Project 12 x 2 - 1, Scene 19: Vikings Luxury Buffet
We are indeed much more than what we eat, but what we eat can nevertheless help us to be much more than what we are.Nung birthday ni Couch Potato, baligtad. Ako ang sinurpresa niya with a lunch date. And surprised I was! With a feast waiting for us at Vikings Luxury Buffet.
- Adelle Davis
Panalo!
She did the reservation way ahead of time. And from what I heard, medyo mahirap talaga magpa-sched ng reservation dito especially on weekend nights dahil sa dami ng patrons. We visited on a weekday kaya medyo moderate lang yung amount ng customers.
Vikings is located along the commercial strip of Seaside Boulevard sa Mall of Asia (eto yung likod ng MOA na katabi na ng pampang). Kung naka-harap sa MOA, take the right side of the boulevard. Tapos diretso lang hanggang sa dulo. Vikings should be the last establishment on that area. Lampas pa ng Hooters.
Pag-pasok pa lang namin, we are immediately seen to our table and the chow begins!
Roooound one! Fight!
- chawan mushi
- dimsum
- tempura (many)
- various maki and sushi
- Japanese fried rice (some)
- steamed veggies
- various chicken dishes
- various beef dishes
- various pork dishes
- steamed shrimp (tons)
- baked oyster
- grilled squid
- grilled beef tenderloin
- beef kebab
- grilled sausage
- cold cuts
- crackers with white cheese
- DIY salad
- mango
- carrot cake
- chocolate cake
- sari-saring kakanin
- cox
- kape
I can't begin to imagine how many combination of salad ingredients and dressings are there but the options are endless. Para saken ang ginawa ko ay egg bits, variety of greenies, bacon bits, corn, at carrots strips on honey mustard dressing. Mukang fresh naman lahat. Andito din sa area na ito ang mga tinapay, spreads, at soup.
Tons of cold shrimp. Sa sobrang fresh andaling tanggalan ng balat kahit naka kubyertos lang.
Andami ding options ng maki at sushi. Di ko trip kumain neto pero mukang nag-enjoy naman si Katlina sa mga pinili niya. Nakaka-aliw lang yung iba't ibang kulay.
Maganda yung mix ng main course options. May Asian at may Western dishes, and among those we've tried, wala namang disappointing. A special nod on their lemon chicken. Gusto ko eto kasi hindi O.A. yung tamis compared to those I had on other restos.
There's a wide choice of fresh seafood to pick. Pumili lang kami ng gusto namin tapos iluluto na nila. No need to wait. Just give the table number and it will be delivered.
Tuloy tuloy ang luto ng tempura dahil isa ito sa mga mabilis maubos.
Name your sweets and they got it. Gusto kong gumulong sa tsokolate sa tuwa dahil andami daming desert!
May isang section ng grilled meat and fish. Patok saken yung kabab at sausages. Tamang tama lang ang pagka smokey ng lasa. On one of its corner makikita yung meat grill. Pwedeng bigyan ng instructions yung cook on how you want your meat prepared. At andami ding sauce to choose from. I went for the US-grade beef... medium in red wine sauce. Nom nom!
Other food stations to choose from:
* Chinese food
* Japanese food (masarap yung mga Yakitori)
* Thai food
* Hot pot (shabu shabu)
* Pizza and pasta
* Yogurt and ice cream bar!! (Tip: Go grab some scoops then splash it with fruits from the...)
* Fruit bar
* Beverage (Pwede magpagawa ng fruit shakes. At may draft beer!)
Medyo strategically located din kasi yung kitchen nila. Most of the food stations are ringed around the cooking areas. This, plus the number of crew and waiters (which is a LOT!) manning the dining area, it should not be hard to monitor the food trays.
Una naming napansin ay mabigat ang kubyertos. Hindi sila nag-tipid sa bakal haha. I don't mind really, pero nakakangalay din pag nagtagal.
Ang ganda ng interiors ng resto. There are hints of a seafaring theme to it as befits the place's name. Napaka elegant ng mga muwebles and sobrang comfy ng couches. Malinis yung lugar... or at least, it looks like it. Medyo sumabit kasi ng konti when across from our table, we saw a small roach creeping out of a wooden panel. Sa likod ito ng sushi and maki area. Tinuro na lang namin sa isang dumadaan na waiter, who immediately disposed it off... by hand! Angas.
Mabilis and attentive yung mga staff. Ang bilis nila mag-ligpit ng mga wares sa lamesa namin na hindi na kelangan. Pag kuha namin ng pagkain, wala na agad yung mga used plates namin pag balik sa lamesa.
As I mentioned earlier, may kahirapan magpa-reserve. Hindi dahil mabagal yung sistema nila, kundi dahil sa dami ng customers na nagpapa-sched. So I suggest to call for a reservation way ahead of time o kaya weekday lunch na lang pumunta. Kung dinner weekend, asa pa na makapag walk-in.
At hindi rin dapat mag expect na mura. Dahil sa quality ng pagkain at sa ganda ng lugar at sa pagka-sulit ng serbisyo, hindi talaga dapat mura ang kumain dito.
Weekday lunch is at around P700+ and dinner is a couple of kesos more expensive. Weekend lunch and dinner is at P1000+.
Get ahold of their current promo kung merong may birthday sa pamilya. The celebrant is free of charge. As in! Promo lasts until December 7.
Nakalagay sa price board nila na introductory rates pa lang yung mga presyo. Ibig sabihin ba nito ay tataas pa ang presyo ng pagkain? Abangan!
Babalik kami dito... hangga't may ipong maaaring gastusin at pangyayaring dapat i-celebrate!
12 out of 14!
*****
January (Month End): Nihonbashi Tei (Click Here)
February (Filler): Good Taste, 50's Diner, Oh My Gulay! (Click Here)
February (Mid Month): Sakae Sushi (Click Here)
February (Filler): Ba Noi's (Click Here)
February (Month End): Makan Makan (Makansutra) (Click Here)
March (Mid Month): Toast Box (Click Here)
March (Month End): My Thai Kitchen (Click Here)
April (Filler): Cafe Mediterranean (Click Here)
April (Mid Month): Le Ching Too (Click Here)
April (Month End): Dong Bei Dumplings, Wai Ying Fastfood (Click Here)
May (Mid Month): Peri-Peri Charcoal Chicken (Click Here)
May (Month End): YakiMIX (Click Here)
June (Mid Month): Thousand Cranes Shabu-Shabu (Click Here)
June (Month End): Wingman (Click Here)
July (Mid Month): Nanbantei of Tokyo (Click Here)
July (Filler): LZM Restaurant (Click Here)
July (Month End): Old Penang (Click Here)
August (Mid Month): Spaghetti Factory (Click Here)
August (Month End): Adobo Connection (Click Here)
August (Filler): Chubby's Rib Shack / Buffalo's Wings N' Things (Click Here)
September (Filler): Pizza Volante (Click Here)
September (Filler): Jim's Retro Diner (Click Here)
September (Mid Month): 101 Hawker Food House (Click Here)
September (Month End): ElarZLechon (Click Here)
October (Mid Month): Luk Yuen (Click Here)
October (Month End): Vikings Luxury Buffet (Click Here)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home