I Survived Mount Mariveles
Matapos ang mga tatlo o apat na cancel at reschedule, natuloy din sa wakas ang akyat sa Tarak Ridge!
Tarak Ridge is one of several climbing sites around Mount Mariveles, a dormant volcano. Etong Tarak ang pinaka-sikat among them and commands a breath-taking view of Mariveles and the nearby towns of Bataan, Corregidor Island (and Fort Drum!), and the coastal areas of Manila Bay (mainly in Manila and Cavite).
The trail is relatively easy to hike with gradual ascent and descent going to the first major stop-point along the Papaya River (potable water source). After this, the assault to the campsite is more difficult, with several steep ascents on rocky or wooded terrain. It's a good thing that the trail is facing the windward side of the mountain and cold gusts of wind is almost always present on it. Napaka-relax ng akyat.
Originally, madami kaming aakyat kaso lumabo ng lumabo makasama yung iba dahil nabago ng nabago yung date. So lima na lang kaming natira. As usual, with my trusty pen and notepad, ako ang tagasulat ng mga happenings along the way. So here they are, right after a few pa-cute facts!
Quick Facts:
Coordinates: 14.50595N, 120.5E
Location: Mariveles, Bataan
Jump Off: Barangay Alas-asin
Drop Off: same as Jump Off
Elevation (peak): 1,388 meters
Climb Level: Minor (Difficulty 4/9)
Estimated climbing time: 5 hours
Day 1 - Page 1
* 4.38AM - leave home
* 7.17 - SM North
(Last minute decision: mag-ooto na lang kami papunta dun. Originally, dapat magba-bus kami sa Genesis sa Pasay Taft.)
* 8.09 - San Fernando, Pampanga
(Stop over rest. Kanya kanyang kain ng pika pika. Nag Magnum Truffles ako para "in"... nakalimutan ko nga lang magparitrato habang kumakain para mailagay sa Facebook para sikat.)
* 9.48 - Mount Samat
(Kita na yung malaking krus na nasa tuktok ng bundok.)
* 10.02 - Petron Refinery (Bataan)
(44 pesos lang ang diesel dito.)
* 10.22AM - registration at Barangay Alas-asin
* 10.45 - Jump Off point
(Nag early lunch na muna kami dito habang nagpa-final preps. Nangalhati agad ang dala kong isang kilong hotdog. Sarap! Si Mher adobong may itlog ang niyari habang yung mag-ama ay friend chicken. Si Gelo... speeeem sandwich!)
* 11.21 - start trek
* 11.37 - stop over at DENR station
(Isa itong lugar sa bukana ng trail na punong puno ng banner ng mga mountaineers. Andito si Nanay Kording at ang kanyang mga kapamilya. Tropa nilang lahat si Mher. Kulang na lang mag secret handshake sila at fist bump.)
* 12.02PM - stop over rest
* 12.35 - Dan and Gelo lost
(Hindi na nakasunod si Dan at Gelo so binalikan sila ni Mher. Hindi kami sa usual starting trail dumaan. Sa iba kami idinaan ni Mher para mas malamig at malilim.)
* 12.50 - stop over rest after partial ascent
* 1.18 - stop over rest after partial ascent
* 1.50 - landslide area
* 1.54 - stop over
(Gelo is lagging behind. Para hindi maging counter-momentum yung pace, nagkakanya-kanya kami ng lakad. Kapag lumalayo na yung last man behind us, sigawan na lang para malaman kung masyado na syang malayo o kung pwede pang dumistansya. Tumitigil kami para mag hintayan kapag masyado nang malayo.)
* 2.37PM - Papaya River
(First part of the trek is over. Yung ibang mountaineers dito na nagka-camp. Eto yung only water source ng trail at malamig yung tubig. Sarap. Kinain na din namin yung mga natirang hotdog. Refill lang kami ng mga baong tubig at konting pahinga, tapos lakad na din ulit!)
* 3.33 - stop over at 660 meters above sea level (about 340 meters to go)
Day 1 - Page 2
* 3.53PM - stop over (assault part)
(It's all uphill from here.)
* 4.34 - stop over (Gelo on cramps)
* 4.58 - touchdown campsite!
