Project 12 x 2 - 1, Scene 7: Dong Bei Dumplings & Wai Ying Fastfood
Pangalawang beses namin na literally dumayo para mang-hunting ng featured grub place for the month.
Ang destinasyon... Binondo!
Can't go wrong kapag sinabing Binondo. Naglipana ang kainan dito na siguradong patok. It's just a matter of finding where and knowing what to eat. At sa sobrang daming pwedeng kainan, kulang ang isang round ng bisita. Sigurado ako magkakaron kami ng Round 2 waiting to happen this year.
For now, tara... Round 1!!!
First Stop: Dong Bei Dumpling
Yung mga "hidden" diners tulad ng Dong Bei ay dinadayo either dahil sobrang gusto mo yung pagkain nila OR willing ka to go out of your way to try it out because of curiosity. AT hindi dahil yung mga Pulitiko, Estudyante ng Ateneo, Tambay ng Resorts World, o si Juday ay suki nito.
Dun kami babagsak sa "curious" category.
Research ni Katlina etong Dong Bei. Hindi ito mahirap hanapin kung pamilyar ka sa Binondo Church. Kung nakaharap sa simbahan, sundan lang yung kalsada sa kanang side. Yun ay Ongpin. First kanto na makikita, turn left. Yun ay Yuchengco. Across nung unang kanto na makikita (Oriente ang bagong pangalan nung street... nakalimutan ko kung ano yung old name nito pero pointless tandaan dahil...), Dong Bei na! So basically, it's right across the butt of the San Lorenzo Ruiz school which is just behind Binondo Church. Gets? Kung hindi, mag Hen Lin na lang sa Glorietta. Mas madali.
- Mixed Dumplings (Pork Dumplings + Kuchay Dumplings)
- Xiao Long Pao
- House Tea
Ang nagustuhan ko sa dumplings nila ay manipis yung pabalat. So hindi sa pabalat mabubusog yung kakain dito kundi sa laman nung dumplings mismo. Kumbaga, more "food" than extenders. Makes good sense to me. Malasa yung pork at kuchay (chives) nila. Nasa dighay namin yung lasa nito until the rest of the afternoon.
Mas gusto ko yung pork dumplings. Si Coach Potato mas trip yung kuchay dumplings. Ang sawsawan nga pala nila para dito ay homebrewed na suka concoction. Bawat lamesa ay may chili oil din na available.
Next dish, xiao long pao. Kailangan ko ng tulong ni Wikipedia para i-explain kung ano ito. Basa!
http://en.wikipedia.org/wiki/Xiaolongbao
Originally xiao long bao, tinatawag din itong soup dumpling dahil literally may soup ito sa loob. Maluwa-luwa ko siya sa init dahil paglapag pa lang, inupakan ko na agad. Mainit pala yung sabaw sa loob! Kaya pala yung pagkakagawa ng wrappings niya ay may mga creases sa gilid, it acts like a sac to hold the "soup" inside the dumpling! Angas.
Gusto namin yung house tea nila. Parang sa North Park at Leching Too lang din.
Andami pang interesting kainin dito, lalo na sa mga rice meals. Kaya I'm sure hihirit ako ng "I shall return" para bumalik dito in the future at matikman yung iba pang putahe.
Ang makulit, hindi consistent yung nakalistang putahe sa dalawang menu. Parang mas madaming naka-sulat dun sa may kartolina sa dingding. Sa may kabilang side naman nung dingding, may mga ritrato ng mga pagkain na walang nakalagay na mga pangalan. So mag matching game na lang kung ano ano dun sa mga ritrato yung mga naka lista sa menu.
In short, magtanong na lang sa waiter. Mabait at willing naman mag-describe yung mga waiters nila. Parati pa naka-ngiti at alisto. Swerte sa negosyo... good vibes!
May maikling write-up sa likod ng menu na naka-laminate. Review ito ng isang laos na society magazine para sa Dong Bei.
Mabilis lang ang preparation nung pagkain namin. Sabagay steamed lang naman lahat.
Sila mismo ang gumagawa ng mga dumpling wrappers nila at tingin ko pati yung noodles. Pag-pasok pa lang sa resto, makikita na sa isang sulok nung lugar yung pinag-gagawaan nila ng mga ito. Madalas, actual na merong gumagawa dito kaya pwede pang mapanood.
Napaka-simple nung lugar. Sobrang walang silang pakelam sa ambiance. I can go as far as say na madumi yung lugar nila. Pero sa totoo lang wala akong pakelam. Kasi ansarap naman ng pagkain at mura pa.
Sa sarap ng pagkain, para saken sulit na yung binayad ko.
May rason kung bakit dinadayo ito kahit nakatago sa isang liblib at indistinctive na lugar sa Binondo.
Definitely hindi para sa mga taong may issue sa germs at dumi. Pero sa mga adventurous na naghahanap ng bagong makakainan, try it!
Babalik ako dito para mas madami pang ma-try na pagkain.
