Merong na nakatambay.

Friday, June 17, 2011

Project 12 x 2 - 1, Scene 10: Thousand Cranes Shabu-Shabu

An empty belly is the best cook.
- Estonian Proverb
Another spur of the moment pick for our Project 12x2-1. Mas malayo dapat ang plano naming bisitahin na kainan kaso umuulan. Buti na lang madaming makakainan sa tabi-tabi. So after some last-minute research on the web, our mid-June grub hunt stops at Thousand Cranes Shabu-Shabu in Greenbelt 3.

Ang paunang hirit:
Madami kaming pinagpilian from a plethora of restaurants nearby. Typed GOOGLE.COM and searched "greenbelt restaurants".

Tapos pinapasa ko lang yung mga interesting links and reviews kay Kumander Potato at sa huli, we decided to try out to eat shabu-shabu-style at Thousand Cranes para kakaibang experience.

Shabu-shabu is the hot pot version of Japan where a simmering stock/broth is prepared on the diners' table while an assortment of ingredients are progressively poured into it for cooking.

i only see five

Nasa second level ng Greenbelt 3 yung resto, alongside Bubba Gump, Haiku, Recipes, and Banana Leaf. Not really hard to look for, baybayin lamang ang buong second floor.

Typical shabu-shabu restos only have one big cooking pits on the middle of their tables for group sharing (they also have this). However, Thousand Cranes' tables are more geared towards having personal shabu-shabu, meaning bawat tao ay may nakalaang kanya-kanyang lutuan. Panalo ito para saken kasi maraming pwedeng gawin:

1. Isama ang tropa at mag cooking competition... best shabu-shabu ala Iron Chef! Magdala ng judge na pwedeng "lagyan" para ipanalo ka.
2. Mag imbento ng iba't-ibang unique concoctions. Maraming ingredients ang pwedeng pagpilian kaya no two shabu-shabu are the same. Mag-feeling chefs. Basta ba paninidigang kainin ang finished products!
3. Wala na ko maisip. Hehe. Hindi pala ganun kadami.

lutuan... one per customer

Ang chicha:
Meron silang mga ala-carte... tonkatsu, sushi, at iba pang tipikal na Japanese offerings pero why bother? Pumunta na lang sana sa ibang Japanese resto na mas reasonable ang price. I guess it's just sensible to eat shabu-shabu on a shabu-shabu resto. Alien?? Alien!!!

ala-carte section

Anyway. Ang siste ay may iba't ibang main ingredients sila na ino-offer. Yung main ingredients ("mini shabu-shabu sets" ang tawag nila) ay yung pinaka bulk ng magiging sahog. They got porkloin, angus beef, crab meat, and shrimp to name a few.

Bawat set ay may generic ingredients (for the lack of a culinary term) na kasama by default. Eto yung generic ingredients:
  • isang putol ng mais
  • isang putol ng gabi
  • iba't ibang leafy veggie
  • ilang button mushrooms
  • isang black mushroom
  • dalawang squid balls
  • isang lobster ball
  • isang crab stick
  • isang fish cake
  • dalawang tofu slices
  • isang tumpok ng canton noodles
  • isang tumpok ng bihon noodles
  • dalwang slices ng carrots
  • isang slice ng kikiam
  • isang itlog
default ingredients

Eto yung set na iniskor namin ni Couch Potato:
  • All Seafood Set
  • Assorted Meat Set
Tingin ko etong dalawang ito ang pinaka reasonable orderin kasi parang sampler, halo-halo na. Mas madami nang matitikman kumbaga.

ang nagpalala ng allergy ni Coach Patatas

Yung "All Seafood" ay binubuo ng tatlong hipon, dalwang slice ng isda (tuna yata), ilang piraso ng oyster, dalwang piraso ng pusit, at ilang piraso ng sea cucumber (not sure, basta muka syang weird).

Yung "Assorted Meat" naman ay binubuo ng thin slices ng porkloin, beef, at lamb.

laman! karne! flesssshhhh!

Mahirap magbigay ng general assessment sa lasa ng shabu-shabu nila dahil all will depend on how the customers are going to cook it. Kumbaga, walang masisisi kung hindi ang sarili kapag hindi masarap ang kinalabasan ng niluto. One thing for sure, patok yung lasa ng broth nila. Kelangan lang dagdagang maige nung special sauce (kasama sa bawat order).

Every set also comes with chopped onions, sili, at yung parang shrimp paste na hindi malansa. All to add variations sa lasa ng niluluto.

Syempre ang basic tip sa pag shabu-shabu ay unang nilulublob yung mga matagal lutuing ingredients at later on na lang idagdag yung mga madaling maluto para walang overcooked. Common sense naman ito anyway (although common sense is not really common these days).

learn from the expert

Iba pang satsat:
Maganda na SANA yung ambiance...

donut disterb... man at work

Napaka private ng bawat lamesa dahil may wooden divisions at hindi masikip yung space. It's an effort as well to maintain cooking pits for each tables (at least four on each), although we have to move to another table dahil hindi gumagana yung lutuan sa una naming inupuan... PLUS may hindi na din gumagana sa nilipatan namin so we need to stay on the side of the table where the pits are working. Not much hassle really. I'm just wondering how will they manage a full house if some of their cooking pits are faulty.

