Project 12 x 2 - 1, Scene 3: Makan Makan (Makansutra)
Just as the street has always dictated fashions on music and other things, it's starting to happen that way in food.To continue the Asian run of our Project 12x2-1, Coach Potato decided we try Makan Makan Asian Food Village at the Manila Ocean Park in Quirino Grandstand. Formerly named Makansutra, nagulat kami kung bakit Makan Makan na ang nasa signboard nila. On their plates though, Makansutra pa din ang nakasulat.
- Jonathan Gold
Pasakalye:
Singaporean street dishes ang trippings ng Makan Makan. At dahil sobrang diverse ng Singaporean culture, ganun din ang flavors ng mga ulam nila: may Chinese, Indian, Thai, Pinoy, Malay, at kahit Western. Yung ambiance nila ay kalye-themed (parang kumakain ka sa street-side eateries) na presented in an elegant way para mukang fine dining pa din. Yung kitchen stalls nila ay open for viewing (pwede sila panoorin habang nagluluto). Nagustuhan ko yung comfyness ng couch nila tsaka yung interior design na borderline artsy.
Madaling hanapin yung lugar dahil nakabalandra lang sila sa nilalabasan ng mga taong galing sa Ocean Park premise (2nd floor).
Kilala ni Katlina yung chef slash owner nila, napapanood niya sa mga food shows sa TV (see, being a couch potato helps). Kaya sa kanya galing yung suggestion na dito kami kumain for our February month-end grub hunt.
Ang kinain:
- Char Kway Teow (Singapore)
- Tom Yam (Thailand)
- Sambal Squid (Malaysia)
- Roti Prata (Indian)
- Rice (doh!)
Yung char kway teow ay stir-fried rice noodles sa English at kaning pansit na minadaling prituhin sa Tagalog. Sa hindi pa din makaintindi, ang itsura niya ay flat noodles (parang miki) na pinirito sa toyo na matamis ang timpla at may sahog na binateng itlog, hipon, chorizo at fish cake. Masarap ito pero nakaka-umay habang tumatagal. Naubos namin ito ni Katlina.
Ang tom yam nila ay parang less-maasim na version ng sinigang naten pero napaka-rich ng lasa ng sabaw. Yum yum! Seafoods ang sahog: fish, shrimp, at squid. Meron din etong sari-saring pampalasang halaman at kabute na mukang oyster. Yung tom yam na kinain ko sa Sydney noon ay kulay orange pero basically kapareho rin neto ang lasa, mas toned down lang yung anghang. Naubos namin ito ni Katlina.
Yung sambal squid ang pinaka-trip ko sa lahat. Ang sambal ay isang sauce na gawa sa pinaghalo-halong chilli, garlic, at iba pang spices. Kulay pula ang sabaw neto at matamis sa unang subo pero biglang sisipa yung anghang habang nginunguya na. Ang sambal squid ng Makan Makan ay sambal sauce na may pusit (doh!) na nakababad sa dahon ng saging at pinuputakte ng madaming sibuyas. Medyo ma-mantika lang ito pero patok sa aken. Ansarap isabay sa kanin. Hindi namin naubos ito ni Katlina dahil sabi ko magtira para may maiuwi ako. Hehe.
Roti Prata ang aming desert. Ang roti nila ay typical na Indian roti (thin pancake) na glazed with butter. Sine-serve ito with prata on the side (kaya nga roti prata eh). Ang prata ay isang yellow curry sauce na hindi maanghang. Kinakain eto sa pamamagitan ng pag-pilas sa roti, pag-sawsaw ng roti sa prata, pag-subo ng sinawsaw na roti sa bunganga ng kakain, at sasabayan eto ng pag-nguya. Gets?
Rice. Pag hindi mo ito alam, hindi ka Pinoy.
Mga chechebureche:
Okay yung lugar. Kapag hapon, nasa side nila yung init ng araw na palubog sa Manila Bay kaya curtains down. But we recommend to go there before the sun sets. Kasi kapag palubog na yung araw, tinataas na nila yung blinds para makita yung napaka-gandang sunset at Manila Bay horizon. Whatta view! Ang dami ngang photographers (both posers and pros) na nag-aabang ng sunset nung kumain kami eh.
Maangas yung dating nung lugar, nasa gitna ng classy at ragged. So pwede siyang pang dinner date type pero pwede ding pang trip-ko-kumain-ng-madami-tara-dito-pre. Madami nga kaming kasabay na foreigners na nakatambay lang eh, enjoying their tea and wine (and the lounge music perhaps).
Gusto ko yung pag serbisyo sa amin. Attentive sa mga pangangailangan namin yung mga waiter.
Yung menu nila ay medyo nakakalito kasi walang descriptions. Pero nahalata ko na yung mga masasarap na pagkain (malamang yung kanilang best sellers?) ang mga may pictures, so that helps those who are not in the know (in short, tanga). Okay din na nahahati sa iba't ibang sections yung menu depende sa kung saan galing yung ulam: Singaporean/Malay, Thai, Chinese, Pinoy, at Western. Pinili nga talaga namin ni Katlina na tumikim ng ulam sa iba't ibang influences (except Chinese and Pinoy for obvious reasons... doh, sana nag North Park na lang kami or Gilligan's).
Nahahati yung kitchen nila sa iba't ibang stalls depende sa genre nung pagkain. At gaya ng nasabi ko na, pwede panoorin ang mga chef habang nagluluto dahil transparent glass lang ang dibisyon.
Trivia: Ang salitang "makan" ay Indones ng "kumain" habang ang salitang "mangan" ay "kumain" din ang meaning sa Kapampangan. Proof that our language is a descent of the same Bahasa tongue. And that prehistoric land bridges existed! Haha.
Kaching:
Sobrang mahal. At hindi ko makita ang justice kahit masarap ang pagkain nila.
P300 to P350 per dish.
Pang kapag may okasyon lang pwede pumunta dito para sa aming mga tipikal na manggagawang obrero.
Ang hatol:
Masarap ang kain namin ni Coach Potato at sobrang nabusog kami. It's quite an experience to dine there. But it should be expected for the tag price that it comes with.
10 out of 14!
*****
January (Month End): Nihonbashi Tei (Click Here)
February (Filler): Good Taste, 50's Diner, Oh My Gulay! (Click Here)
February (Mid Month): Sakae Sushi (Click Here)
February (Filler): Ba Noi's (Click Here)
February (Month End): Makan Makan (Makansutra) (Click Here)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home