Merong na nakatambay.

Thursday, April 21, 2011

Project 12 x 2 - 1, Scene 6: Le Ching Too (Greenhills)

There is no love sincerer than the love of food.
- George Bernard Shaw
This place is a review waiting to happen. Le Ching Too!

Palagi kaming kumakain dito ni Coach Potato tuwing pumupunta kami ng Greenhills, simula pa nung bago ito ma-renovate. Parang Hong Kong streetfood style yung mga pagkain nila lalo na yung mga rice bowls na served in small tin buckets. Cuteness.

thumbs up dito

There are two Le Ching's sa Shopesville Arcade: Le Ching Tea House sa may palabas ng McDonalds and Le Ching Too right below the tiangge area. I rummaged around the net kung ano ang pinagka-iba nila (if there's any) but I can't find a clue. Baka magka-ibang branches lang ito with the same management kahit may significant differences sa pangalan. I heard mas nakakatipid daw sa pag-bayad ng taxes kung instead na mag-expand ang isang business via setting up another branch ay mag-open na lang ulit ng panibagong business entity with a slightly different name change para retain ang marketing image! Wa-is! Pero sa totoo lang, nalito ako sa sinabi ko.

Ang Pasakalye:
Medyo mahirap mahanap yung lugar. I can only locate it through the sheer number of times I've been in the place. Basta hinahanap ko lang yung side ng tiangge na pamilyar sa akin tapos parang ilog ko na itong susundan hanggang sa dulo (palabas ng Music Museum area) tapos nasa kanang side na siya. Bigla na lang susulpot yung entrance. Pero para mas madali, ipagtanong sa mga gwardiya o sa mga tinderong nag-aalok ng "dibidi! dibidi! dibidi!". Sure ako, alam nila yun.

isang dipa lang si kapitbahay

Kaka-renovate lang ng lugar. Pero more for aesthetics yung renovation. It's still the same old claustrophobic floor area. Sobrang tabi tabi na ng mga kumakain sa loob. Pero kung sabagay, wala na talagang mailalaki pa yung lugar dahil wala nang room to expand sa mga katabing kwarto. Mas malawak doon sa kabilang Le Ching's.

Ang nilantakan:
  • Beef Balls Dimsum
  • Wanton Noodle Soup
  • Fish Tofu
  • Hakao (Shrimp Dimsum)
  • Asado Rice
  • Chicken Mushroom Rice
  • Black Gulaman
  • House Tea
ang hakao... bow

Mga dati nang natikman:
  • Pork Siomai
  • Century Egg
  • Spare Ribs Rice
  • Beef Brisket Rice
Yung mga dimsum muna. Masarap yung beef balls. Giniling na baka na binilog, nilaga, nilagyan ng madaming MSG at sabay inahanda na may konting gulay on the sides. Nagustuhan ko ito dahil mura siya pero masarap at madami ang servings. Pwede sa madaming mag-rice.

got balls?

Classic sa sarap yung Hakao at Pork Siomai. Tingin ko ang nagpapasarap mismo sa mga ito ay yung sawsawan na chillies + toyo combo. Namiiiit! It tastes a bit above the ordinary dimsum ng ibang Chinese resto. MSG much? Mabigat sa tiyan yung siomai. At madaling mapanis yung hakao pag inuwing takeout.

Hindi ako fan ng century egg pero nasasabayan ko naman yung lasa niya ng walang pandidiri. So that says a lot, me being me.

MSG-licious!

Sa rice bowls naman, ang mga nagustuhan ko sa mga natikman ko (in descending order) ay Asado Rice, Beef Brisket, Chicken Mushroom, Spare Ribs, at Fish Tofu. Natatabangan ako masyado sa Fish Tofu. Not enough MSG. Sobrang walang lasa yung gooey na sabaw neto pati na din yung sahog na isda at tofu (na wala naman talagang lasa sa totoong buhay).

di ko malasahan

Nagustuhan ko yung Asado Rice kasi sobrang malasa yung pork. Ganun din yung sahog ng beef brisket at chicken mushroom. Lasap na lasap yung MSG-induced lasa nila! Malambot din yung karne. Hindi mukang na-stock ng matagal sa ref.

hulaan kung nasaan ang mushrooms

Ang problema ko lang talaga palagi sa Le Ching rice meals ay yung dami ng ligaments at tendons sa servings. Ito yung mga rubbery material in between nung mga karne at buto na mahirap nguyain. Siguro 20% ng sahog nilang karne ay may tendons o ligaments o anumang parte na hindi basta basta nangunguya o natutunaw ng kawawa kong tiyan. However, eto yung same reason baket trip na trip ni Katlina dito, kasi peborit niya ang ngumuya-nguya ng tendons. So sa tingin ko napaka-specific sa kustomer kung matitrippan nila o hindi yung ganung sahog.

Sa spare ribs exceptional yung dami ng tendons (expected kasi rib part). Eto pa naman daw yung specialty ng Le Ching's. Masarap talaga yung luto niya kung sa masarap. Kaso umiiwas ako kumain neto dahil sa dami ng tendons.

not much aji

Matabang yung sabaw ng Wanton Noodles. Masarap yung sahog netong dimsum at yung empress-hair pancit, pero walang lasa yung sabaw. Baka nakalimutan budbudan ng Ajinomoto.

Sakto lang yung tamis ng black gulaman at ayos na nakalagay ito sa malaking baso. Ayoko lang sa malalaking paghiwa nung gulaman mismo. Sana medyo ginayat pa nila into smaller cubes. Pwede nang ulamin sa laki ng gayat eh.

House tea. Patok ito. Walang pinagka-iba sa tsaa ng North Park so very good. Libre pa. We like!

Ibang chechebureche:
Walang litrato ang menu kaya aasa sa pag-tingin sa ibang lamesa para makapamili ng oorderin. Hindi mo din maaabalang mapagtanungan yung mga waiter kapag sobrang madaming kustomer. Sabagay halos wala namang jargon sa menu. Kung may hindi nakakaintindi ng kung anong klaseng pagkain ang Chicken Mushroom o ang Fish Tofu eh medyo nasa umo-order ang problema.

topped rice

Mabilis ang waiting time at halos sunod-sunod na dumating ang pagkain namin.

Wala silang service charge.

Kaching!:
Mura ang presyo para sa sarap ng pagkain! At sigurado akong sapat na ang dami ng kumakain sa kanila araw-araw para patunayang sulit kumain doon.

Price range is from P130 to P170 only!

justin, penge!

Ang hatol:
This will always be a dining place of choice for me and the Couch Potato.

The amount of parishioners will speak for it. A trip to the Greenhills shopping center is incomplete without passing by Le Ching's!

11 out of 14!

*****

Project 12x2-1
...is a year in the palates of me and my Couch Potato.

January (Month End): Nihonbashi Tei (Click Here)
February (Filler): Good Taste, 50's Diner, Oh My Gulay! (Click Here)
February (Mid Month): Sakae Sushi (Click Here)
February (Filler): Ba Noi's (Click Here)
February (Month End): Makan Makan (Makansutra) (Click Here)
March (Mid Month): Toast Box (Click Here)
March (Month End): My Thai Kitchen (Click Here)
April (Filler): Cafe Mediterranean (Click Here)
April (Mid Month): Le Ching Too (Click Here)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Obi Macapuno: Project 12 x 2 - 1, Scene 6: Le Ching Too (Greenhills)