Merong na nakatambay.

Tuesday, August 30, 2011

Project 12 x 2 - 1, Scene 14: Spaghetti Factory

No man is lonely eating spaghetti; it requires so much attention. 
- Christopher Morley
Dahil nasa "spaghetti phase" ang taste buds ni Coach Potato, we tried this pasta place in Glorietta 5 called the Spaghetti Factory.

Ang Pasakalye:
Akala ko dati fastfood ang datingan ng kainan na ito. It never occurred to me na medyo upscale pala ang profile nila until we got inside the place. Pang sosi yung mga pagkain sa menu.

May air of pomp (or at least there is an effort to have one). Their attempt at an "ambiance" is failing quite miserably though because of the boisterous sounds and loud music coming from an adjoining resto-bar (Gerry's Grille). Siguro naman hindi ganito sa umaga (gabi kami kumain dito).

yosi at ingay sa kabilang bakod

The place is at the topmost level of Glorietta 5.

Nag-order kami ng samut-sari para ma-sampolan yung pagkain with as much variety as we can.

Ang Chicha:
  • Mafia Style Pasta
  • Beef Tenderloin Chef Style
  • Chicken Wings Factory Style
  • Mango Crepe
gangster na spaghetti

Tomato based sauce with sliced sausages ang raket ng mafia style spaghetti. May kasama itong strip ng tinapay na walang lasa (hindi man lang garlic bread na lang sana). Tamis-asim ang lasa nito pero overpowering yung asim-side dahil siguro sa generous application ng tomato sauce. Ito daw ang best seller pero walang "kaboom!" para sa akin. So so lang. Pero si Katlina, enjoy na enjoy... as expected.

beef goma-loin

Masarap yung asparagus sauce nung beef tenderloin. Ang itsura nito ay parang suka ng pusa na kulay green at textured na parang gerber. Masarap din yung beef na parang burger patty kung hindi nga lang parang rubberband sa kunat. Patok sakin yung side dish na steamed veggies. This is also served with rice.

tinutubuan na kami ng palong

Tatlong piraso yung chicken wings nila at maliliit para sa presyo. Kung ako ay may opinyon sa pagsilbi nila ng mga ulam sa menu, sakto lang kung gagawin nilang apat na pakpak per order. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng "Factory Style" sa menu pero malasa yung pagkaka-luto. Masarap yung manok as it is at kahit may kasamang gravy na walang lasa, hindi na ito kelangan para pasarapin yung piniritong pakpak.

for the win!!!

Winner yung mango crepe! Packed with two scoops of ice cream at generously lathered with chocolate syrup at whipped cream, sobrang ito ang na-appreciate ko nung gabing yun. Konti yung laman na strips ng mangga pero masarap pa din para sa akin at sulit sa bayad.

Iba pang satsat:
Cramped yung lugar. Medyo kulang sila sa space.

Okay naman sa labas kumain kung hindi mainit at walang humihithit-buga ng yosi sa mga katabing lamesa o sa katabing resto-bar. Pambasag ambiance eh.

view outside

Maagap ang mga waiter at madaling kuhain ang atensyon (syempre galiit nung lugar eh).

Pang sosi ang layout ng menu. May descriptions pero hindi enough para ma-describe ng mabuti ang ilang items na minsan ay equally clueless din ako kung ano. In any case, madami namang ritrato at huwag mahiyang mag-tanong.

picture-filled

Inimpatso the next day si Kumander. Tingin ko dahil ito sa goma-like beef tenderloin at hindi sa dami ng kinain namin (na una naming pinag-suspetyahan).

Kaching!:
P120 to P230 yung price range per order.

pang-himagas

Mura na ito for what they offer. Yun nga lang, from what we tried, hindi ko masasabi outright na sulit ito para sa lasa at kaledad ng mga pagkain. I still find the food somewhat lacking for their price.

Siguro kelangan namin bumalik dito to try the other stuffs. Besides, andaaami nilang offering na mukang interesting naman.

Ang hatol:
So so yung mga lasa ng pagkain. Wala akong sobrang trip sa mga sinampolan namin aside sa desert.

Yung supposedly flag-bearer nilang pasta ay hindi ganun ka-patok sa akin kaya major turn-off.

Kelangan bumalik para ma-try pa yung iba.

8 out of 14.

*****

Project 12x2-1
...is a year in the palates of me and my Couch Potato.