(Pinili namin yung open space right after the steep climb up the campsite. So basically nasa tabi ng cliff yung tinigilan namin. My dome-type tent needs a wall of something on at least one of its side to avoid being directly assaulted by heavy gusts of wind coming westward from the Manila Bay area. May mataas na talahiban sa parte nung campsite na tinayuan namin na pwede na sigurong makatulong para pigilan yung bugso ng hangin.)
(Dan and Mher are on tadpole-type of tent so wala silang problema sa malakas na hangin.)
(The view is soooo exquisite! Kitang kita yung kahabaan ng Corregidor plus the dot of an island which is the historic Fort Drum. Sa immediate horizon namin ay ang mga bayan ng Bataan at ang Mariveles Coal Power Plant. Sa kalayuan naman ay ang kahabaan ng Manila at Cavite bay area. Ang ganda! Sabi nga ni Mher, eto yung mga mahirap i-explain sa mga hindi maka-gets kung bakit may mga nagpapakahirap para umakyat at baba ng bundok. The experience up there is priceless.)
* 5.37 - tents up
(The panorama is briefly covered by a thick layer of fog, brought about by the continually pounding wind. My tent, which I set up as close to a wall of talahib as it can conveniently be, has its poles bent awkwardly already. Alam ko na kung ganito ang hangin until the next day, my tent will give. In any case, bahala na.)
(Umulan ng bahagya right after maitayo namin yung mga tent namin. Sakto lang. Tumigil din naman agad.)
* 7.42 - more strong winds
(At this point, lalo lang lumakas yung hangin, pushing the clouds away and giving us an awesome view of the nightscape! So habang ine-enjoy namin ang view at ang palamig ng palamig na temperatura, naglakad-lakad muna ako around the area para maghanap ng malaking tipak ng bato. Nilagay ko ito sa mga gilid gilid ng tent ko para ma-reinforce yung walls ng tent against the raging wind.)
(Nakahiram ako ng extra pantali kay Mher para i-double peg na yung side ng tent ko na directly tinatamaan ng hangin. I have to remind myself to buy paracords!)
(Mher started cooking. Nag-kape naman ako. Sarap ng white coffee sa lamig ng panahon. Nagpahinga si Gelo, Dan, at Kyle.)
(Ganda na sana ng view ng night horizon along the bay area sa baba namin. Kita pa yung madaming pinpricks ng ilaw ng Manila at Cavite. Kaso nagpakawala ng makakapal na usok ang Bataan Coal Powerplant. Gabi pala nila ginagawa ito. Para siguro hindi mapansin ng mga tao yung ginagawa nilang polusyon. Olats.)
Day 1 - Page 3
* 8.12PM - dinner time!
(Sinigang na baboy ang niluto ni Iron Chef Mher. Panalo!!!)
(Nagkahiyaan pa sa bandang huli kaya pinilit namin ubusin ni Mher lahat. Sarap ng mainit na sabaw. Sakto sa lamig.)
* 8.18 - mouse in the house!
(Akala ni Gelo nung una palaka. Yun pala may nakapasok na daga sa tent namin! Worse, nakapasok siya dahil binutasan niya yung gilid ng tent ko! Argh. Oh well, kelangan na talaga magpalit ng tent after all.)
(Naamoy niya kasi yung tinapay ni Gelo na malapit sa side kung saan ito bumutas ng tent. Kaya lahat ng pagkain namin isinabit namin sa gitna ng tent.)
* 8.29 - alak time
(Inuman time. Si Empy ang bida. Syempre, kung sino ang wala siya ang pinag-uusapan! Kaya ang aral, laging sumama sa lakad ng tropa.)
* 10.42 - Zzzz time
Day 2 - Page 3
* 2.00AM - fix tent
(Nagpalit ng direksyon yung current ng hangin and it was now attacking my tent from an angle na hindi namin napaghandaan. Dumadapa yung poles ng tent ko literally that the plastic of food we hang in the 'roof' of the tent is bouncing on my face.)
(Nag adjust kami ng pwesto ng bato, para ilagay naman dun sa side na nilipatan ng hangin. Naka-taas din yung mga kamay namin ni Gelo sa walls nung tent para may suporta at hindi masyadong mayupi yung flaps. Yeps... naka-ganun kaming natulog.)
