Project 12 x 2 - 1: Ribs and Wings
The family that BBQ together, STEAK together.Before our trip to Baguio for the long holiday, we dined it at this resto na parang duplex. Duplex in the sense na dalawa yung resto (with different names and different food offerings) but they share the same location, side by side. You can cross from one resto to the other through an adjoining pathway inside the premise. Astig. They even share the same staffs!
That's "Chubby's Rib Shack" on one side and "Buffalo's Wings N' Things" naman sa kabila.
They probably have the same owners but Whether the duplex thing is a marketing gimik or not, ang gusto ko about it ay mas madaming choices ng pagkain! Wooot!
Pasakalye:
That duplex in Makati is located along Dela Rosa Street near Esteban and Bolanos. Malapit ito sa CEU-Makati at two blocks away from Herrera Avenue. Ang hirap i-explain exactly where it is. Mag tanong tanong na lang sa mga taong naglalakad around the Dela Rosa - Herrera area. Babala: madaming Predator sa area na naka-cloaking device. Huwag basta bastang pumarada sa mga bangketa kung ayaw makotongan ng mga ito.
Spicy American diner food yung menu ng Buffalo's while emphasis on barbecues naman sa Chubby's.
It's quite jampacked on a dinner-time night so malamang masarap kumain dito.
Ang Nilantakan:
...sa Chubby's
- Barbecue Rib Shoulder with Honey Barbecue Sauce
- Texas Garlic Bread
- Coleslaw
- Dirty Chicken Fingers
- Classic Chicken Fingers
Sa Chubby's, ang kinuha namin ay yung Chubby's BBQ Platter nila. It's a choice of a main dish (choices are baby back ribs, rib shoulder, meatloaf, pulled pork, and fish) na barbecued on your choice of a signature sauce plus two side dishes. I picked garlic bread and coleslaw as sides while honey barbecue as sauce.
Masarap yung honey barbecue sauce nila on the rib shoulder. Nasa matamis na side inclined yung lasa ng sauce. Malambot ang pagkaka-ihaw nung rib shoulder. Ang problema ko lang ay medyo kulang sa laman yung part na iyon. Iniisip ko tuloy, I should have picked baby back ribs instead.
Hindi ko inaasahan na yung garlic bread nila ay isang giant piraso ng loaf bread. Malambot ito despite its size at sapat ang pagka toast. Hindi ko nalasahan ang garlic pero nag-enjoy pa din akong kainin ito. Yung coleslaw is typical one, nothing special about it but not to scoff at ang lasa, so oks din para sa akin.
Sa Buffalo's, our order came from the Fan Faves combo. It's a choice of chicken legs, chicken fingers, or fish fillet, all served with rice and iced tea.
Yung binili namin ay classic chicken fingers at dirty chicken fingers. Classic ang tawag dun sa boneless strips of chicken meat, deep fried in breadings. Dirty naman ang term nila sa same chicken finger when it is tossed in your choice of their signature sauce.
Masarap yung honey barbecue sauce on the dirty chicken finger. Tingin ko obvious pick ang barbecue variants nila. Tama lang ang luto nung chicken fingers. Perfect na finger food on a lazy tambay night with friends. Gusto ko yung combination nito with honey mustard.
Buffalo's also offers spicy chicken wings as their specialty. Their spicy flavor ranges from the minimal "rookie" level to the arse-cracking "nuclear" which is quite infamous for the chilli-lovers. Basta tandaan: when it's hot coming in... it is hot coming out! Yebah!
Ibang satsat:
Makulit yung theme ng ambiance sa Chubby's, panay kahoy everywhere. Meron ding mga nakasabit na quotes related to barbecue from famous personalities. Hindi ko nasilip masyado yung kabila (Buffalo's) pero mukang sporty naman yung datingan ng mga wall designs.
Medyo malangaw nung andun kami. Partida gabi na. Not sure if this is always the case.
Jolly yung mga serbidor at conciously may malasakit sa mga kumakain. Madaming kumakain sa kanila pero napagsisilbihan nila ng mabuti at hindi nakakalimutan ang mga requests. Kelangan ko ng kanilang memory-power... para silang tumitira ng Memo Plus Gold kada araw.
Simple yung menu... Buffalo's sa isang side nung naka-laminate na lengthwise na papel at Chubby's naman sa kabila. Mag tanong sa waitress para mas malinaw kung ano ang mga kombinasyon na pwedeng orderin. Andami kasing squiggly lines, nakakalito.
Kaching!:
P230 to 300 ang range ng mga pagkain sa Chubby's at P140 to P260 naman sa Buffalo's.
Medyo may kamurahan na yung sa Chubby's kung yung mga ribs nila ang pagti-trippan. Sa halagang P270 kasi may ribs ka na which is wala sa kalingkingan ng ilang mga sikat na rib place sa bansa (*ehem* Racks *ehem*). I have to admit that their ribs does not match with leading contenders pero yung sarap naman ay medyo kaya nang humilera sa mga ito.
Wag nang pag-aksayahan ng panahon yung ibang items sa menu.
Sa Buffalo's naman, hindi sana ito ganun kamahal. It's just that for that price, other American junkfood place can offer a better tasting alternative.
Siguro kelangan ko balikan yung chicken wings para mas maging fair.
Ang hatol:
Okay na tambay place or dinner night-out with tropa. Yung tamang kulitan at kwentuhan lang for the night. For anything beyond casual hangout, like looking for a sumptuous meal or a quiet date, forget it.
Kelangan ko pa bumalik dito to sample more food... and take better pictures too. Haha!
8 out of 14.
*****
January (Month End): Nihonbashi Tei (Click Here)
February (Filler): Good Taste, 50's Diner, Oh My Gulay! (Click Here)
February (Mid Month): Sakae Sushi (Click Here)
February (Filler): Ba Noi's (Click Here)
February (Month End): Makan Makan (Makansutra) (Click Here)
March (Mid Month): Toast Box (Click Here)
March (Month End): My Thai Kitchen (Click Here)
April (Filler): Cafe Mediterranean (Click Here)
April (Mid Month): Le Ching Too (Click Here)
April (Month End): Dong Bei Dumplings, Wai Ying Fastfood (Click Here)
May (Mid Month): Peri-Peri Charcoal Chicken (Click Here)
May (Month End): YakiMIX (Click Here)
June (Mid Month): Thousand Cranes Shabu-Shabu (Click Here)
June (Month End): Wingman (Click Here)
July (Mid Month): Nanbantei of Tokyo (Click Here)
July (Filler): LZM Restaurant (Click Here)
July (Month End): Old Penang (Click Here)
August (Mid Month): Spaghetti Factory (Click Here)
August (Month End): Adobo Connection (Click Here)
August (Filler): Chubby's Rib Shack / Buffalo's Wings N' Things (Click Here)
1 Comments:
Like.
Post a Comment
<< Home