendships for good)

*  12:12PM
(We did our usual tambay break sa Ministop sa labas ng UST. Napansin din namin na hindi na natapos-tapos yung ginagawa dun sa tabi ng gate, sa tapat ng basketball court.)

(It was a long walk to our next stop sa Baste. Dito namin napagkasunduan na mag-skip this year sa Quiapo-Binondo area.)

kumbento reject

* 12:52PM
Church #5
San Sebastian Church (Basilica Minore de San Sebastian), Quiapo
- sobrang daming naglalakad na namamanata around this area, pero doble ng dami neto ang kalat na iniiwan nila sa kalsada

(We passed by CEU going to our next station. Anlaki na ng pinagbago since I was last there!)

ang paborito kong simbahan... metal \m/

* 1:19PM
Church #6
San Beda Church (Abbey of Our Lady of Montserrat), Mendiola

* 1:32PM
Church #7
St. Jude Church (National Shrine of St. Jude Thaddeus), Manila
- geek gaming discussion on the way

* 1:52PM
Church #8
National Shrine of Saint Michael and the Archangels, Manila
- gulaman break

(We passed by Arias Street along the way. Tumira kami dito for a little over past a year. It's a slum area pero generally masaya ang neighborhood dun.)

(It was a very long walk to our next stop, which is Intramuros. Sa Ayala Bridge kami dumaan at nag side trip muna sa Hospicio De San Jose. Nagulat ako na may spot talaga sila along their gate where one can abandon babies. Wow.)

nakiraan sa Malakanyang

* 2:50PM
(Lunch break at Intramuros.)

(Along the way, napadaan kami sa gusali ng Pambansang Museo where right across the road there is another building named the National Museum. So ano sa dalawa ang mas official? Makakita ba kami ng Tagalog at English versions ng "Spoliarium" sa dalawang museo?)

* 3:33PM
Church #9
Manila Cathedral (Cathedral-Basilica of the Immaculate Conception), Intramuros
- sarado pa din ang Manila Cathedral due to construction works pero open yung outside premise for devotees

San Agustin Church

* 3:47PM
Church #10
San Agustin Church, Intramuros
- en route, the discussion was about the sad state of the local WFB scene and the ongoing Glad Cup from since last year... Jakob catching up on 40K 6th ed rules.

* 4:23PM
(We usually do our break on this 7-11 across Luneta, kaso walang aircon at that time so we transferred on this Ministop near UN Avenue.)

metal columns of Baste

* 5:03PM
Church #11
Ermita Church (Archdiocesan Shrine of Nuestra Senora de Guia), Manila
- ang simbahan ni Gelo

* 5:31PM
Church #12
Malate Church, Manila
- mula dito, nag taxi na kami papunta sa aming next and last station

* 6:07PM
Church #13
Santuario de San Antonio, Makati
- binisita namin ang santuario ng tropa namin na namayapa, six years na din pala yun.

(We called it a day after that. Ang asim ko na! Chicharon na lang ang kulang!)

Hospicio De San Jose

Acknowledgements:
* Gelo and Jakob... next year ulet!
* Kath... ang aking text mate.
* Ministop... for our tambay and refreshment needs.
* Ang libo libong deboto na nakasabay namin sa kakalsadahan... mmmh... ang babango natin!
* Daddy and Mommy... para sa good genes. Lakas ng pangangatawan at gandang lalake ang puhunan ko para magawa ang lakad na ito.
* My Man upstairs... this sacrifice can never match how much You blessed our family but take it as a sign of my surrender to You.

Thursday, August 16, 2012

1958 - 2012

People never really die when they live in the hearts of men.

We miss you already, Daddy.

Friday, July 20, 2012

Gulugod Oink Oink

Second time kong umakyat ng bundok na hindi kasama ang mga tropa kong mang-aakyat (first would be Mount Apo). Instead, I was a part of Kawangis Mountaineers' 5th Climb for a Cause - a benefit climb for a fellow mountaineer who was diagnosed with a rare disease.

Si bespren Jas ang myembro ng Kawangis at kami ni Kimay ang dakilang sabit.

the ubiquitous mountaineer pose 
(eto ang katumbas ng duck face sa mga pakyut chicks)
L-R: kimay, hasmin, derek ramsey

Ang original na target for the climb is Mount Manabo which is nothing new to me, having climbed it thrice already. Pero sumobra ata sa dami yung participants na kailangan nilang ilipat sa ibang bundok yung event (the Manabo campsite just can't accomodate all 70). So came Mount Gulugod Baboy. Mas pabor sa akin dun dahil hindi ko pa yun naakyat.

gulugod summit

Mount Gulugod Baboy is one of three peaks covering the mountain ranges on that peninsula, west of the Batangas Bay. It's generally within the territory of Mabini, Batangas and a major jump off is on Barangay Anilao.