* 4.40 - fix tent
(Bumigay na yung mga poles ng tent. Kelangan nang lumabas at magsagawa ng mga emergency measures dahil kung hindi, magko-collapse ito sa lakas ng hangin. Thanks to Gelo's duct tape, pinagkabit namin yung mga nabaling side. Yung elastic na tali nung pole na napigtal ay ginamit kong second anchor dun sa side ng tent na bumigay.)
(Nag rearrange din ako ng mga tipak ng bato na naka-suporta sa paligid ng tent. Gumana naman ang lahat kaya finally naka-tulog kami ng mas mahimbing. The sky is clear so naglabasan lahat ng bitwin sa langit. Sarap na pampatulog ang naka-tanga lang sa kanila.)
(Addendum: I got a thumb wound the next day from packing up the tent. Wala kaming bandage or anything kaya duct tape din ang ginamit kong band-aid sa sugat ko. Woot... duct tape for the win!)
Day 2 - Page 4
* 6.30AM - wake up!
* 6.47 - breakfast time
(Puting kape at cup noodles ang niyari ko.)
* 7.08 - break camp
* 7.57 - bye campsite, start descent
* 8.50 - stop over
* 9.11AM - napapakinig na ang tubig ng Papaya River, may mga mountaineers kaming nakasalubong paakyat
* 9.23 - Papaya River
(Major stop here. Nagpahinga kaming lahat habang padami ng padami yung nakikita naming either aakyat to Tarak Ridge or magka-camp na sa Papaya. As usual, sandamakmak na batian ng "good morning mam/sir"... common courtesy yan between mountaineers. Tandaan, lahat sa bundok ay mam at sir. Haha!)
* 9.31 - early lunch
(Menu: Adobo ni Dan, Tuna Pasta ni Mher, Puting Kape, Iced Tea Litro)
(Pasta in the mountains, san ka pa! Binusog na naman kami ni Mher. Tingin ko style niya ito para hindi namin siya maunahan sa paglalakad.)
* 10.17 - pack up
* 10.33 - start trek
Day 2 - Page 5
* 10.43AM - di pa pala kami aalis, nag kwentuhan pa (masyado pa daw maaga)
* 10.59 - start trek, totoo na ito... peksman
* 11.49 - talahib area
* 11.57 - stop over
* 12.33 - stop over (malapit na)
(Madami kaming nakasalubong na mountaineers along the way. Yung iba, parang family excursion pa. Sana lang alam nilang magbaba ng basura.)
* 1.03PM - Nanay's Place
(Balik DENR na kami. May BJ nang benta si Nanay Kording... buko juice! Kaya pahinga muna. As usual, chummy chummy si Mher, Nanay, at Tatay. Nawawalang anak ata nila si Mher eh. Haha!)
(Pabalik dito sa DENR, dun na kami dumaan sa generic na trail. Mainit nga! May nakita pa kaming higanteng gagamba. Angas.)
* 1.32 - Drop Off point
(Walang tao dahil nag simba daw sabi ng kapitbahay. Ayus. Tambay muna kami sa tabi ng kalsada habang iniintay sila dumating dahil naka-lock yung bakod. Dito kami maliligo bago umuwi.)
* 2.25 - dumating na sila... ligo time!
* 3.12PM - done packing up, ready to go back to Manila!
*****
Acknowledgements
* Iron Chef Mher, sa pagluto ng ating masasarap na pagkain. Dan, sa adobong patok. Gelo, sa speeeem sandwhich. Salamat sa pag-sipot ninyong lahat. Sa uulitin!
* Nanay Kording, sa masarap na BJ.
* Coleman, para sa tent na ngayo'y umabot na sa kanyang huling hantungan. It will be missed!
* Dun sa pinag-liguan namin sa Drop Off point. Gee, my hair smells terrific!
* Cheng, sa malupet na hydropack. Stateside, galing AU! Haha.
* Kath, para sa inspirasyong bumalik sa kapatagan ng buhay.
* Kay Mommy, sa pag prito ng madaming hotdogs.
* My Friend upstairs, for giving me the opportunity to wonder at His creations from an amazing perspective. Love it, Sir!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home