January (Month End): Nihonbashi Tei (Click Here)
February (Filler): Good Taste, 50's Diner, Oh My Gulay! (Click Here)
February (Mid Month): Sakae Sushi (Click Here)
February (Filler): Ba Noi's (Click Here)
February (Month End): Makan Makan (Makansutra) (Click Here)
March (Mid Month): Toast Box (Click Here)
March (Month End): My Thai Kitchen (Click Here)
April (Filler): Cafe Mediterranean (Click Here)
April (Mid Month): Le Ching Too (Click Here)
April (Month End): Dong Bei Dumplings, Wai Ying Fastfood (Click Here)
May (Mid Month): Peri-Peri Charcoal Chicken (Click Here)

May (Month End): YakiMIX (Click Here)
June (Mid Month): Thousand Cranes Shabu-Shabu (Click Here)
June (Month End): Wingman (Click Here)
July (Mid Month): Nanbantei of Tokyo (Click Here)
July (Filler): LZM Restaurant (Click Here)
July (Month End): Old Penang (Click Here)
August (Mid Month): Spaghetti Factory (Click Here)

Sunday, August 14, 2011

Project 12 x 2 - 1, Scene 13: Old Penang

Para sa mga taong mapanuri, obvious na wala pang mid-July at month-end entries para sa aming Project 12X2-1. I meant it na ganun para...

1) Prepare an all-in food commentary for a series of restos na kinainan namin ni Katlina this last week of July para sa aming second year anniversary! Wooot!

and...

2) Para may palusot ako sa katamaran kong mag-sulat.

Unang Hirit:
Link sa review ng "Nanbantei of Tokyo".

Ikalawang Hirit:
Link sa review ng "LZM Restaurant".

Ikatlong Hirit:
On the day of our second year anniversary, we had dinnner at the Old Penang RS Restaurant in Resorts World.

Hindi ako madalas sa Resorts World kahit literally ilang hakbang lang ito from home. Kaya nung naisip namin na manood ng sine dito, I have no specific place in mind to dine in after the movie. Nakita namin yung Heinanese chicken sa menu ng Old Penang kaya dito namin naisip kumain.

view from outside with the brother

Malaysian ang food offering nila at mukang enticing yung presyo.

The place is along a chain of restaurants on the 4th floor of Resorts World, where the cinemas are.

Ang nilantakan:
  • Yangchow Rice
  • Hainanese Chicken
  • Char Kway Teow
  • Sweet and Sour Pork
  • House Tea
sahog sahog na kanin

Nothing special sa yangchow rice. Katulad lang din ng yangchow rice ng most Chinese restos. Trip ko lang na kakaiba ay yung anim na pirasong hipon.

white chicken

Yung Hainanese chicken ay may kalamigan na nung isinilbi. Turn off si Katlina dito. Humingi pa kami ng sauce na dapat ay mandatory nang binibigay kasama ito. Ang set ng sauce na kasama nung ulam ay binubuo ng isang parang oyster sauce na matamis, ginger sauce, at hot chili.

Hindi din na-serve samin yung sinabi nung waitress na soup na kasama nung Hainanese. Late ko na lang din naalala kaya di na namin hiningi.

maanghang at manamis-namis

Yung char kway teow ang masarap. With an option to be served as spicy or not, pinili namin yung maanghang syempre. It's not as spicy as we expected pero para sakin tama lang yung mix ng tamis at anghang. Nagbi-build up yung anghang niya habang tumatagal.

sa ibabaw ng letsugas

Gusto ko yung presentation ng sweet and sour pork. Nakalagay siya sa plate ng lettuce. Gusto ko yung style na yun. Medyo napa-sobra yung tamis nung ulam and aside from that, there's nothing more special sa lasa niya.

tsaa

House tea is good.

Iba pang satsat:
Malinis yung lugar at chillax yung interiors, lalo na yung soft tones ng lightings. Di ko alam kung bakit pati yun ay kelangan kong pansinin.

gusto ko yung mga black and white portraits... reminds me of Banoi's

Attentive yung mga nagsisilbi. Pero konti lang naman yung tao so hindi mahirap kuhain ang atensyon nila. Pansin namin na pare-pareho yung height nila. Baka kasama sa requirements.

Helpful yung menu. May mga ritrato at descriptions.

ang menu

Kaching!:
P240 to P300 yung price range per ulam.

Ang isang ulam serves 2 to 3 so medyo mura na ito. Kaso kung yung lasa ng mga ulam ang pag-babasehan, parang lugi. Kasi walang masyadong dating yung lasa ng mga pagkain. Sa similar na halaga, mas madaming Asian resto ang kayang mag-offer ng mas masasarap na options.

Biro nga namin ni Coach Potato na para sa isang Asian resto, kulang sila sa pag-gamit ng MSG.

happy second!

Ang hatol:
Hindi something na babalik-balikan.

Walang dating yung lasa ng mga ulam nila considering the price. Besides, being located in Resorts World, you'll go out of your way para pumunta dito for something as mediocre.

Baka kelangan pa namin masubukan yung ibang options. Pero dun sa mga sinubukan namin, one of which is supposed to be their specialty (Heinanese Chicken), parang hindi worth it.

the devastation

6 out of 14!

Saturday, August 13, 2011

Project 12 x 2 - 1: Bagyo at Bulalo

Next stop is LZM Restaurant in Tagaytay!

