Project 12 x 2 - 1: Saigon Intermission
When helicopters were snatching people from the grounds of the American embassy compound during the panic of the final Vietcong push into Saigon, I was sitting in front of the television set shouting, 'Get the chefs! Get the chefs!'A salute to Uncle Ho!
- Calvin Trillin
Last week, dahil may coupon kami na libreng isang dish at malapit na itong mag expire, sumugod ulit kami sa Ba Noi's for the Nth time. It did not disappoint as usual. Kelangan namin habulin yung kundisyones nung libreng ulam na dapat minimum P500 food purchase so madami dami ang in-order namin this time. Worthy as a filler for our Project 12x2-1!
Vietnamese food ang handa ng Ba Noi's. Maraming nagmamarunong around the web ang nagsasabing authentic Vietnamese ang inihahain ng Ba Noi's, so it must be true. In any case, wala akong pake. Basta masarap ang pagkain nila, solb ako.
They are located in the middle of Perea Street in Makati. Kung nasa Paseo de Roxas/Enterprise heading to Greenbelt, basahin lang yung mga street signs sa kaliwang side makalampas ng Dela Rosa. Isa dun ay Perea. Kung nasa Dela Rosa naman coming from PLDT/Greenbelt 4, basahin muli sa kaliwang side ang mga street signs. Isa dun ay Perea na may Mom and Tina's sa kanto. Kung hindi naman marunong mag-basa, mag-aral muna.
Marami na kaming kaibigan na ni-refer kumain dito. So far, lahat ng nauto namin ay may good feedback about the experience. Fabulous!
- Shrimp and Pomelo Salad
- Fried Spring Rolls
- Beef Noodle Soup
- Deep Fried Catfish with Salad Greens
- Sauteed Bokchoy
- Fresh Spring Rolls
- Seafood Noodle Soup
Ang shrimp and pomelo salad, bow. Hindi ako mahilig sa prutas pero pumatok sa akin ito. Isang plato ng ginayat na pomelo na may toppings na hipon at pork bits ata yun. Sinasabay siya sa kropek at lettuce at may sauce on the side. Yung sauce ay kakaiba, parang sukang matamis na may timplang sili bits. Ayon sa instructions sa lamesa, ang paraan ng pagkain sa kanya ay ipapatong ang lettuce, hipon, at pomelo sa ibabaw ng kropek. Tapos tuluan ng konting sauce bago kainin. Gawin ito gamit ang kamay para mas maganang kumain. Huwag maghugas ng kamay bago kumain para mas malasa.
Fried Spring Rolls naman yung lutong version ng Fresh Spring Rolls. Pareho lang ang laman nila. Strands ng parang sotanghon tapos gulay at hipon. Hindi ko na alam kung may kung anong magik ingredients pang iba. Manamis-namis na peanut sauce ang sawsawan nito, na patok saken ang lasa kahit merong mani. Mas trip namin ni Katlina yung fresh.
Noodle soup or "pho" is one of the signature dishes of the country and a must try in any Vietnamese resto. Ang hirap magkumpara ng lasa ng soup ng Ba Noi's with any other local restos' of the same genre kung hindi ko sila kinakain side by side. Pero let me start by saying na naaapakalasa ng sabaw ng Ba Noi's. May panimpla silang brown na sauce (bean paste) at chilli sauce. Usually, mga tatlong lagay nung bean paste at isang lagay ng chilli sauce ang ginagawa ko. Sine-serve ito ng may kasamang ginayat na sili, mongo sprouts, dahon ng basil, at gayat ng dayap. Ikaw na bahala sa buhay mo kung paano paghahaluin ang mga ito. A piece of advice: kung hindi naman katabaan o katakawan kumain, sabihin sa waiter na "for sharing" yung soup para hatiin nila sa dalawa. Tipid ito at tiyak na sakto lang ang kain.
Piniritong hito na may halaman. So so lang ito para sa aken. Tipikal lang ang lasa. I mean, ano pa bang dapat i-expect na kakaiba sa piniritong isda?? Kung lasang piniritong baboy ito, dun tayo mamangha.
Yung sauteed bokchoy ay bokchoy (baby ng petchay) na nilunod sa matamis tamis na timpla ng toyo. Gusto ko yung sabaw! Ansarap ng timpla. Malutong yung bokchoy. Angkop na partner nung piniritong isda. Panalo ito sa mga nagkukunwaring nagdidyeta. Mamatay kayo sa inggit sa mga kumakain ng pinirito!
Tanga-friendly yung menu dahil madaming ritrato. May instructional din sa lamesa on how some of the more popular orders should be eaten. Hindi na kelangan mangopya sa ginagawa ng ibang try-hard sa kabilang lamesa.
Very accomodating ang mga serbidor at palaging nakangiti. Good vibes.
Isa siya sa mga lugar na nakatago pero dadayuhin para sa masarap na pagkain.
11 out of 14!
*****
January (Month End): Nihonbashi Tei (Click Here)
February (Filler): Good Taste, 50's Diner, Oh My Gulay! (Click Here)
February (Mid Month): Sakae Sushi (Click Here)
February (Filler): Ba Noi's (Click Here)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home