10 out of 14!
Next Stop: Wai Ying Fastfood
Sa sobrang dayuhin, may separate stall sila para lang sa mga take out orders. Three blocks away lang ito sa mismong resto.
Eto yung direksyon kung galing Binondo church:
1. Diretsuhin ang Ongpin hanggang makita ang President's sa left side. Kanto na ito ng Salazar.
2. Kumaliwa sa kantong ito.
3. Dumiretso hanggang makita ang Benavidez sa right side. Kumanan dito.
4. Dumiretso habang naka-tingin sa right side.
5. Tumigil kapag nakita ang signboard ng Wai Ying. Pumasok sa loob ng establishment at mag-tanong sa masungit na tindera.
6. Walang siyang alam isagot kundi "sa ikatlong pinto". Try mo.
7. Kaya lumabas ng establishment at bumalik sa pinanggalingan pero magbibilang ka ng pinto. Sa ikalawang pinto, andun yung kainan ng Wai Ying.
Yung unang pintong napasukan na may masungit na tindera, yun yung Take Out stall nila. Gets?
PS: Oo, mali ang bilang nung masungit na tindera.
- Roast duck with Soy Chicken Rice
- Chicken Feet (Adidas)
- Hakao (Shrimp Dumplings)
- Beef Chang Fan
- Cox
- House Tea
Sooobrang sarap nung roast duck at soy chicken! Naliligo ito sa manamis-namis na asado sauce at kuchay. Mas trip ni Katlina yung soy chicken. Ako, mas trip ko yung roast duck.
Nag order si Kumander Potato ng steamed adidas. Pero siya lang lahat yumari nito. Never ako kumain neto kahit since nung embryo pa lang ako.
Masarap yung hakao nila. Hindi kasing nipis ng sa Dong Bei yung pabalat. Pero sa presyo neto, not bad na. Usually kasi mahal eto sa mga mas commercial/established na Chinese resto (e.g. Hap Chan, North Park, David's Tea House).
Next ay yung Chang Fan. Originally cheung fan or rice noodle roll, eto ay isang tipak ng rice noodle (doh!) na nilagyan ng sahog sa loob (choices of veggie, shrimp, pork, at beef) sabay nirolyo na parang lumpia. It's steamed then lathered with this special soy sauce concoction na trip ko kasi matamis.
Masarap eto dun lang sa parte na may laman (beef ang pinili namin). Ang problema ko lang, kakarampot yung laman at ang kapal ng rice noodle wrap kaya walang lasa dun sa mga parte na kokonti ang palaman. Parang kumakain ng lumpiang sariwa na walang sahog sa loob. Usually, nasa bandang gitna yung masarap na parte, kasi andun yung concentration nung palaman.
Cox. Tawag namin sa Coke kung ayaw namin mag-advertise.
House Tea. Kakaiba yung kanilang tsaa kasi minty. Parang nilalagyan nila ng toothpaste kaya may hints ng menthol. Pero digs namin ni Coach Potato. Aprub.
I was warned about the place's sanitary issues. Medyo hindi nga kalinisan yung paligid, but then it was the same case with Dong Bei. Pag hindi yata madumi yung lugar, hindi authentic na Chinese hole-in-the-wall! Haha. Kasama yung dumi sa ambiance. So just wipe off your plates and utensils before digging in.
Isa pang nakaka-aliw yung coffee-maker nila sa may counter. Parang weird science laboratory thing na may burners and flasks and what-nots. Ang astig panoorin habang nagbu-brew ng kape yung kanilang ersatz barista.
May second floor yung lugar, pero sa ground floor lang kami napa-pwesto. Puno yung lugar nung dumating kami at nag-intay pa kami ng ilang minuto lang naman. Pero take note na ala-una na ng hapon noon. Puno pa din at sunod sunod pa din ang dating ng tao!
Sobrang mura para sa sarap ng pagkain. Gumagapang kami ni Katlina palabas sa kabusugan!
Mas okay dito kung grupo ang kakain kasi pwedeng mag-order ng mga dishes na for sharing and still end up with a cheaper bill than kung mag kakanya-kanyang order.
Again, not for people who have sanitary issues. Pero definitely para sa mayoryang masa na ang habol ay experience na maka-chicha ng authentic Chinese food at budget prices!
11 out of 14!
*****
January (Month End): Nihonbashi Tei (Click Here)
February (Filler): Good Taste, 50's Diner, Oh My Gulay! (Click Here)
February (Mid Month): Sakae Sushi (Click Here)
February (Filler): Ba Noi's (Click Here)
February (Month End): Makan Makan (Makansutra) (Click Here)
March (Mid Month): Toast Box (Click Here)
March (Month End): My Thai Kitchen (Click Here)
April (Filler): Cafe Mediterranean (Click Here)
April (Mid Month): Le Ching Too (Click Here)
April (Month End): Dong Bei Dumplings, Wai Ying Fastfood (Click Here)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home