The mountain is relatively easy to climb (in fact, this has been my easiest climb so far) with several local communities along the trail that offers refreshments (may halo-halo at softdrinks... panis!). Napaka-relax ng pace kaso medyo mainit yung panahon nung araw na yun. Still, enjoy pa din overall. As usual, with my trusty notepad and violet pen, I salvaged whatever I can in words.

listahan ng pautang

Pero bago yan, pa-epal muna ng konting kaalaman.

Quick Facts:
Coordinates: 13.7159N, 120.8953E
Location: Mabini, Batangas
Jump Off: Philpan Dive Resort, Barangay Anilao
Drop Off: same as Jump Off
Elevation (peak): 525 meters
Climb Level: Minor (Difficulty 2/9)
Estimated climbing time: 3 hours

Attendance:
Jas, Aina, Obi, Kawangis Mountaineers and other Karakters

ilang elemento ng Kawangis
L-R: Mam Anna, SirKero, Sir Glenn

Day 1 - Page 1
* 6:10AM - leave home
(Isa ito sa mga pinaka-relax na gising ko sa mga umagang climb ko. Walang astang pagmamadali.)

* 6:48 - Jollibee, Alabang
(Wala pa si Aina at Hasmin. Agahan muna, pantanggal bad breath.)

(Sumunod na dumating si Jas na agad naging punong-abala. Madami nang mountaineers sa paligid ng Jollibee. Pag dating ni Aina, dumiretso nang agahan sabay sandamakmak na kwentuhan.)

* 9:05 - sumibat na papuntang Batangas
(Pangalawa - o pangatlo? - kami sa apat na jeep na inarkila para sa mga mountaineers na umalis ng Jollibee. Malayo-layo pa yung byahe kaya tulog muna ng malupit... yung tamang naka-nganga pa.)

upong ocho lang

* 11:54 - Palengke ng Mabini, Batangas
(Stop over para kumain ng tanghalian at last minute grocery. Nahuli pa yung jeep namin sa bayan ng Bauan ng walang matinong violation. Olats. Ice scramble ang dessert. Panalo! Bumili din ng pahabol na Great Taste White. Panalo ulit!)

* 12:49 - Sitio Talisayan, Anilao Coastline
(Binabaybay na namin ang tabing dagat. Sa kabilang tabi naman ng jeep ay paanan ng bundok.)

* 12:57PM - arrival in jump off (Philpan Dive Resort, Barangay Ligaya)
(Napaka-karakter nung isang kubo na panay plake ni Barangay Chairman, daring back since Marcos-era.)

backpack... backpack...

* 2:20 - kubo rest
(Prepare for climb at pahinga. May nauna nang tatlong grupo na umakyat. Group 3 kami, pero hindi kami sumabay sa kanila paakyat dahil maniningil pa si P.A. Hasmin sa huling grupo na hindi pa dumadating. Nag distribute na din ng mga climb ID's. Galing ng gawa ah!)

P.A. = Punong Abala

with P.A. Hasmin

* 2:38 - start climb
(Tatlo lang kami ni Aina at Jas. Isang mahabang konkretong kalsada ang unang parte ng akyat. Ang tigas sa paa.)

* 2:59 - halo-halo break
(Eto yung unang tindahan ng halo-halo na nasa parte pa ng konkretong kalsada. Nag-enjoy ako sa halo-halo dahil lahat ng sangkap trip ko. Inabot na kami dito ng ibang elemento ng Group 4. Naks, elemento!)

* 3:28 - continue trek
(Lupa sa wakas. Wala na kami sa konkretong kalsada. Andaming lokal na pamayanan along the way... bahay, aso, tae ng baka. Nakaka elibs na gumawa sila ng barangay sa tabing bundok. Ang hirap kaya mag panhik-panaog! Ga-troso nga yung mga maskels nila sa paa eh. Miss, troso ka ba??)

one of the local communities along the way

Day 1 - Page 2
* 3:54PM - 2nd halo-halo stop over
(Pahinga ulit sa isang makeshift na tambayan. May bentang halo-halo na naman pero di na kami bumili. Dito na namin inabot yung mga elemento ng Group 3.)

* 4:18 - break
(Tumigil kami sa isang abandoned na bahay para magpahinga.)

(Tumulak pa kami ng konti. Mga ilang community houses pa inabot na namin yung mga kasama namin sa jeep. Mga kasama! From dun, sumabay na kami sa kanila paakyat.)

the world is my toilet

* 4:43 - Gulugod area
(Muka nang gulugod yung paligid. Rolling hills na taas-baba tapos mababang damo na may panaka-nakang umpukan ng puno ang itsura. Kita na din yung kabuoan ng Batangas Bay Photo ops time!)

