Project 12 x 2 - 1, Scene 21: Ye Dang Korean BBQ Restaurant
The way you cut your meat reflects the way you live.Hindi pwedeng matapos ang taon ng wala kaming napupuntahang Korean shit. So with much racking up of Google-fu, nakita ni Katlina ang raves about Ye Dang in Ortigas and from the looks of it, it's worth the try.
- Confucius
Malapit ito sa Metrowalk. Kung galing Ortigas Avenue, kumanan sa Meralco Avenue. Ye Dang should be a few steps past Metrowalk (nasa ilalim ng flyover ang U-Turn). Medyo problematic ang parking dahil ilang sasakyan lang ang kasya sa harap ng resto. Pwede mag-park sa Metrowalk then lakarin na lang. Kung ayaw mag-lakad, sa bahay na lang kumain at magpaluto ng Shin Ramen.
- assorted appetizers
- seafood pajeon
- kimchichigae or kimchi jjigae (kimchi pot stew)
- kalbi or galbi (grilled sweet beef ribs)
- dak-kui or dakgui (grill chicken)
- hot tea
Libre ang unang serving ng iba't ibang uri ng appetizers. Pag upo pa lang, pag sisilbihan na agad ng mga ito. At sa totoo lang, kanin na lang at pwedeng na ang mga itong i-ulam! Kapalan na lang ng muka kung yun lang ang kakainin at extra rice! Pwede magpa-refill ng up to two platito of any of the served items.
Appetizers:
- some pickled leafy plant (spinach?)
- sweetened dilis
- spicy fish cake
- radish kimchi
- sweetened potatoes
- lettuce at iba pang salad greens
- kimchijeon (kimchi cake)
Yung pickled veggie ay mukang spinach ang ginamit na gulay. Parang steamed na gulay lang ang lasa neto. Still, good enough for my veggie-fix.
Masarap yung dilis, manamis-namis yung glaze. Isa ito sa mga pina-refill namin.
May fish cake at radish strips na binabad sa kimchi sauce kaya naging spicy ang lasa.
Hindi ako kumain ng sweet potatoes pero maliliit na bilog ng patatas ito na may caramelized sugar na malabnaw kaya matamis. Mukang nagustuhan naman ni Coach Potato and sister.
Yung mga salad greens ay ni-reserve namin para i-combo sa grilled meats na in-order namin.
Interesting yung kimchijeon. Nagpa-refill din kami nito. Pancake sya na gawa from kimchi at ansarap in combination nung accompanying spicy na sawsawan or your own DIY toyo concoction.
Balik sa mga bidang ulam.
Isang tradisyonal na Korean dish ang seafood pajeon. Pancake ito na malasa dahil sa generous amount ng spring onions at may sahog na iba't ibang seafoods. Eto ang pinaka sulit na kinain namin nung araw na yun. Sobrang dami ng sahog at ang lasa ng itlog na ginamit sa torta.
Yung kimchi jjigae ay sinabawang kimchi na nilagyan ng pepper paste kaya kulay pula at maanghang. May small slabs ito ng malambot na tofu. Hindi ako fan ng tofu kaya hindi ko trip ito gaano. Pero okay sya magpa-init ng tiyan. Matabang ang lasa para sa akin. Panay anghang lang.
Ang kalbi naman ay marinated beef ribs served raw then coal-grilled sa lamesa mismo. Bawat lamesa ay may dedicated ihawan at retractable exhaust vent galing kisame. Kaya kahit gadami ng nag-iihaw, hindi kami nangamoy usok at hindi amoy usok ang paligid. Sa totoo lang, lasang tipikal na inihaw na beef ribs lang yung kalbi. Nagta-transform lang ito ng lasa kapag binalot sa lettuce at iba pang appetizers na nauna nang inihain (pwede ding samahan ng kanin) sabay isasawsaw sa toyo. Mmm... mmmm! Turo ito sa amin nung waiter. Ang personal mix na peborit ko ay kalbi beef + lettuce + radish/fish cake + konting kanin + dip in toyo.