"CACAAAW!"

Andaming paintings ng iba't ibang cranes. Naalala ko si Master Crane sa Kungfu Panda... "CACAAAW!!!"

...KASO ...may ipis! Yup, nabasa mo ng tama. May ipis. And I'm not talking about some random roach that just happened to pop out on a random night. That's what I first thought when people from the table across us first cried "IPIS!!!". Pero several minutes later, may ipis (a different one) ulit na gumagapang sa dingding malapit sa amin. So hindi na ito serendipity. It din't attack or get anywhere near us at sa totoo lang unti-unti kong nare-realize na weird pala ako dahil hindi ako takot sa ipis (while all the world is) but a roach is a roach and a roach on an expensive resto is a bummer!

spot the COCKROACH

Mainit yung lugar. Pero mabilis kaming tinutukan ng electric fan ng isang waiter at hindi na kelangan pang mag-reklamo, magparinig, magpakita ng visual clues na tagaktak na ang pawis namin, o mag walk-out para gawin niya yun. Madaling kuhain ang atensyon nila (not that they're serving a lot) at magiliw silang kausap. Helpful sila kung tatanga-tanga ka mag-operate nung lutuan o kaya kung perfectly clueless ka how shabu-shabu works.

Still, it should have been better if they have a for-dummies instruction guides readily available per table. I saw from the net that some of their other branches have this.

In general, natuwa kami mag luto-lutuan ni Katlina at okay na SANA yung experience and all. Talo lang talaga yung ipis. Take note that they did not do anything to compensate for the invasive roach that crawled over the table of the group near us. Tinanggal lang nila sabay parang walang nanyari.

Boo.

gawa ko, gawa niya

Kaching!:
The mini shabu-shabu sets ranged from P400 to P1000+ depende sa sahog na napili. Cheapest would be the porkloin meat and the most expensive would be the lobster set and the angus beef set.

Safe to say, you'll have a good dining at P500 average.

Mahal ito. Kung gusto ng mas murang shabu-shabu experience, maghanap ng madaming kasama then try out the other, more typical shabu-shabu restaurants where you can order it for group sharing. Yun nga lang wala yung experience na magluluto kayo ng kanya kanya.

ngiting nag-aabang ng ipis na susulpot

Ang hatol:
Pwede ko na sanang ipagpilitan sa sarili ko na justified yung presyo ng ambiance at experience makapag personal shabu-shabu.

Pero talo talaga yung ipis. Talo talaga.

That could be the last time I'll visit that place. Unless, ililibre ako dun.

6 out of 14!
(We got a failure.)

*****

Project 12x2-1
...is a year in the palates of me and my Couch Potato.

January (Month End): Nihonbashi Tei (Click Here)
February (Filler): Good Taste, 50's Diner, Oh My Gulay! (Click Here)
February (Mid Month): Sakae Sushi (Click Here)
February (Filler): Ba Noi's (Click Here)
February (Month End): Makan Makan (Makansutra) (Click Here)
March (Mid Month): Toast Box (Click Here)
March (Month End): My Thai Kitchen (Click Here)
April (Filler): Cafe Mediterranean (Click Here)
April (Mid Month): Le Ching Too (Click Here)
April (Month End): Dong Bei Dumplings, Wai Ying Fastfood (Click Here)
May (Mid Month): Peri-Peri Charcoal Chicken (Click Here)

May (Month End): YakiMIX (Click Here)
June (Mid Month): Thousand Cranes Shabu-Shabu (Click Here)

Monday, June 06, 2011

Project 12 x 2 - 1, Scene 9: Yakimix

Etong sunod na pinuntahan namin ang pinaka-impromptu pick so far sa aming mga food hunting. May naka set na kaming bisitahin na ibang resto days before our date pero last minute (as in the day itself) naging... voila... Yakimix na lang!

Ang paunang hirit:
We knew we were going to try Yakimix for our Project 12x2-1 but we never thought it was going to be that soon. Natakam lang kami bigla nung napag-usapan ang Yakimix during lunchtime nung araw na naka-sched na kaming mag-foodtrip sa iba. Kaya re-sched na lang yung resto na unang balak namin puntahan at sugod sa Yakimix instead!

my Couch Potato in YakiMIX - Greenbelt 3

Malapit lang yung office sa Greenbelt 3 branch nila kaya very accessible. Nasa third level ito, kahilera ng Bollywood at Bed Space (take the escalator from the Bubba Gump side of Greenbelt 3). Kung galing naman sa side ng Greenbelt 5 walkway, it's about 4 establishments past the cinemas. Oo, ka-floor niya ang sinehan ng Greenbelt 3.

So kung magtatanong ng direksyon sa random strangers, yung sinehan ng Greenbelt 3 ang hanapin. Mas likely na alam ito ni Manong Guard.

