Project 12 x 2 - 1, Scene 15: Adobo Connection
Tomatoes and oregano make it Italian; wine and tarragon make it French. Sour cream makes it Russian; lemon and cinnamon make it Greek. Soy sauce makes it Chinese; garlic makes it good.May bagong tayo na lunch place malapit sa office... ang Adobo Connection!
- Alice May Brock
Unang satsat:
It's a fastfood type resto along Dela Rosa Avenue, near Perea Street. Right across Mom and Tina's at kahilera ng iba't ibang kainan sa ilalim ng Dela Rosa walkway/carpark. Kung di gets kung ano ano yung mga pinagsasasabi kong lugar, paki Google Map na lang ng Adobo Connection.
Medyo nakatago yung lugar kaya tingin ko ang pagsikat nito ay nakasalalay sa salita ng bibig (word of mouth). Haha, ang korni. Kainis.
Sa dalawang beses na nakabalik na kami para mag-tanghalian dito, medyo hindi pa siya pumapatok sa mga empleyadong mahilig mag lunch out. Hindi pa sila gaanong napupuno pag tanghalian. More marketing effort pa, I guess.
As the name suggests, panay variants ng adobo ang makakain dito although may pangilan-ngilan silang ibang ulam.
Ang kinain:
- Poqui Poqui
- Gising Gising
- Modern Adobo
- Adobo sa Gata
- Mama's Adobo
- Meztisang Adobo
- Fish and Tofu Adobo
- Red Berry Juice
- Iced Tea
Yung Poqui Poqui at Gising Gising ay pwedeng bilhin as side dish ng mga Adobo variants or can purchased as a separate item.
Ang Poqui Poqui ay hango sa Ilocano dish of almost the same name ("puke-puke" talaga ang tawag AT bigkas sa kanya... kaso R-18 sa Katagalugan kaya pinapaganda ng karamihan ang spelling). Mashed eggplant ito na steamed with sibuyas at kamatis. Basically, parang enseladang talong na hindi dinawdaw sa suka.
Yung Gising Gising ay tinadtad na beans (parang baguio beans) na sinahog sa gata at lasang laing. Supposed to be dapat maanghang ito pero yung version nila ay walang anghang gaano.
Ang kanilang Modern Adobo ay pork adobo na parang mechado ang luto. Matamis na thick ang sauce at may budbod ng giniling na mani for texturing. Naks, tume-texture!
Masarap yung adobo sa gata. Chicken adobo naman ito na sinabawan ng gata at liver sauce. Hindi ko malasahan yung liver sauce pero strong yung gata components niya. Tingin ko yung liver sauce ay ginamit lang nilang pang-kulay, para mag mukang "adobo" yung sabaw niya instead of having the typical milky white color ng gata.
Ang pinaka basic na adobo nila ay yung Mama's Adobo. It's the classic chicken adobo na may syrupy soy sauce as sabaw at may hints ng tamis. Pansin ko hindi ganun kalalake yung parts nila ng chicken pero I'm okay to turn a blind eye dahil masarap naman yung mga timpla nila ng ulam.
Pinaka naging interested ako at peborit ko among the adobo offerings ay yung Mestizang Adobo. Pork adobo siya na vinegar-based ang sabaw. Malagkit yung consistency ng sabaw (parang sipon) na kulay puti at tamis-asim ang lasa. Parang pwede na itong tawaging lechon paksiw dahil sa lasa (less the Mang Tomas sarsa). Pero digs ko yung sarap nito.
Fish and Tofu Adobo. Tipikal na tokwa't baboy ang luto, yun nga lang isda ang sahog instead of pork. Obvious naman sa pangalan.
Yung red berry juice nila ay cross between Kool Aid Strawberry at Tokyo Tokyo Red Iced tea. Masarap ito lalo na kung malamig. Tingin ko kaya kong mag dalawang baso. Good job!
Iba chechebureche:
Okay yung loob nung resto. Malinis. Tago lang talaga yung mismong location. Pero Makati being Makati, for sure yung mga empleyadong bored na sa paulit ulit na ulam sa jollijeep or nauubusan na ng resto na makakainan ay maghahanap at maghahanap ng alternatives. At sigurado din ako na may isang tao (na tulad ko) na magkakalat na may bagong kainan sa Dela Rosa.
Maagap ang mga nag sisilbi (na hindi mukang serbidor, bagkus ay mukang Manager dahil hindi mga naka-uniform... Take Note: "mga"... baka nga mamaya, owner yung mga yun eh... nagtitipid sa manpower). In any case, all asikaso to the max sila kaya aprub.
Malinaw at maganda ang descriptions nung menu nila na naka imprenta sa taas ng counter. Walang masyadong pictures para malaman kung mas maputi ba ang mestizang adobo kumpara sa adobo ni Mama. So pwedeng mag mini-mini-mo na lang at kung hindi nagustuhan ang na-order, better luck next time.
Kaching!:
P110 to P200 yung price range.
May lunch sets na sila na pinaka "combo" sa menu.. may kasama nang rice at iced tea ito. Dagdagan pa ng P30 at pwede kang pumili between poqui poqui at gising gising as veggie rice siding.
Mura dito dahil masarap yung most ng ulam nila.
Don't bother with the iced tea. Try the red berry juice.
So ano na:
Masarap magpa-balik balik dito. Madami kasing pwedeng subukang kainin.
Interesting yung variety ng adobo sa menu... tamang nakaka-curious kung ano ba yung differences ng mga adobong nakasulat dun. Pero dahil nga most naman ng mao-order mo ay swak sa panlasa at sa bulsa, why not try it randomly para masaya.
11 out of 14.
*****
January (Month End): Nihonbashi Tei (Click Here)
February (Filler): Good Taste, 50's Diner, Oh My Gulay! (Click Here)
February (Mid Month): Sakae Sushi (Click Here)
February (Filler): Ba Noi's (Click Here)
February (Month End): Makan Makan (Makansutra) (Click Here)
March (Mid Month): Toast Box (Click Here)
March (Month End): My Thai Kitchen (Click Here)
April (Filler): Cafe Mediterranean (Click Here)
April (Mid Month): Le Ching Too (Click Here)
April (Month End): Dong Bei Dumplings, Wai Ying Fastfood (Click Here)
May (Mid Month): Peri-Peri Charcoal Chicken (Click Here)
May (Month End): YakiMIX (Click Here)
June (Mid Month): Thousand Cranes Shabu-Shabu (Click Here)
June (Month End): Wingman (Click Here)
July (Mid Month): Nanbantei of Tokyo (Click Here)
July (Filler): LZM Restaurant (Click Here)
July (Month End): Old Penang (Click Here)
August (Mid Month): Spaghetti Factory (Click Here)
August (Month End): Adobo Connection (Click Here)
2 Comments:
sarrrrrrreeeeeeeeeeeeeeeeeeeep!
ayus ah... umaabot dito si mike???
Post a Comment
<< Home