* 5:03 - campsite
(Kanya kanyang pili ng pagtatayuan ng tent. Napunta kami sa bandang malapit sa bangin pero may harang naman na kumpol ng mga halaman. Sakto lang. Mahangin na spot.)

(Setup agad ng hiram kong tent kay Danilo. May tumulong sa akin na muntenero ng Kawangis na expert sa tadpole. First time ko mag pitch ng tadpole at mukang straightforward naman. Maraming may interes sa tent ni Danilo dahil The North Face. Kahit ako.)

ang mansion ni Kimay ay TNF

* 5:45 - setup done
(Naka settle na kami ni Kimay ng mga gamit sa loob ng tent. Tambay tambay na lang muna habang nagpapahinga ang lahat. Unti unti na din dumating yung ibang grupo. Maganda ang panahon kahit inaasahan namin na maulan ang gabi ayon sa forecast.)

Day 1 - Page 3
* 7:52PM - mamam time
(Ang aga ng inuman. Nauna kesa sa hapunan. Never akong naging fan ng 'hard' sa bundok dahil mas madali akong malasing. Pero ang weird na bale wala sa akin yung ininom namin. Empy Light. Tatandaan ko yan! Sisig na manok at pork ang pulutan. Panalo!)

game!

* 8:50 - dinner
Menu: cornedbeef at cheesedog

(Konting cheesedog lang para may pang-agahan pa.)

* 8.55 - socials
(Mula sa maliit na sulok namin ng Group 3, lumipat kami dun sa mas malaking umpukan ng lahat ng mga participants. Empy Lights all-you-can! Hindi nauubos ang alak at kwentuhan. Bida si Hasmin sa horror stories.)

* 10.21 - lights off
(Natulog na kami. Pero dun sa malaking umpukan, tuloy ang kasiyahan.)

Day 2 - Page 3
* 7.07AM - rise and shine
(Gumising at tumulala sa kawalan habang hinihintay matuyo ang mga nabasang kagamitan sa araw na sumisikat. Sabay sinabayan ng kapeng malupit... Great Taste White! Win!)

(Sinabayan pa namin ang agahan ng softdrinks na galing sa karatig pamayanan ng 5-minutes. Barangay 5-Minutes na ang itatawag ko sa kanya magmula ngayon. Limang minutong hike lang kasi mula dun papunta sa camp site.)

it's not just coffee... it's Great Taste White!

* 9:29 - break camp
(Kami ang huling grupo na nag break camp at bumaba. Sarap maging petiks. Ang init nga lang mag-impake dahil open yung camp site.)

* 11:29 - halo-halo break
(Ito yung unang tinigilan namin para mag halo-halo nung paakyat kami. Balik konkretong kalsada na. Kaya pala ng dalawang oras lang pababa.)

P.A. Jas and P.A. Joms

* 12.05 - Bisa beach resort
(Pagbaba sa Philpan, dumiretso na kami agad sa Bisa resort para dun tumambay. Nagsipag-ligo ang lahat habang iniintay maluto ang tanghalian care of Kawangis.)

Menu: adobo at chopsuey!!

(Sarap ng luto!)

* 2:03 - packed up
* 3:06 - uwian na
(Sa unang jeep na lumuwas pabalik ng Manila kami sumabay ni Aina. Nagpaiwan pa si P.A. Hasmin.)

the road less travelled

*****
Acknowledgements

* P.A. Hasmin, Kuya Joms, Sir Glenn, Sir Nestor, SirKero, Mam Anna, Sir Tukayo, at ang iba pang elemento ng Kawangis Mountaineers. Mga Kasama, salamats!

* Manang Halo-halo at si Ate Coke, para sa refreshments namin along the way.

* Lakay Danilo, para sa tent na TNF. Wala nang balikan 'to!

* Sponklong, para sa paghatid saken sa sakayan papuntang Alabang.

* Kath, para sa inspirasyong bumalik ng kapatagan ng buhay.

* Mami, para sa pagluto ng masarap na cheesedog!

* The Man Upstairs, for giving me the strength and the opportunity to marvel at His own work. Galing mo, Sir!

Wednesday, April 04, 2012

I Survived Mount Mariveles

Matapos ang mga tatlo o apat na cancel at reschedule, natuloy din sa wakas ang akyat sa Tarak Ridge!

Tarak Ridge is one of several climbing sites around Mount Mariveles, a dormant volcano. Etong Tarak ang pinaka-sikat among them and commands a breath-taking view of Mariveles and the nearby towns of Bataan, Corregidor Island (and Fort Drum!), and the coastal areas of Manila Bay (mainly in Manila and Cavite).

that sperm-shaped strip of land is history incarnate, i tells you!

