Merong na nakatambay.

Saturday, February 12, 2011

Project 12 x 2 - 1: The Baguio Gauntlet

Part of the secret of success in life is to eat what you like and let the food fight it out inside.
- Mark Twain

Unang Tagpo: Good Taste Café and Restaurant

Baguio.
Pagkain.

Ang una kong naiisip, Good Taste!

Pasakalye:
Una kong nakilala ang tatlong palapag na kainan na ito sa panulukan ng Magsaysay Avenue (isang tagong sulok malapit sa palengke) noong kasagsagan ng akyat namin sa Mt. Pulag. Bale wala ang nalusaw naming taba sa pag-akyat dahil bawing bawi sa pagkain dito.

Galit sila sa pagkain.

Almost all dishes are for 2-3 generous servings (isa lang siguro for 250 pounders) and at very affordable prices. Kaya sinusugod talaga siya sa Baguio, mapa-locals or informed turistas! Can’t go wrong. If you see a grub place that is brim-full of patrons, pihado masarap ang pagkain dun. Ganyan sa Good Taste, parang hindi nauubusan ng tao kahit gabi na (24 hours sila).

Inggit si Peter

Ang Nilantakan:
  • White Chicken (parang Hainanese na may garlic + ginger timpla)
  • Lechon Kawali (not the dry one that you’re oh so familiar of)
  • Ginisang Atay (mapapakain ang mga hindi kumakain ng atay!)
  • Pansit Kanton (jumbo serve... pang dalawang contruction worker!)
  • Beef with Broccoli (parang Chopsuey din ang luto kaso puro broccoli at baka)
  • Fried Rice (na itago naten sa pangalang Flai Lai, para Chinese pakinggan)
Atay-yayay-yayay!

Other stuffs I tried before (at least those I remember):
  • Buttered Chicken (one of my personal favorite)
  • Chopsuey (so so lasa, pero madaming gulay... galit sa gulay!)
  • Garlic Chicken (Fried Chicken na mas sosi ang tawag)
Lahat yan big servings! Ang una talagang mapapansin ng mga mangangain dito ay yung DAMI ng pagkain. Hindi pa yata ako kumain dito ng walang “Miss, paki-balot ng tira.” Kaya mas patok kumain ng maraming kasama para mas makarami ng masubukang ulam.

Iba pang chechebureche:
Ang unang di magugustuhan dito ng mga sosi ay yung lugar. Tingin ko mukang madumi yung paligid para sa kanila... sa amin pala. Sosi ako, syempre. Madami ding tao. Ambiance na nila yung limpak limpak na tao. Sa labas at loob ng resto panay sangkatauhan. Hindi uso ang family planning.

from the outside

Maganda ang serbisyo at nakakagulat ang kanilang bilis rumesponde. At least mabilis in ratio to the amount of food they serve and how much people they feed.

Hindi mahirap intindihin ang menu dahil c’mon, Pinoy food? Kung di mo alam yung nasa menu, either exotic local dish eto (e.g. pinikpikan) or hindi ka pinakain ng masustansya ng INA MO! Pero huwag mag-alala. Sanay ang mga waitress sa tanga. Masaya nilang ipapakilala ang bawat ulam (in straight Tagalog... pwede ding sa Ilocano, by request).

Kaching:
Ang MURA sobra.

P80 to P120 average presyo per ulam at uulitin ko... galit sila sa ulam. So kahit mag-isang ulam, gumagapang pa din sa kabusogan paglabas.

putik manok na may sandamakmak na sibuyas

Ang hatol:
Kung may appetite ka ng parang sa construction worker, patok ito.
Kung gusto mo ng bang-for-the-bucks, patok ito.
Kung mahilig ka sa masarap na pagkain, patok ito.
Kung gusto mo ng adventure sa Baguio (e.g. maligaw sa Siyudad), hanapin mo ito ng walang tanungan kahit kanino!

Kung nadudumihan kang kumain sa karinderya, dun ka sa McDo.

13 out of 14!

