Project 12 x 2 - 1
Gagawin na naming fortnightly ang maghanap ng bagong foodtrip. Parang gatagal kasi ng monthly. Pagaya netong Nihonbashi Tei. Mga first week ng January pa namin plano gawing February target yan. Pero dahil araw-araw naming nadadaanan, nakaka-atat!
So starting today I ammend the constitution... twice a month na ang grub hunt! Woohoow!
Kaya habang lahat ng artistic sa Earth ay abala sa kanya kanyang "Project 365" (366 kapag leap year), Kumander Couch Potato and Me (The Wander Boy) will have our own "Project 12 x 2 - 1" !!! *palakpakan*
Katapusan ng Enero (bagong sweldo ang mga obrero).
Ang target... Nihonbashi Tei. Isang Japanese resto sa kanto ng Amorsolo at Pasay Road sa Makati.
- Uni Sashimi
- Ankake Ramen
- Yaki Gyoza
- Cox
Ankake Ramen ay isang dambuhalang mangkok ng noodle soup topped with veggies, kabute, itlog, at iba pang anik anik. Basically, aside from having this distinctive thick soup (tingin ko ito yung Ankake trademark), it's none too different to any other ramen soup on other prominent Japanese restos. Sabi ni Katlina, muka daw Chinese dish and I think so too. Yan ang bunga ng kamangmangan. She says mediocre. I say patok!
Yaki gyoza. Eto ang panalo kung ang pag-uusapan ay price to lasa ratio. I regret not ordering a rice dish when this is perfect with rice for sure. Muka siyang tipikal na gyoza dimsum pero nagkatalo-talo sa laman. Sakto lang ang luto at malasa yung nasa loob neto. Yum yum... nasa dighay ko pa!
Cox. Psh... wala lang yan. Yan ang tawag namin sa Coke kung ayaw namin itong i-advertise masyado. Ang cox. Bow.
Nag house tea din kami. Libre eh.
Ang hirap intindihin ng menu nila. Mas madami yung words na maganda gawing tattoo kesa sa English. Pero pwede naman mag tanong sa mga waitress. Pasensyosa sila sa mga tatanga-tanga. Siguro sanay na.
Kaching!:
Mura dito kung itatrato siyang fine dining. An average dish would cost just around P180 to P220. Walang fine dining na may ganyang kababang price range. Pero sa totoong buhay, sa buhay ng sanay kumain sa jollijeep, mahal na yan. Ang point ko lang ay kapag may sobrang perang pwedeng sunugin, sulit na dito.
10 out of 14.
4 Comments:
natutunan ko sa blog na ito na wag ngumuso ng ngumuso pag gutom.. hehe! NEXT ... makansutra!!!
ang natutunan ko... wala kang magagawa kung naka nguso talaga. haha. panay asian tayo so far ah. hehe.
nice! buti na lang naligaw ako dito. Nakakaaliw yung writing style so hindi nakakatamad basahin.
bantayan ko tong blog mo. Kung mapadpad kayo ng korean or japanese style grill paki-gawan ng write up.
or kahit saan na masarap ang beef :D
yung teppanyaki room netong nihonbashi tei may interesting beef grills eh. hindi lang namin napuntahan. tsaka medyo pricey kapag hindi isang buong gangster ang bitbit mong kasama kumain. so basically kung hindi kayo madami, mapapamahal ka daw dun.
sabi lang yan nung nag-rekomenda samen though. have to try it ourselves syemps. looking forward to it.
:D
Post a Comment
<< Home