The trail is relatively easy to hike with gradual ascent and descent going to the first major stop-point along the Papaya River (potable water source). After this, the assault to the campsite is more difficult, with several steep ascents on rocky or wooded terrain. It's a good thing that the trail is facing the windward side of the mountain and cold gusts of wind is almost always present on it. Napaka-relax ng akyat.

Originally, madami kaming aakyat kaso lumabo ng lumabo makasama yung iba dahil nabago ng nabago yung date. So lima na lang kaming natira. As usual, with my trusty pen and notepad, ako ang tagasulat ng mga happenings along the way. So here they are, right after a few pa-cute facts!

Obi and the Hotdog Bandits... L-R: Mher, Dan, Kyle, Gelo (taking the photo)

Quick Facts:
Coordinates: 14.50595N, 120.5E
Location: Mariveles, Bataan
Jump Off: Barangay Alas-asin
Drop Off: same as Jump Off
Elevation (peak): 1,388 meters
Climb Level: Minor (Difficulty 4/9)
Estimated climbing time: 5 hours

Attendance:
Obi, Gelo, Mher, Dan, Kyle

Day 1 - Page 1
* 4.38AM - leave home
* 7.17 - SM North
(Last minute decision: mag-ooto na lang kami papunta dun. Originally, dapat magba-bus kami sa Genesis sa Pasay Taft.)

* 8.09 - San Fernando, Pampanga
(Stop over rest. Kanya kanyang kain ng pika pika. Nag Magnum Truffles ako para "in"... nakalimutan ko nga lang magparitrato habang kumakain para mailagay sa Facebook para sikat.)

* 9.48 - Mount Samat
(Kita na yung malaking krus na nasa tuktok ng bundok.)

* 10.02 - Petron Refinery (Bataan)
(44 pesos lang ang diesel dito.)

* 10.22AM - registration at Barangay Alas-asin
* 10.45 - Jump Off point
(Nag early lunch na muna kami dito habang nagpa-final preps. Nangalhati agad ang dala kong isang kilong hotdog. Sarap! Si Mher adobong may itlog ang niyari habang yung mag-ama ay friend chicken. Si Gelo... speeeem sandwich!)

* 11.21 - start trek

a jeje-shot for all the jejemons in the whole wide Universe

* 11.37 - stop over at DENR station
(Isa itong lugar sa bukana ng trail na punong puno ng banner ng mga mountaineers. Andito si Nanay Kording at ang kanyang mga kapamilya. Tropa nilang lahat si Mher. Kulang na lang mag secret handshake sila at fist bump.)

ang pahingahan sa DENR na tadtad ng papanchin banners

* 12.02PM - stop over rest

* 12.35 - Dan and Gelo lost
(Hindi na nakasunod si Dan at Gelo so binalikan sila ni Mher. Hindi kami sa usual starting trail dumaan. Sa iba kami idinaan ni Mher para mas malamig at malilim.)

* 12.50 - stop over rest after partial ascent
* 1.18 - stop over rest after partial ascent
* 1.50 - landslide area
* 1.54 - stop over
(Gelo is lagging behind. Para hindi maging counter-momentum yung pace, nagkakanya-kanya kami ng lakad. Kapag lumalayo na yung last man behind us, sigawan na lang para malaman kung masyado na syang malayo o kung pwede pang dumistansya. Tumitigil kami para mag hintayan kapag masyado nang malayo.)

sulat muna, habang nagpapahinga

* 2.37PM - Papaya River
(First part of the trek is over. Yung ibang mountaineers dito na nagka-camp. Eto yung only water source ng trail at malamig yung tubig. Sarap. Kinain na din namin yung mga natirang hotdog. Refill lang kami ng mga baong tubig at konting pahinga, tapos lakad na din ulit!)

* 3.33 - stop over at 660 meters above sea level (about 340 meters to go)

enchanting Papaya River

Day 1 - Page 2
* 3.53PM - stop over (assault part)
(It's all uphill from here.)

* 4.34 - stop over (Gelo on cramps)

* 4.58 - touchdown campsite!
(Pinili namin yung open space right after the steep climb up the campsite. So basically nasa tabi ng cliff yung tinigilan namin. My dome-type tent needs a wall of something on at least one of its side to avoid being directly assaulted by heavy gusts of wind coming westward from the Manila Bay area. May mataas na talahiban sa parte nung campsite na tinayuan namin na pwede na sigurong makatulong para pigilan yung bugso ng hangin.)