Ikalawang Tagpo: 50’s Diner

Pasakalye:
What’s nostalgic for my lolo is spunky for me. This American diner in General Luna Street packs the features a typical Baguio grub place has to offer: homey, mura ang pagkain, at syempre malamig kahit walang aircon! Ang espesyal dito ay patok ang ambiance. It’s a throwback of its namesake. May jukebox, neon lights, black and white posters ng mga matagal nang yumaong artista, may convertible sa garahe na gusto kong carnappin, waitresses na part-time sailor, at parang hindi pa nagaganap ang World War 2 kapag nasa loob ka!

50's Diner interiors

It could be a bad repro for interior design Nazis pero para saken panalo yung pagka classic US diner feel niya.

Ang nilamon:
  • She (mixes ng kung ano-ano na supposedly pambabae pero panlalake sa dami)
  • 50’s Club Sandwich (cake ang tawag ni Tim sa laki neto... at malaki na si Tim sa lagay na yun)
  • 50’s Burger (galaking borger na may giant fries)
  • Grandma’s Fried Chicken (higanteng manok na pinrito ng isang lola... yata)
  • Shakes (yes... yung iniinom)
giant burger with giant fries, "She" on the background (photo by Fritz)

Yung “She”... sampler platter siya na may hotdog, slab of beef, porkchop, fries, fish fillet, at steamed gulay. Yung 50’s Club ay three-decker na clubhouse. Sobrang kapal na Tasty ang gamit na tinapay, para nang cake. Yung 50’s Burger ay malaking burger. Nothing particularly different sa lasa. Just your typical burger, only BIG. Yung fried chicken ay tipikal na fried chicken.

There’s nothing really signature sa lasa ng mga pagkain nila. Masarap naman pero tipikal. Kaso hindi ko natikman yung mga rice meals eh so I can’t be general about it. Yung shrimp rice nga nila mukang masarap eh.

sandwich na parang cake (photo by Fritz)

Iba pang chechebureche:
Sakto lang yung pag-serbisyo nila. Sabi ni Peter (na taga Baguio) dati daw naka roller skates yung mga waitress. Buti hindi ko na inabot. Ayoko maligo sa honeymustard sauce kung may maaksidenteng madulas. Have to specially mention their tartar sauce, though. Masarap.

Yun lang.

ang makalumang menu

Kaching:
Murang version ito ng Friday’s. For a similarly-looking menu, 50’s Diner only averages at P100 to P130. Sobrang mura na neto para sa relax at astig na ambiance nila. Parang next time gusto ko magtagal at tumambay dito at sumubok ng iba pang chicha.

boso! ahahay!

Ang hatol:
Unti-unti na siyang nagiging tourist spot more than just a bistro. Kaya dapat isa ito sa mga mandatory puntahan sa Baguio ng mga kapwa kong lakwatsero.

Babala: Magpa-gutom ng matindi bago bumisita.

12 out of 14!

Ikatlong Tagpo: Oh My Gulay! / Victor Oteyza Community Art Space (VOCAS)

OMG!

Pasakalye:
Chill na tambayan. Masarap na kainan. Sandamakmak na obra ng sining. Nakita ko ang paraisong ito sa isang tagong lugar sa Session Road. Actually, yung tropa ko ang nakakita matapos niyang ipagtanong kung kani-kanino "yung parang Disneyland sa taas ng building".

As a starter, Oh My Gulay! is a vegetarian resto at the penthouse of La Azotea Building. Limang floors (at walang elevator) ang lalakarin bago makarating dito. The place is a huge art gallery slash theme park slash eatery slash cafe... with different paintings, sculpts, and other visually artistic thingamajigs splashed all around (I read somewhere they even held mini concerts and theater prods here).

hiningal ako sa pag-akyat

VOCAS co-exists with OMG! (ran by the same guy) as a place for local artists to exhibit their works, so the entire place is a surreal Wonderland experience (in a not-so-doobie way). Reminds me of UP-Fine Arts na may piyesa ng sining kung san san.