Dakgui should be similar to kalbi except it's grilled chicken. Marinated din ito but mas ramdam ko yung lasa ng marinade dito than the beef ribs. Matamis tamis.
May bayad yung hot tea. Hindi libre compared to most Oriental restos. Same lang din naman ng lasa. Lasang dahon ng tsaa.
Props sa tubig nila na may lasa dahil may dinadawdaw silang dahon ng pandan.
Pag-pasok pa lang sinalubong na kami ng mga ngiti. Attentive yung mga waiters at yung na-assign sa table namin ay malugod na sinagot yung mga tanong namin regarding the menu. There are ample pictures and English translations sa menu para maka-order ng hindi kelangang mag-mukang mangmang. For the heck of it, we still hounded the good waiter with questions. Nasagot nya naman lahat to satisfy us plus more... ang dami nyang kwento regarding sa mga common na ino-order sa kanila at sa mga ingredients nung bawat ulam na balak namin upakan. Good service!
Maganda ang interiors nung lugar. Ramdam ang Korean ambiance. Everything is with wooden accents. As I said earlier, may sariling grill at exhaust vent ang bawat lamesa. Uling talaga ang gamit nila na pang-ihaw kaya smokey talaga ang lasa nung mga lulutuin dito. Hindi kelangang magpaka-bayani, yung waiter ang mag-iihaw ng mga bagay bagay para sa mga kustomers.
Nakakatakot yung kubeta. Malamya ang ilaw at eerie ang design. Parang pwedeng gamiting scene sa next Sadako movie.
Price range is at P230 to P350.
Mahal ito pero magiging makatarungan kung madami kayong kakain. Besides, ang isang order ay pwede nang pagsaluhan ng hanggang tatlong katao. So if you think about it, a dish can be as low as around P80 buckers. So the more the barkada, the cheaper.
At gaya ng sinabi ko, sa dami (at sarap) ng libreng appetizer at wala pang service charge at sa ganda ng ambiance, hindi na masama ang magagastos.
Super recommended ko yung pajeong. Mas malala ang "super recommended" kesa sa "mighty recommended" at "ultra recommended" kaya ganun na lang eto ka-sobrang dapat matikman.
12 out of 14!
*****
January (Month End): Nihonbashi Tei (Click Here)
February (Filler): Good Taste, 50's Diner, Oh My Gulay! (Click Here)
February (Mid Month): Sakae Sushi (Click Here)
February (Filler): Ba Noi's (Click Here)
February (Month End): Makan Makan (Makansutra) (Click Here)
March (Mid Month): Toast Box (Click Here)
March (Month End): My Thai Kitchen (Click Here)
April (Filler): Cafe Mediterranean (Click Here)
April (Mid Month): Le Ching Too (Click Here)
April (Month End): Dong Bei Dumplings, Wai Ying Fastfood (Click Here)
May (Mid Month): Peri-Peri Charcoal Chicken (Click Here)
May (Month End): YakiMIX (Click Here)
June (Mid Month): Thousand Cranes Shabu-Shabu (Click Here)
June (Month End): Wingman (Click Here)
July (Mid Month): Nanbantei of Tokyo (Click Here)
July (Filler): LZM Restaurant (Click Here)
July (Month End): Old Penang (Click Here)
August (Mid Month): Spaghetti Factory (Click Here)
August (Month End): Adobo Connection (Click Here)
August (Filler): Chubby's Rib Shack / Buffalo's Wings N' Things (Click Here)
September (Filler): Pizza Volante (Click Here)
September (Filler): Jim's Retro Diner (Click Here)
September (Mid Month): 101 Hawker Food House (Click Here)
September (Month End): ElarZLechon (Click Here)
October (Mid Month): Luk Yuen (Click Here)
October (Month End): Vikings Luxury Buffet (Click Here)
November (Filler): Mister Kabab (Click Here)
November (Mid Month): Izakaya Kikufuji (Click Here)
November (Month End): Ye Dang Korean BBQ (Click Here)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home