(Dan and Mher are on tadpole-type of tent so wala silang problema sa malakas na hangin.)

the campsite by the cliff

(The view is soooo exquisite! Kitang kita yung kahabaan ng Corregidor plus the dot of an island which is the historic Fort Drum. Sa immediate horizon namin ay ang mga bayan ng Bataan at ang Mariveles Coal Power Plant. Sa kalayuan naman ay ang kahabaan ng Manila at Cavite bay area. Ang ganda! Sabi nga ni Mher, eto yung mga mahirap i-explain sa mga hindi maka-gets kung bakit may mga nagpapakahirap para umakyat at baba ng bundok. The experience up there is priceless.)

summit view

* 5.37 - tents up
(The panorama is briefly covered by a thick layer of fog, brought about by the continually pounding wind. My tent, which I set up as close to a wall of talahib as it can conveniently be, has its poles bent awkwardly already. Alam ko na kung ganito ang hangin until the next day, my tent will give. In any case, bahala na.)

(Umulan ng bahagya right after maitayo namin yung mga tent namin. Sakto lang. Tumigil din naman agad.)

rocks and duct tape reinforced tent

* 7.42 - more strong winds
(At this point, lalo lang lumakas yung hangin, pushing the clouds away and giving us an awesome view of the nightscape! So habang ine-enjoy namin ang view at ang palamig ng palamig na temperatura, naglakad-lakad muna ako around the area para maghanap ng malaking tipak ng bato. Nilagay ko ito sa mga gilid gilid ng tent ko para ma-reinforce yung walls ng tent against the raging wind.)

(Nakahiram ako ng extra pantali kay Mher para i-double peg na yung side ng tent ko na directly tinatamaan ng hangin. I have to remind myself to buy paracords!)

(Mher started cooking. Nag-kape naman ako. Sarap ng white coffee sa lamig ng panahon. Nagpahinga si Gelo, Dan, at Kyle.)

iron chef mher

(Ganda na sana ng view ng night horizon along the bay area sa baba namin. Kita pa yung madaming pinpricks ng ilaw ng Manila at Cavite. Kaso nagpakawala ng makakapal na usok ang Bataan Coal Powerplant. Gabi pala nila ginagawa ito. Para siguro hindi mapansin ng mga tao yung ginagawa nilang polusyon. Olats.)

Day 1 - Page 3
* 8.12PM - dinner time!
(Sinigang na baboy ang niluto ni Iron Chef Mher. Panalo!!!)

(Nagkahiyaan pa sa bandang huli kaya pinilit namin ubusin ni Mher lahat. Sarap ng mainit na sabaw. Sakto sa lamig.)

* 8.18 - mouse in the house!
(Akala ni Gelo nung una palaka. Yun pala may nakapasok na daga sa tent namin! Worse, nakapasok siya dahil binutasan niya yung gilid ng tent ko! Argh. Oh well, kelangan na talaga magpalit ng tent after all.)

(Naamoy niya kasi yung tinapay ni Gelo na malapit sa side kung saan ito bumutas ng tent. Kaya lahat ng pagkain namin isinabit namin sa gitna ng tent.)

bida si Empy

* 8.29 - alak time
(Inuman time. Si Empy ang bida. Syempre, kung sino ang wala siya ang pinag-uusapan! Kaya ang aral, laging sumama sa lakad ng tropa.)

* 10.42 - Zzzz time

Day 2 - Page 3
* 2.00AM - fix tent
(Nagpalit ng direksyon yung current ng hangin and it was now attacking my tent from an angle na hindi namin napaghandaan. Dumadapa yung poles ng tent ko literally that the plastic of food we hang in the 'roof' of the tent is bouncing on my face.)

(Nag adjust kami ng pwesto ng bato, para ilagay naman dun sa side na nilipatan ng hangin. Naka-taas din yung mga kamay namin ni Gelo sa walls nung tent para may suporta at hindi masyadong mayupi yung flaps. Yeps... naka-ganun kaming natulog.)

duct tape, the all-around solution

* 4.40 - fix tent
(Bumigay na yung mga poles ng tent. Kelangan nang lumabas at magsagawa ng mga emergency measures dahil kung hindi, magko-collapse ito sa lakas ng hangin. Thanks to Gelo's duct tape, pinagkabit namin yung mga nabaling side. Yung elastic na tali nung pole na napigtal ay ginamit kong second anchor dun sa side ng tent na bumigay.)

(Nag rearrange din ako ng mga tipak ng bato na naka-suporta sa paligid ng tent. Gumana naman ang lahat kaya finally naka-tulog kami ng mas mahimbing. The sky is clear so naglabasan lahat ng bitwin sa langit. Sarap na pampatulog ang naka-tanga lang sa kanila.)

(Addendum: I got a thumb wound the next day from packing up the tent. Wala kaming bandage or anything kaya duct tape din ang ginamit kong band-aid sa sugat ko. Woot... duct tape for the win!)

good morning mountain!

