Project 12 x 2 - 1, Scene 5: My Thai Kitchen (Greenbelt)
What is food to one man is bitter poison to others.The Asian run of our Project 12x2-1 continues as our next grub spree brought us on a Javanese experience - My Thai Kitchen in Greenbelt 3.
- Lucretius
Si Katlina ulit ang may pasimuno na dito kami kumain para sa katapusan ng Marso. Our other choices was a Korean resto at yung suking carinderia niya sa Intramuros. My Thai yung pinaka-accessible sa amin sa tatlong choices.
Intimidating yung itsura niya sa labas kasi kapag sinilip mo yung loob hindi mo outright makikita yung dining area nila. May maliit na receiving area muna. Parang ang pakiramdam mo tuloy ay mga top secret society lang ang may access makapasok sa loob. Walang sumalubong sa amin when we got in but I think it's just an isolated case kasi usually may naka-station naman na tao sa may pintuhan na nang-aakit ng mga kustomer.
Ang GANDA at astig ng interior design. Typical high end resto yung arrangement ng mga bagay bagay pero takaw pansin yung mga accents na artsy fartsy stuffs. May higanteng brass buddha sa taas ng counter. May mga wall dividers na may geometric patterns. Ang design ng isa sa mga dingding nila ay sandamakmak na pekeng office drawers (queer but I like it). Majority ng colors na ginamit ay bagay sa soft tones ng mga ilaw nila. Just right to generate a feel of serenity... parang ang dating ay "steady ka lang dyan, enjoy the food".
- Shrimp Pad Thai Noodles
- Chicken Red Curry (Gai Curry)
- Pork Sate (Satay Moo)
- Coconut Pandan Pudding (Tago Haew)
Yung pad thai nila ay may choices between shrimp, chicken, or vegetables na sahog. Shrimp ang pinili namin. Kaso pag dating ng pad thai, dalawang hipon lang ang laman. Disappointed ako dun. Unlike most pad thai that we tried, mas leaning sa asim yung lasa ng pad thai nila than sa tamis. That's supposed to be ideal. HOWEVER, I still find the flavor lacking para sa isang Thai dish. Medyo natabangan ako. Ang nagustuhan ko lang ay sakto yung lagkit ng rice noodles.
Sa red curry ako nasarapan. Hindi siya yung expected ko na anghang pero andun yung minty curry flavor. At sobrang lutang na lutang yung flavor na ito kaya trip ko. Etong lasa din na ito ang rason kung bakit hindi siya trip ni Katlina. Ayaw niya ng ganyang lasa. Boo. Sakto para saken yung pagkagawa ng paste at masarap ang luto nung mga sahog na gulay.
Yung satay ang nagustuhan ni coach Potato. It's skewered meat, grilled, and served on top of a leafy garnish with peanut sauce. Sa pitong piraso sa isang order, ito ay isa sa mga pinaka murang pwedeng orderin. Masarap yung marinade nila at malambot yung luto sa karne.
Now yung coco-pandan pudding ang the best sa lahat ng kinain namin! Dito unanimous ang boto namin ni Kumander. It's your typical pudding dessert made from coconut and pandan mix (doh!) with bits of corn. Kahawig lang din ng tipikal kakanin na nabibili sa palengke. Swabe lang talaga yung lasa ng gawa nila. Hindi ko alam kung anong drugs ang hinalo nila dito pero nakaka-adik sobra. Kung may babalikan kami sa My Thai, eto na yun. Eto LANG yun. Apat na piraso per servings.
Helpful yung mga serbidor at madaling tawagin. Konti lang din naman yung kumakain nung pumunta kami kaya madaling kumuha ng atensyon. Isa din sa kanila yung kumuha ng ritrato namin ni Couch Potato under the big buddha. In fairness, ampanget kumuha. Haha! Madaming nagpapakuha sa may buddha. Kung ako sa My Thai, pagkakitaan na nila ito... sampumpiso isang shot. Parang yung higanteng aso sa Baguio.
Mabilis ang serbisyo ng pagkain at halos sabay sabay isinilbi. Kaso hindi na ganun kainit yung mga ulam nung nakarating sa lamesa namin.
Makakatulong din banggitin ko na ang tap water nila ay by default isinisilbi ng walang yelo. So para magkaron ng malamig na panulak, kailangan specifically i-request na lagyan ng yelo ang hininging baso ng tubig.
Mahal para sa kaledad ng pagkain pero pambawi yung magandang ambiance. Okay na siyang date place para sa may budget o kaya para sa naghahanap maka-experience ng Thai cooking.
Pero yun na lang yun.
7 out of 14!
*****
January (Month End): Nihonbashi Tei (Click Here)
February (Filler): Good Taste, 50's Diner, Oh My Gulay! (Click Here)
February (Mid Month): Sakae Sushi (Click Here)
February (Filler): Ba Noi's (Click Here)
February (Month End): Makan Makan (Makansutra) (Click Here)
March (Mid Month): Toast Box (Click Here)
March (Month End): My Thai Kitchen (Click Here)
3 Comments:
tinry ko yung "drawers" nila and its fake drawers.. ahahaha! cute pero parang di connected sa ambiance.
Coco pandan pudding for the win!
tamaaa. at take note, office drawers siya. haha.
naks naman! good to see you dude having chilimansi moments! say hi to kat for me!
Post a Comment
<< Home