Food. Art. Chill. Whatta combo!

Ang nilantakan:
  • Dayap Iced Tea (tsaa na may kalamansi), P60
  • Kape (brewed coffee... mountain beans), P50
  • Super Sosy (dahil sosi ako!), P70
 "Super Sosy" and Me

Sayang at hindi ako masyadong nakapag explore ng chicha nila. Mag tatanghalian na kasi nun nakita namin ito (at 50’s Diner kami manananghalian). Walang espesyal sa kape. Gusto ko lang yung itsura nung lalagyan ng pulang asukal. Napaka ethnic. Yung “Dayap Tea” mukang kalamansi juice na may tsaa.

Yung “Super Sosy” ay peach crepe. Masarap siya impeyrnes, pero baka dahil may bias ako sa mga crepes. Patok yung peach para saken (hindi ako kumakain ng peach pero nasarapan ako) kaso makapal yung breading.

Sigurado babalikan ko ito para maka-lantak pa ng mas madaming chicha.

Iba pang chechebureche:
Medyo mahirap hanapin yung lugar lalo na kung mahiyain ka mag tanong sa ibang tao. Ang ginawa kong palatandaan ay sa sahig ng katapat na pedestrian walk (Session Road) ay may bilog na mosaic ng makikintab na bato. Tumayo ka sa gitna nung bilog tapos kapag humarap ka sa kanan (pag galing ng Burnham) or humarap ka sa kaliwa (pag galing ng SM), tutuklawin ka na ng pintong papasok ng building.

vegetarian seminar + plim

Marapat na libutin ng maige yung palapag para ma-appreciate yung artistry ng lugar. Madami kasing pasikot sikot at kada sulok na kabagsakan mo shows a whole new perspective of the place. Sobrang random ng mga designs at puno ng visual treat! Ang theme ng interior design ay mostly ethnic (doh!).

Sa balkonahe nila may bird’s-eye-view ng isang section ng city (not really an enticing sight pero mamwede mwede na... tingin ko mas maganda ito makita kapag gabi). May entablado sila na nung pumunta kami ay may gumagamit na banyagang nagse-seminar about going vegetarian (siyempre hindi kami nakinig... ang tunay na lalake, ang kinakain ay laman!).

SM on a hill

Kaching:
Medyo above average ang presyo ng pagkain kung iisipin na ito lang ang binibili sa OMG! by itself. Pero kung iisipin na ang binabayaran ay yung pagkain AT yung pag-enjoy sa ganda ng paligid, sobrang sulit na. Eto yung tinatawag kong “Free Coffee” principle - kung gusto ko ng lugar na chillax o mapagkokonyohan, nagbabayad ako ng entrance na P160 sa Starbucks or P130 sa Bo’s Coffee, may libre pang kape!

Price range is at P70 to P110. Mura yung mga gulay dishes kumpara sa salads dito sa Manila. Pero kung iisipin kung gaano kamura ang gulay sa Baguio, medyo mahal na ang benta ng gulay dishes nila. Kaso gaya ng sinabi ko, yung ka-astigan ng lugar ang hindi natatawaran ng kabayaran.

Ang hatol:
Ultimate tambayan-material. Sobrang relaks at nakaka-aliw. Bonus na lang na may masustansyang pagkaing nakahain. Kelangan ko bumalik dito para subukan ang iba pa nilang handa.

ang makulet na menu

Magdala ng camera para sa Facebook moments (huwag kuhaan ang sarili, baka mapagkakamalang jejemon... madaming waitress na pwedeng pakiusapang kumuha ng ritrato mo).

Nakakapagod akyatin (sa mga overweight) at nakakalito hanapin (sa tatanga tangang bagong salta).

12 out of 14!

*****
Project 12x2-1
...is a year in the palates of me and my Couch Potato.

January (Month End): Nihonbashi Tei (Click Here)
February (Filler): Good Taste, 50's Diner, Oh My Gulay! (Click Here)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Obi Macapuno: Project 12 x 2 - 1: The Baguio Gauntlet