Day 2 - Page 4
* 6.30AM - wake up!

* 6.47 - breakfast time
(Puting kape at cup noodles ang niyari ko.)

* 7.08 - break camp
* 7.57 - bye campsite, start descent

* 8.50 - stop over

tatalon ka ba o hinde?? iiwan ka namin!

* 9.11AM - napapakinig na ang tubig ng Papaya River, may mga mountaineers kaming nakasalubong paakyat

* 9.23 - Papaya River
(Major stop here. Nagpahinga kaming lahat habang padami ng padami yung nakikita naming either aakyat to Tarak Ridge or magka-camp na sa Papaya. As usual, sandamakmak na batian ng "good morning mam/sir"... common courtesy yan between mountaineers. Tandaan, lahat sa bundok ay mam at sir. Haha!)

* 9.31 - early lunch
(Menu: Adobo ni Dan, Tuna Pasta ni Mher, Puting Kape, Iced Tea Litro)

(Pasta in the mountains, san ka pa! Binusog na naman kami ni Mher. Tingin ko style niya ito para hindi namin siya maunahan sa paglalakad.)

* 10.17 - pack up
* 10.33 - start trek

Day 2 - Page 5
* 10.43AM - di pa pala kami aalis, nag kwentuhan pa (masyado pa daw maaga)
* 10.59 - start trek, totoo na ito... peksman

gelo??! faster! haha...

* 11.49 - talahib area
* 11.57 - stop over
* 12.33 - stop over (malapit na)
(Madami kaming nakasalubong na mountaineers along the way. Yung iba, parang family excursion pa. Sana lang alam nilang magbaba ng basura.)

* 1.03PM - Nanay's Place
(Balik DENR na kami. May BJ nang benta si Nanay Kording... buko juice! Kaya pahinga muna. As usual, chummy chummy si Mher, Nanay, at Tatay. Nawawalang anak ata nila si Mher eh. Haha!)

(Pabalik dito sa DENR, dun na kami dumaan sa generic na trail. Mainit nga! May nakita pa kaming higanteng gagamba. Angas.)

* 1.32 - Drop Off point
(Walang tao dahil nag simba daw sabi ng kapitbahay. Ayus. Tambay muna kami sa tabi ng kalsada habang iniintay sila dumating dahil naka-lock yung bakod. Dito kami maliligo bago umuwi.)

* 2.25 - dumating na sila... ligo time!

* 3.12PM - done packing up, ready to go back to Manila!

ang isputing ng bag... witwiw!

*****
Acknowledgements

* Iron Chef Mher, sa pagluto ng ating masasarap na pagkain. Dan, sa adobong patok. Gelo, sa speeeem sandwhich. Salamat sa pag-sipot ninyong lahat. Sa uulitin!

* Nanay Kording, sa masarap na BJ.

si Nanay Kording at ang bespren nya for life na si Mher

* Coleman, para sa tent na ngayo'y umabot na sa kanyang huling hantungan. It will be missed!

* Dun sa pinag-liguan namin sa Drop Off point. Gee, my hair smells terrific!

* Cheng, sa malupet na hydropack. Stateside, galing AU! Haha.

love it

* Kath, para sa inspirasyong bumalik sa kapatagan ng buhay.

* Kay Mommy, sa pag prito ng madaming hotdogs.

* My Friend upstairs, for giving me the opportunity to wonder at His creations from an amazing perspective. Love it, Sir!

Saturday, February 18, 2012

Project 12 x 2 - 1, Scene 23: New Bombay

To my mind, the life of a lamb is no less precious than that of a human being.
- Mahatma Gandhi
To end our project, it is with great prejudice that I have to save the best for last.

Ang intro:
Naging instant peborit namin ni Katlina ang New Bombay since naging couple kami. I introduced her to the place pagkatapos niyang sabihin na mahilig sya sa spicy foods. And albeit some negative first impressions, the quality of food immediately changed everything of what she initially thought. Naging regular customer kami instantly... as in, twice to thrice a month regular.

ang bagong menu... sosi na!

Our branch-of-choice is the one in Glorietta 3. It's facing the park right in front of the 6750 Building, a few steps to the left after going out of the Glorietta 3 exit. This is the same side where Subway, A Venetto, Max's, and Kamayan are (copy-paste lang ito from the A Venetto entry).

