Project 12 x 2 - 1: The Baguio Gauntlet, Part Deux
And I don't cook, either. Not as long as they still deliver pizza.My Baguio gauntlet, part deux! Nangyari ito nung nakaraang four-day long weekend, amidst a Signal #3 cyclone!
- Tiger Woods
This time I'm with the Couch Potato herself (plus friends in the office). Kaya binalikan namin yung mga most peborit kainan ko dun para ma-experience din nila. Walang bagyo bagyo... foood triiip!!!
Link to the first Baguio food trip entries.
Good Taste is Good Taste! It will always be my number one tsibog spot in Baguio for the sheer bang-for-your-bucks-ness of the place! I mean, come on, a very delicious serving of your lutong-bahay food that serves 3 to 4 persons per order at P120 to P130 only?? Come on!
In short, I made a believer out of them (which never fails, everytime I bring people there). Atay-yay-yay!
50's Diner is a staple. Parang tourist spot na ito ng Baguio. Kumander Kat and the gang enjoyed it and the huge servings. Nuff said.
Unfortunately, Oh My Gulay! is closed for the four-day long weekend. Badtrip. So we ended up some place else. Sayangs.
Moving on. Ibabahagi ko yung iba pang kinainan namin during that stay. Humandang magutom!
Unang Tagpo:
Pizza Volante.
Medyo matunog ang pangalan ng pizzeria na ito sa mga frat (frat-ing gutom! wahaha... acheche!! so 80's! ahaha!). Hindi lang ito sikat sa mga taga Baguio kundi pati na din sa mga taga-patag na mahilig mamasyal doon. Actually, una kong narinig ang Pizza Volante sa isang feature segment ng isang TV show. Sikat!
Matagal kaming tumambay dito dahil bukod sa napaka conducive nilang tambayan, anlakas lakas ng bagyong Mina sa labas (zero visibility na sa Session Road) that we rather stay indoor and pass the afternoon chatting and eating!
Madali ipagtanong kung nasaan ito matatagpuan basta marating ang Session Road. Kung galing SM - Baguio, maglakad papuntang Burnham Park. Nasa left side ang Pizza Volante, makalampas ng Greenwich - Session Road. Madami namang taong mapagtatanungan sa parte na iyon, kahit pa sa gabi.
Ang Tsinibog:
- Coffee with Vanilla Ice Cream
- Mango Cottage Cheese Pie
- Waffle with Maple Syrup
- French Fries
- Chilli con Carne Pizza
- Burger Pizza
- Four Cheese Pizza
- Pepperoni and Mushroom Pizza
- Pesto on Pasta
- Spaghetti with Meatball
- Pasta Putanesca
- Iced Tea
Kung sino man ang naka-isip na masarap lagyan ang mainit na brewed coffee ng malamig na scoop ng vanilla ice cream ay may IQ na above 150 at dapat bigyan ng Nobel Prize in Chemistry. Ang sarap! Astig. Magawa nga minsan sa bahay.
Yung mango cottage cheese pie ay lasang mango crepe na wala lang ice cream at whipped cream. Bale ang core niya ay bits ng mangga at cottage cheese. Tapos binudburan ng sandamakmak na Graham crackers sa ibabaw. Masarap din yung pagkaka-gawa sa crust. Tamang bake. Imbento lang namin na lagyan siya ng maple syrup (galing sa waffle) pero sa totoo lang mas umangas ang lasa! Pramis, sobrang panalong dessert! Masarap din itong kasabay ng kape. Bagay yung kontrahan ng lasa.
No comment sa waffle. Mukang typical lang.
Hindi crunchy yung french fries. Sobrang nalunod sa mantika na hindi tama ang init, kaya anlambot lambot. Parang french fries ng McDo matapos palamigin ng 10 minutes sa room temperature. Ganun. Soggy!
Not much comment sa chilli con carne pizza. Muka lang siyang pork and beans na binuhos sa pizza crust at pinatunawan ng keso.
Sa pizza burger naman, wala nang makain kundi higanteng slices ng sibuyas. Sana tinawag na lang itong sibuyas pizza with meat bits. In fairness, madaming meat bits for a six-incher. Kaso mas madami lang talagang sibuyas kaya nangibabaw ang lasa. Masarap na sana eh.
Promising yung four cheese pizza kasi may blue cheese. Angas!
Yung pepperoni and mushroom pizza does not impress much as well. Mukang typical din. Nothing special. Tamang laman-tiyan lang.
"Pesto on Pasta... bleuch!" Yan ang nakasulat sa notes ko, verbatim. Kulang sa olive oil yung pasta kaya ang nanyari parang laing pasta sa kalagkitan yung pesto. Ganun pala ang lasa ng pasta kapag nasobrahan sa pesto. Kakain na lang ako ng dinikdik na ipil-ipil. Masarap yung garlic bread, though. Hindi namin naubos ang pasta na ito.