LZM Restaurant signage

Niyaya ko si Katlina mag-Tagaytay pero bukod sa tumambay sa Starbucks, wala kaming planned itinerary. Bumabagyo ng malupit noon kaya na-trippan namin mag-bulalo. Naging olats nga lang yung paghahanap namin ng bulalohan (malayo yung bulalohan na tinuturo nung saleslady sa 7-11) kaya inisip namin na mag Leslie's na lang. Sakto sa pagtawid namin, nakita ni Kumander Patatas yung signage ng LZM Restaurant across Leslie's and recalled that it was featured on a TV show before.

scene outside... bagyo all-you-can

So kahit mukang olats ang itsura niya sa labas (parang walang tao at maliit yung lugar), pinuntahan namin ito.

Nasa second floor siya ng isang building sa tapat ng compound kung nasan ang Starbucks na malapit sa Leslie's. Ang first floor nung building ay may 7-11. When all else fail sa paghahanap, mag Mushroom Burger na lang.

tandaan: pag madaming tao, malamang masarap

Anyway, nagulat kami na jampacked sa loob at mukang cozy yung lugar. Naulit ko kay Katlina yung peborit kong resto axiom, "(Kung maraming kumakain), it must be good."

Ang chicha:
  • Boneless Bangus
  • Beef Bulalo
  • Iced Tea Up-to-Sawa
sobrang sarap at malasa at gadaming gulay-yay-yay-yay!

Auto-pick ang bulalo. Anlaki ng servings, walang biro! Andami ng laman at hindi madamot sa sahog na gulay. Sabaw all-you-can ang datingan kaya saktong sakto sa lamig. Hindi na kelangan ng patis para lang magkalasa yung pagkain. Anlambot ng baka at may lasa ito (maraming bulalo na matabang ang baka). Hindi ako kumakain ng bone marrow kaya si Coach Potato ang yumari nun.

Pinilit namin ubusin yung bulalo at talagang gumagapang kami sa kabusugan para magawa ito.

giant bangus with kutsara for size comparison

For the next dish, tinanong namin kung ano ang especialty nila. Bangus yung sinabi ng waiter at nagka-doubt pa ako nung una (kahit sinabing boneless ito) dahil hindi ako fan ng mga pagkaing pahihirapan ka muna bago mo makain (e.g. shrimp, mga matinik ng isda, crab).

Pag dating nung piniritong bangus... "WHOAH!". Anlaki! Mga isang ruler mahigit siguro yun tapos sobrang enticing tignan yung pagka-prito niya. Sobrang crispy at nung tinikman namin, ang saraaap! Pramis! Ang lasa lasa. Naalala ni Katlina na ito yung ulam na na-feature sa TV na binabalik-balikan daw sa kanila.

Gusto ko yung iced tea dahil matamis. Si Couch Potato kelangan pang magdagdag ng tubig para tumabang ng kaunti.

Ibang chechebureche:
Tago yung lugar at hindi maganda tignan sa labas but like I said earlier, it's cosy inside and well-kept.

Attentive yung mga waiter and readily attends to our inquiries. Sobrang simple nung menu pero willing silang mag-explain about the dishes. Not that it would only take a gourmet to describe them dahil typical Pinoy dishes naman yung hinahanda nila.

halfway through.. pinipilit na ubusin ang bulalo

Mabilis yung pag-prepare nila ng pagkain. Parang mga 10 minutes lang ata kami nag-intay eh.

Andami ng servings per isang ulam. Isang order could go for 3 to 4 persons na. Yung katabi nga naming pamilya, isang bulalo lang ang order. Samantalang kami, dalawa lang kami sa isang order! Astig.

ang menu

Nung um-oorder nga kami, dapat kukuha pa ako ng third dish kaso inawat na kami ng waiter. Madami na daw yung order namin para sa dalawa. Nagtataka ako nung una pero nung nilabas nila yung giant bulalo at oversized bangus, naging instant believer ako. Hindi nagbibiro si Kuya.

Special mention na malinis ang kubeta nila at madaming tissue. As in sandamakmak.

Kaching!:
P300 to P500 per dish.

Parang mahal tignan pero as I mentioned earlier, ang isang order ay kaya pakainin ang tatlo hanggang apat na tao. So ang bulalo na P450 ay papatak na nasa P100+ lang sa apat na tao. Sulit ito para sa kasarapan ng pagkain nila.

So siguraduhin na kasama ang buong angkan kung dadayo dito.

sa tapat ng Starbucks

Ang hatol:
Something I can recommend for a family or barkada trip to Tagaytay. Swak na swak sa lamig ng lugar yung bulalo at sa regular na araw naman, patok yung mga ulam nila.

Mas madami, mas mura ang babayaran.

12 out of 14!

Obi Macapuno: August 2011