Merong na nakatambay.

Sunday, March 20, 2011

Project 12 x 2 - 1, Scene 4: Toast Box (Greenbelt 5)

If toast always lands butter-side down, and cats always land on their feet, what happens if you strap toast on the back of a cat and drop it?
- Steven Wright
Nadiskubre ni Coach Potato ang next grub place namin habang nag-hahanap ng regalo sa akin sa Greenbelt para sa birthday ko. After visiting a Singaporean hawker-type resto on our last food trip, another Singaporean franchise na naman ang susunod.

Enter, Toast Box.

Ahaha napaka-cliche ng intro!

Anyway...

Toast Box - Greenbelt 5

Pasakalye:
Subsidiary ng Bread Talk ang Toast Box so they have this similar minimalistic feel sa lugar nila. Pay as you order ang style ng pagbenta. Ibig sabihin, kahit mukang high-class yung lugar, kelangang pumila sa counter para bumili ng chicha.

Don't worry. Wala pa naman masyadong kumakain, so maikli karaniwan ang pila.

Madali hanapin yung lugar para sa alam ang pasikot-sikot sa Greenbelt. Sa hindi bihasa, mag-tanong sa Manong Guard. Nasa third floor sila ng Greenbelt 5. Sa tabi ng Hobbes and Landes. Kung nasaan ang Hobbes and Landes ay hindi ko na problema.

busy counter

Open for viewing yung area kung saan sila nagpi-prepare ng tinapay o kape o tsaa. Kaya nakakamanghang pagmasdan yung mga abubot nila sa kusina para sa mga katulad kong ignorante. Specifically, dun ako namangha sa long-nosed takore. Ang kulet ng itsura. Tsaka yung bundok ng butter. Mga tatlong ruler at kalahati ang taas. Naumay na ako sa tingin pa lang.

Ang Nilantakan:
  • Nonya Laksa
  • Peanut Thick Toast Set (Toast in Peanut Butter, 2 Soft Boiled Eggs, Kopi C)
  • Hainanese Quarter Chicken
At kumain pa ulet nung sumunod na araw...
  • Kaya Toast Set (Kaya Toast, 2 Soft Boiled Eggs, Kopi C)
  • Nasi Goreng
Sa aking pananaliksik ang Nonya Laksa ay kilala din sa tawag na Laksa Lemak. Lemak, referring to coconut milk in Malay. Gawa ito sa maanghang na coconut gravy na kulay orange ang sabaw at may lahok lahok na rice noodles, toge, tofu, fish cake, itlog, at hipon. Ang consistency ng sabaw ay parang gatas na kondensada tapos yung pagka-orange niya ay may batik batik na pula dahil sa chili oil. Basta ang psychedelic tignan. Groovy!

maricel laksa... gets? haha ang korni!

Ang nagustuhan ko sa laksa nila ay yung pagka-light ng flavor kumpara dun sa kanyang flavorful distant cousin na si Tom Yum na unang higop pa lang ay humahagod na sa ilong yung spices. Eto, nasa dulo pa ng lunok yung sipa ng anghang kaya medyo nagustuhan ko. Si Katlina natabangan outright. Para lang daw pancit malabon na sinabawan. Haha!

Para sa akin, ang hindi gumana sa laksa nila ay yung mga sahog. Masyadong bland. Hindi ko inaasahang magkalasa yung tofu by itself, pero inaasahan kong may hints naman sana ng flavor yung ibang sahog kahit papano. Lalo na kapag nababad sa sabaw.

mani na mantikilya (peanut butter... haha!)

Yung peanut butter toast ang sobrang patok sa amin ni Kumander Potato. Ang nagustuhan niya ay yung sobrang generous na palaman (at talagang mahilig lang siya sa peanut butter). Ako, ang na-trippan ko ay yung lambot nung tinapay kahit toasted. Hinanda ko na nga ang medyo sumasakit kong ngipin sa pagkagat dahil inaasahan kong matigas yung tinapay (kasi nga toasted), pero nung bumaon ng walang kahirap hirap yung ngipin ko, ayun na. Langit!

Hindi namin ma-figure out kung anong jam yung hinalo sa butter na palaman nung Kaya Toast nila pero bagay yung lasa. Weird para sa akin ang jam plus butter mix, pero pumatok sa akin. Yung tamang "eto na lang ulit ang oorderin ko next time". Ganun. Sa sobrang sarap, nakalimutan namin kuhaan ng ritrato. Haha!

how to eat soft boiled eggs?