Yung spaghetti na may meat sauce ay medyo malabnaw yung sauce. Hindi kumakapit sa pasta. Pwede ding hindi lang na-drain ng maige yung pasta nung pinakuluan. It's served with a meatball na mukang masarap naman.
Sa mga pasta, yung putanesca ang mukang promising. Maalat-alat dahil sa anchovies, which is how a putanesca should be. So, okay okay ito.
Kailangan kong banggitin na hindi masarap yung tubig. Partikular si Katlina sa mga service water eh. May "lasa" ang tubig nila.
Mga chechebureche:
Gusto ko yung interiors nung lugar. Minimalist yung mga design ng mga muwebles pero ang ganda ng play ng colors ng paligid: majority red walls at white tables with hints of yellow, orange, and green. Maganda yung pauso nilang malaking chalkboard na may scribbles ng mga menu items. Napaka grungy pero for some reason, bagay siya sa packaging nung place. May random Italian posters din.
Conducive tambayan kasi soft tone yung ilaw at Baguio being Baguio, hindi na kelangan ng aircon para lumamig. And for me, mas masarap yung "tambay food" nila than their meal items. Kape at pie, for the win! Patok din sa akin yung mga old music na pinapatugtog nila. Bagay sa ambiance. Sunday-music ang tawag ko dun. Yung mga tamang "Puff the Magic Dragon" at "Green Green Grass of Home". Sinasabayan ko pa yung mga kanta. Kantang chillax at pang-tinatamad.
Mabilis ang pag-serve ng pagkain. Konti lang ang waiting time.
Pinaka-ayaw ko ay andumi ng CR, both sa lalake at babae (daw). Kung anong effort ang nilagay para mapaganda ang dining area nila, ganun namang walang effort para palinisin at pagandahin ang kubeta. Major turn off.
Simple at straightforward yung menu. Isang laminated paper na back to back. Typical ang descriptions ng bawat item. Tamang pangkuha ng pansin ng mga taong gutom na gutom... example: "Succulent strips of juicy salmon belly, grilled to perfection! A mouth-watering dish rich in Omega 3!" Yung mga tamang pag-nabasa eh, literally kelangan ng tabo pang sambot ng laway na tutulo sa sarap ng description.
Kaching!:
P130 to 250 ang range ng mga pagkain.
Hindi sulit para sa akin yung mga six-inch pizza. Kung grupo lang din naman, kuhain na lang yung ten-incher. Tingin ko mas nakamura sa gentong paraan. Tingin ko nga, mas lalabas yung flavor ng mga pizza sa mas malalaking sizes than being cramped on a six-incher.
Mamili ng mabuti sa mga pasta items. Yung iba talaga kahit mukang mura, hindi sulit sa bayad *ehem* *pesto* *ehem*!!
Ang hatol:
Place is good but offset by the nasty toilet.
Masarap yung kape at dessert than most of the main course. So para sa akin mas okay na gawin siyang tambayan for a meryenda break than a place you would consider having a meal on.
For a pizzeria, it's a bit ironic na mas nagustuhan ko yung mga non-pizza items. Pero ang malupit lang dito ay madaming pagpipilian na pizza flavor kaya kung variety lang, hindi mauubusan. Even sa mga non-pizza items, jampacked yung menu nila ng pwedeng subukan na pagkain.
Kung babalik-balikan ito, yun ay dahil para masubukan as much from what they offer (which is a lot). At hindi mostly dahil nasarapan ka with something.
8 out of 14.
*****
January (Month End): Nihonbashi Tei (Click Here)
February (Filler): Good Taste, 50's Diner, Oh My Gulay! (Click Here)
February (Mid Month): Sakae Sushi (Click Here)
February (Filler): Ba Noi's (Click Here)
February (Month End): Makan Makan (Makansutra) (Click Here)
March (Mid Month): Toast Box (Click Here)
March (Month End): My Thai Kitchen (Click Here)
April (Filler): Cafe Mediterranean (Click Here)
April (Mid Month): Le Ching Too (Click Here)
April (Month End): Dong Bei Dumplings, Wai Ying Fastfood (Click Here)
May (Mid Month): Peri-Peri Charcoal Chicken (Click Here)
May (Month End): YakiMIX (Click Here)
June (Mid Month): Thousand Cranes Shabu-Shabu (Click Here)
June (Month End): Wingman (Click Here)
July (Mid Month): Nanbantei of Tokyo (Click Here)
July (Filler): LZM Restaurant (Click Here)
July (Month End): Old Penang (Click Here)
August (Mid Month): Spaghetti Factory (Click Here)
August (Month End): Adobo Connection (Click Here)
August (Filler): Chubby's Rib Shack / Buffalo's Wings N' Things (Click Here)
September (Filler): Pizza Volante (Click Here)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home