Project 12 x 2 - 1, Scene 14: Spaghetti Factory
No man is lonely eating spaghetti; it requires so much attention.Dahil nasa "spaghetti phase" ang taste buds ni Coach Potato, we tried this pasta place in Glorietta 5 called the Spaghetti Factory.
- Christopher Morley
May air of pomp (or at least there is an effort to have one). Their attempt at an "ambiance" is failing quite miserably though because of the boisterous sounds and loud music coming from an adjoining resto-bar (Gerry's Grille). Siguro naman hindi ganito sa umaga (gabi kami kumain dito).
The place is at the topmost level of Glorietta 5.
Nag-order kami ng samut-sari para ma-sampolan yung pagkain with as much variety as we can.
- Mafia Style Pasta
- Beef Tenderloin Chef Style
- Chicken Wings Factory Style
- Mango Crepe
Tomato based sauce with sliced sausages ang raket ng mafia style spaghetti. May kasama itong strip ng tinapay na walang lasa (hindi man lang garlic bread na lang sana). Tamis-asim ang lasa nito pero overpowering yung asim-side dahil siguro sa generous application ng tomato sauce. Ito daw ang best seller pero walang "kaboom!" para sa akin. So so lang. Pero si Katlina, enjoy na enjoy... as expected.
Masarap yung asparagus sauce nung beef tenderloin. Ang itsura nito ay parang suka ng pusa na kulay green at textured na parang gerber. Masarap din yung beef na parang burger patty kung hindi nga lang parang rubberband sa kunat. Patok sakin yung side dish na steamed veggies. This is also served with rice.
Tatlong piraso yung chicken wings nila at maliliit para sa presyo. Kung ako ay may opinyon sa pagsilbi nila ng mga ulam sa menu, sakto lang kung gagawin nilang apat na pakpak per order. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng "Factory Style" sa menu pero malasa yung pagkaka-luto. Masarap yung manok as it is at kahit may kasamang gravy na walang lasa, hindi na ito kelangan para pasarapin yung piniritong pakpak.
Winner yung mango crepe! Packed with two scoops of ice cream at generously lathered with chocolate syrup at whipped cream, sobrang ito ang na-appreciate ko nung gabing yun. Konti yung laman na strips ng mangga pero masarap pa din para sa akin at sulit sa bayad.
Okay naman sa labas kumain kung hindi mainit at walang humihithit-buga ng yosi sa mga katabing lamesa o sa katabing resto-bar. Pambasag ambiance eh.
Maagap ang mga waiter at madaling kuhain ang atensyon (syempre galiit nung lugar eh).
Pang sosi ang layout ng menu. May descriptions pero hindi enough para ma-describe ng mabuti ang ilang items na minsan ay equally clueless din ako kung ano. In any case, madami namang ritrato at huwag mahiyang mag-tanong.
Inimpatso the next day si Kumander. Tingin ko dahil ito sa goma-like beef tenderloin at hindi sa dami ng kinain namin (na una naming pinag-suspetyahan).
Mura na ito for what they offer. Yun nga lang, from what we tried, hindi ko masasabi outright na sulit ito para sa lasa at kaledad ng mga pagkain. I still find the food somewhat lacking for their price.
Siguro kelangan namin bumalik dito to try the other stuffs. Besides, andaaami nilang offering na mukang interesting naman.
Yung supposedly flag-bearer nilang pasta ay hindi ganun ka-patok sa akin kaya major turn-off.
Kelangan bumalik para ma-try pa yung iba.
8 out of 14.
*****
January (Month End): Nihonbashi Tei (Click Here)
February (Filler): Good Taste, 50's Diner, Oh My Gulay! (Click Here)
February (Mid Month): Sakae Sushi (Click Here)
February (Filler): Ba Noi's (Click Here)
February (Month End): Makan Makan (Makansutra) (Click Here)
March (Mid Month): Toast Box (Click Here)
March (Month End): My Thai Kitchen (Click Here)
April (Filler): Cafe Mediterranean (Click Here)
April (Mid Month): Le Ching Too (Click Here)
April (Month End): Dong Bei Dumplings, Wai Ying Fastfood (Click Here)
May (Mid Month): Peri-Peri Charcoal Chicken (Click Here)
May (Month End): YakiMIX (Click Here)
June (Mid Month): Thousand Cranes Shabu-Shabu (Click Here)
June (Month End): Wingman (Click Here)
July (Mid Month): Nanbantei of Tokyo (Click Here)
July (Filler): LZM Restaurant (Click Here)
July (Month End): Old Penang (Click Here)
August (Mid Month): Spaghetti Factory (Click Here)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home