Obviously, authentic Indian cuisine ang offering nila. Not necessarily spicy dahil may option namang lutuin ng spicy, medium, or mild para sa lahat ng ulam. Syempre, kami ni Coach Potato palaging spicy!

preview ng mga pwedeng kainin

Ang chicha:

appetizer..
  • chicken samosa
  • masala fry pappadum
sabaw (shorba)..
  • chicken
  • mutton
ihaw (tandoori)..
  • mutton sheek kebab
  • tandoor prawns
  • chicken garlic kebab
  • malai murg tikka
kofta (rolls)..
  • mutton
  • chicken
  • malai
mutton (lamb)..
  • mutton rogan josh
  • tawa keema mutton
  • mutton dupia
chicken..
  • chicken tikka masala
  • murg tikka resmi
seafood..
shrimp curry

naan (bread)..
  • cheese capsicum
  • peshwari
  • butter
biryani (kanin)..
  • hydrabhadi mutton
  • chicken
  • mutton
  • shrimp
dessert..
  • gulabjamun
  • kulfe ice cream
drinks..
lassi

papa dom featuring coriander at sampalok dip

** Appetizer
Chicken samosa ay empanada na Indian spices ang laman. Masarap itong sinasawsaw sa coriander at sampaloc dip. Ang pappadum naman ay parang crackers na spicy ang lasa. Lentil wafer ito sa English. Isipin mo isang pabilog na taco-like bread na madaming spices at pinirito. Ganun. Same dip ito with chicken samosa's, and you will need the dip dahil medyo mapakla ito by itself.

** Sabaw
Shorba ang tawag nila sa soup, as chorva ang tawag ko kay Katlina. Medyo pricey ito pag nakita mo gano kaliit yung servings PERO aaang sarap naman sobra! As in, aaaaaang sarap (ganyan kadaming 'a' sa sobrang sarap). It comes in mutton or chicken sahog but it doesn't matter really dahil yung sabaw lang nito ang hinahabol-habol namin.

mutton boti tikka

prawn tandoori

malai murg tikka (yub yub!)

** Ihaw
A tandoor is a clay oven at ang tandoori ay kung ano mang lutuin gamit ang isang tandoor. New Bombay offers a lot of tandoor-roasted food or tandoori. Eto yung pinaka-safe orderin kung medyo hindi adventurous yung tiyan ng kakain with the more exotic recipes. Try the chicken variants, boneless at sakto ang pagkaka-ihaw. Consistently hindi nagkaka-sobrang sunog na part. Chicken garlic kebab tastes good in particular. Binudburan ng garlic powder.

mutton kofta (default order!)

binawasang chicken kofta (not in menu)

** Kofta
Kofta ang Middle Eastern term for dishes of rolled meat of any kind. Yung mga kofta ng New Bombay ay naka-sahog sa curry sauce na kasing thick din ng sauce ng most dishes nila. Yung malai kofta ay veggies rolled in mashed potato and marinated in malai (research nyo na lang kung ano 'to) cream. Hindi na namin inulit orderin ito after the first time dahil mas masarap pa din yung meat variants (mutton, shrimp, or chicken). Yung chicken kofta ay wala sa menu at depende sa pagkakataon kung meron o wala so tinatanong muna namin.

tawa keema mutton

mutton dupia

tawa gosht

** Mutton
Karne ito ng lamb. Sari-sari ang dishes nila made from this. Rogan josh yung isa sa mga specialty. Mutton in a really thick red curry sauce na napaka flavorful ng spices. Can't go wrong sa order na ito. Tawa kheem mutton naman yung ground mutton na nasa curry sauce din pero medyo mas malabnaw at sadyang konti lang (semi dry effect). Mutton dupia ay mutton na parang niluto sa spaghetti meat sauce (only spicy) na lasang lasa yung garlic.

chicken tikka masala

murg tikka resmi

** Chicken
Chicken tikka masala yung safest orderin at specialty ito ng lugar. Boneless chicken cooked in tandoor ang gamit nilang sahog and cooked in masala cream sauce. May cheese melt pa sa taas ang presentation.

shrimp curry

** Seafood
Panay shrimp ang sinusubukan namin although may mga fish curry din sila. Ang panalo lang hindi sila nag titipid sa sahog na hipon. Andami.

peshwari naan

cheese capsicum naan

** Naan
Eto yung isa pang Indian version ng roti. Tandoor-baked ito at leavened (o may pampa-alsa). Peshwari yung mas sikat na variant. May iba't ibang mixture ng milk, nuts, cheese at spices. Masarap itong sinasawsaw sa curry (usually, pang-sa'id ng mga tira-tirang sauce sa paligid ng plato).

mutton hydrabad rice

** Biryani
Paella is to Spain as biryani is to India as sinangag na kanin is to Pinas. Gets? Isa sa mga popular options ang hyderabadi biryani na basically biryani (na long-grain rice) topped with mutton. Eto usually yung nagpapa-anghang ng buong meal namin kapag "spicy" option ang pinipili namin (which is most of the time).