Seryoso yung soft boiled eggs. As in it's liquid soft. Ang pag-prepare sa kanya ay ilulublob lang sa mainit na tubig yung itlog ng mabilis ("blanch" ang tawag dito ni Juday). The instruction was to mix it with soy sauce and pepper. After nun, hindi ko na alam ang gagawin. So hinigop namin itong parang sabaw. Masarap naman. Sinubukan ko din itong ipahid sa toast. Masarap din naman. So sa tingin ko, kung anong diskarte mo sa pagkain neto, gawin mo.

dips her chin in Kopi C

Next ay yung Kopi C. Kape lang din ito na lasang saturated ng tsokolate (yung tableya). Ayoko nito kasi gatapang ng pagka-kape niya. Si Couch Potato sobrang trip.

pinakuluang manok

Hainanese Chicken naman ay yung pinakuluang manok. It's white chicken, served with chili, oyster sauce, and grounded ginger as condiments and konting abubot na gulay as garnish. Hindi namin trip yung Hainanese chicken nila dahil:
  1. Mas masarap yung sa Red Dot (yan ang hirap kapag may point of comparison eh)
  2. Matabang talaga (kahit matabang naman talaga dapat ang Hainanese, sobrang walang lasa ito eh)
  3. Mas mura yung mas masarap na Hainanese chicked sa Red Dot... hehe, can't go wrong
thumbs up ang Nasi Goreng

Nasi Goreng ay Malay term sa tinatawag naten na "sinangag". Oo, sinangag na kanin lang ang ibig sabihin niyan. Nilagyan lang ng Toast Box ng twist, adopted from its Indonesian counterpart. May itlog na sunny-side up, slices ng pipino, bagoong, at dilis on the side habang may manok at repolyo strips na nakahalo sa sinangag. Yung kanin ay kulay toyo, maanghang, at salty. Kalasa nung kanin yung dilis (na para bang doon ito sinangag sa pinag-prituhan ng dilis haha). Pero masarap siya, gusto namin ni Coach Potato.

Trivia: Parehong "nasi" ang tawag ng mga Indones at ng mga Kapampangan sa Tagalog word na "kanin". Patunay na hango sa salitang Bahasa ang ating wika at na trip ng mga Indonesian ang mga malagu ng Pampanga. Haha!

Oongapala. Kailangan daw i-special mention ito sabi ni Kath. Ang tubig! Rare daw sa resto na plastik ang baso na hindi lasang poso ang tubig. Maintained na malamig at hindi parang galing sa gripo. Palakpakan ang mga walang pambili ng softdrinks!

Iba pang Anik-Anik:
Homey yung feel ng lugar dahil minimalist yung design. Puti ang nangingibabaw na kulay with ersatz antique stuffs conservatively placed here and there. Parang pre-World War 2 yung theme ng design.

bakit ang mga commercial models dapat nakanganga ngumiti?

Nakaka-aliw yung kapag sinigaw nila yung order sa kitchen kasi parang tinatranslate muna nila into Malay or whatever language that is. With accent! Naaalala ko tuloy magsalita yung Malaysian wife ng tropa ko sa Sydney. Kopi (na antigas ng "PIIII")! Teh (na anlambot ng "EHHH")! Meaning coffee and tea.

Self service ang kubyertos, table napkin, at tubig.

Nasa taas ng counter yung menu, parang sa McDo. Yung mga mahahalagang kainin ay may ritrato na pang-gabay sa mga ignoranteng kustomer katulad namin.

toast sets... nom nom nom!

Kaching:
Nasa P180 to P220 ang average price range.

Mahal eto para sa kalidad ng pagkain nila. Most of the "meal" food kasi ay nothing spectacular sa lasa. Yung toast set lang talaga yung "bulaga, ang sarap sarap ko!" na makakain. And even then, most people would still just eat peanut butter with their Tasty bread at home.

Siguro, tignan na lang yung positive side of it. Maganda siyang tambayan kasi chillax yung ambiance.

Ang usual na mabibili dito ng mga low budgeteers at posers ay yung toast set na P120 to P160 yung price range at kumpleto rekado na at makaka-tambay pa.

post-devastation photo ops

Ang hatol:
Tingin ko, hindi ito lugar para kumain ng standard meal. Meryenda or tambay place lang ito magwo-work puntahan.

Masarap yung mga toast set. At gaya ng sinabi ko mga 10 seconds ago (depende sa bilis mo bumasa), ito lang din yung marerekomenda namin na sulit sa binayad.

7 out of 14.

*****
Project 12x2-1
...is a year in the palates of me and my Couch Potato.

January (Month End): Nihonbashi Tei (Click Here)
February (Filler): Good Taste, 50's Diner, Oh My Gulay! (Click Here)
February (Mid Month): Sakae Sushi (Click Here)
February (Filler): Ba Noi's (Click Here)
February (Month End): Makan Makan (Makansutra) (Click Here)
March (Mid Month): Toast Box (Click Here)

4 Comments:

Blogger 00000 said...

I love their Kaya toast and Nasi Goreng! I feel the same about their Hainanese Chicken, ang weird feeling ko kumakain ako ng tinolang manok without the sabaw haha :D

Thanks for joining my giveaway! You're so sweet, I hope you win the camera for your GF! :D

3/21/2011 12:01 AM  
Blogger Obi Macapuno said...

This comment has been removed by the author.

3/21/2011 9:38 AM  
Blogger Obi Macapuno said...

hi lee :) the gf is so happy there's someone who feels the same about their Hainanese aside from me haha.

cheers!

3/21/2011 9:40 AM  
Blogger Katia said...

Obs, san si Red Dot?

9/26/2012 10:54 AM  

Post a Comment

<< Home

Obi Macapuno: Project 12 x 2 - 1, Scene 4: Toast Box (Greenbelt 5)