** Dessert
Gulabjamun is a must try! Bread balls ito made generally of milk tapos deep fried at pinapaliguan ng sugar syrup pagkatapos. Win! Kulfi is Indian ice cream. Sabi nila mas creamy ang ice cream na ito than the more pop-culture type na nakilala naten.

buko pandan lassi

** Lassi
Yogurt (can be flavored) and blended with water and sweetened ingredients. Di ko trip ito pero si Katlina, sarap na sarap. Lalo na yung buko pandan flavor.

Ang chechebureche:
I can remember the first time na pinuntahan namin ito ni Coach Potato dahil mahilig siya sa maanghang na pagkain. Para daw siyang nasa loob ng Encyclopedia. The ambiance is as Indian as it can get lalo na kapag may random Indian customers at yung cheerful nilang Indian manager na ang galing mag Tagalog ay andun. Si Mehir (he's got a name now, salamat kay Dave).

aum sweet aum!

Para sakin, they caught the right spice we wanted on our food kaya kami naging regular. Pero syempre kapag may mga sinasama kaming tropa, medium to mild lang ang ipinapa-luto namin.

Sa sobrang dami ng options sa pagkain, hindi nakakasawang bumalik and try out each of it.

Okay ang serbisyo ng crew, attentive at mga naka-ngiti palagi (may Visaya lesson ka pa kapag sineswerte). Yung mga more senior staffs ay napag-tatanungan ng kung ano-ano yung mga medyo hardcore Indian names na dishes sa menu. But if it was me at first time kong kakain dito, stay with the house staples: yung mutton rogan josh at chicken tikka masala, and the tandoori dishes. Patok na yung mga yun, subok na.

tantric dinner

Kung hindi mahilig sa maanghang, try it light lang. Kung medyo hindi matibay yung tiyan sa mga creamy at milky sauce, mag tandoori dishes na muna or yung mga naan variants.

Talk with manager. He usually goes around and talk with the customers and is more than willing to entertain your comments about the place. Really nice guy and accomodating.

The damage:
Price range is at P220 to P260.

Actually, inabutan pa namin na mas mura ito ng bahagya (grabe, tatlong taon na din pala kaming suki dito). In any case, it's a fair price given authentic Indian yung food at ang isang dish can serve up to two. Mas madami ang kakain mas sulit dahil mas bababa ang pag-hahatian at mas dadami ang masusubukang dishes.

part of the improved menu

Ang hatol:
New Bombay (especially this branch) will always have a place in our hearts dahil ito ang takbuhan namin kapag stress kami sa trabaho or kung kelangan namin ng comfort food. Sounds weird to have spicy dishes for comfort but it has its magics and if it works, it works!

Food is exotic but good and if it's for sharing, it's worth it. For wimps, be adventurous and try it. Para sa mga mahilig sa maanghang, let's go!

15 out of 14!

*****

Project 12x2-1
...is a year in the palates of me and my Couch Potato.

January (Month End): Nihonbashi Tei (Click Here)
 
February (Filler): Good Taste, 50's Diner, Oh My Gulay! (Click Here)
February (Mid Month): Sakae Sushi (Click Here)
February (Filler): Ba Noi's (Click Here)
February (Month End): Makan Makan (Makansutra) (Click Here)
March (Mid Month): Toast Box (Click Here)
March (Month End): My Thai Kitchen (Click Here)
April (Filler): Cafe Mediterranean (Click Here)
April (Mid Month): Le Ching Too (Click Here)
April (Month End): Dong Bei Dumplings, Wai Ying Fastfood (Click Here)
May (Mid Month): Peri-Peri Charcoal Chicken (Click Here)

May (Month End): YakiMIX (Click Here)
June (Mid Month): Thousand Cranes Shabu-Shabu (Click Here)
June (Month End): Wingman (Click Here)
July (Mid Month): Nanbantei of Tokyo (Click Here)
July (Filler): LZM Restaurant (Click Here)
July (Month End): Old Penang (Click Here)
August (Mid Month): Spaghetti Factory (Click Here)
August (Month End): Adobo Connection (Click Here)
August (Filler): Chubby's Rib Shack / Buffalo's Wings N' Things (Click Here)
September (Filler): Pizza Volante (Click Here)
September (Filler): Jim's Retro Diner (Click Here
September (Mid Month): 101 Hawker Food House (Click Here)
September (Month End): ElarZLechon (Click Here)
October (Mid Month): Luk Yuen (Click Here)
October (Month End): Vikings Luxury Buffet (Click Here)
November (Filler): Mister Kabab (Click Here)
November (Mid Month): Izakaya Kikufuji (Click Here)
November (Month End): Ye Dang Korean BBQ (Click Here)
December (Mid Month): A Veneto Napoli Pizzeria Ristorante (Click Here)
December (Month End): New Bombay (Click Here)

Obi Macapuno