Sushi, period, Smokeless Grill, period, Restaurant

Eat-all-you-can ("buffet" sa mga konyo) ang Yakimix at wala silang tingi-tingi ("ala carte" sa mga konyo) na ulam. Sabi sa placemat nilang papel, they serve Korean, Chinese, at Japanese food.

Ang chicha:
  • Sandamakmak na lutong pagkain
  • Sandamakmak na on-the-spot grilled chicha
  • Konting hilaw na pagkain
  • Konting appetizer
  • Sandamakmak na panghimagas
Nahahati sa limang sections yung mga selections ng pagkain nila:

(Babala: Ang mga pangalan ng bawat sections ay gawa-gawa ko lamang at hindi eto ang eksaktong tawag ng establishment dito... unless napalakas ang tyamba ko.)

1. Cooked Food Section

lots!

Andito makukuha yung mga lutong pagkain nila (doh!). The night na pumunta kami, I remember seeing at least around 14 to 16 dishes yata yun. Madami ito para sa isang buffet resto. Kaso para sa akin parang pare-pareho yung klase ng luto.

Ang mga tinikman namin ay:

(Babala: Ang mga pangalan ng bawat ulam ay gawa-gawa ko lamang at hindi eto ang eksaktong tawag ng establishment dito... unless kagila-gilalas ang tyamba ko.)
  • Minatamis na Pork (Baboy na ang sauce ay parang matamis na sauce.)
  • Yangchow Fried Rice (Eto tawag sa ma-nga plai lai namen ma-nga Tsino!)
  • White Chicken (Pinakuluang manok.)
  • Lechon Macau (Lechong baboy.)
  • Pancit Sotanghon (Stubborn na sotanghon na may fish fillet.)
  • Steamed Weird Gulay (Mukang talbos ng munggo yung gulay.)
  • Meat or Potato Balls (Parang meatballs na parang potata balls na nilagyan ng breading at pinirito.)
  • Minatamis na Chorizo (Chorizo na parang binabad sa caramelized breading.)
  • Beef with Brocolli (Parang sa North Park. Pero mas masarap yung sa North Park.)
We tried not to eat dishes that we usually see or eat on other oriental restos. Kaso, gaya ng sinabi ko kanina, halos iisa yung tipo ng luto ng mga ulam nila kaya napakain na din kami ng mga tipikal na putahe. Hindi na lang kami kumuha ng pagkain na tingin namin halos redundant ang lasa sa ibang nakahanda dun. Para hindi mabusog agad.

Walang espesyal sa mga kinain namin sa section na ito. Sobrang tipikal. Walang kagila-gilalas ang sarap pero wala rin namang panget ang lasa. Mediocre lang talaga. Naks. Kuha na ng dictionary!

2. Sushi Counter

si Katlina lang mag e-enjoy neto

Andito yung mga pagkaing kinakain ng hilaw. In short, Japanese. Eto yung pinangingilagan kong parte.

Time to shine ito ni Kumander Potato. Siya lang ang tumira ng lahat ng mga kinain namin dito. Yumari lang ako ng kapirasong crab stick, isang kagat ng salmon sashimi, at isang strip ng tamago (egg) maki.

The rest ng maki at kung ano ano pang sushi ay si Katlina na ang sumampol. Masarap naman daw (as in) at piyesta sa dami ng mapagpipilian. I wouldn't know.

Eweness.

3. "For Grilling" Section

wag kainin ng hilaw

Andito yung mga hilaw na pagkain na iihawin pa sa lamesa ng kustomers (unless, by some barbaric reasons, gusto din nila itong tirahin ng hilaw).

May smokeless grill sa bawat lamesa na pwedeng gamiting pang-ihaw sa mga pagkaing manggagaling sa section na ito. Para sa amin, ito yung best feature ng Yakimix na babalik-balikan namin. Instant ihaw-ihaw in your face. Parang shabu-shabu. Take note, kustomers mismo ang mag-iihaw so kanya kanyang diskarte eto.

Ang mga sinubukan namin:

(Babala: Ang mga pangalan ng bawat ulam ay gawa-gawa ko lamang at hindi eto ang eksaktong tawag ng establishment dito... unless ako na ang papalit kay Madam Auring sa panghuhula.)
  • Hipon (Andami naming nakain neto. Dito namin nabawi yung binayad namin.)
  • Beef in Red Wine (Karne ng baka na marinated sa red wine. Sosi! Nakarami din kami neto.)
  • Bacon-Wrapped Asparagus (Bacon na nakabalot sa asparagus... doh!)
  • Pork-wrapped Mushroom (Mushroom stalks na nakabalot sa karne ng baboy.)
  • Hotdog (Bumalik sa pagka-bata.)
  • Filleted Fish (Hindi ko alam kung anong isda ang ginamit dito. Parang salmon.)
  • Pork Kebab (Pork served kebab-style.)
  • Pork with Spices (Karne ng baboy na marinated sa iba't ibang spices na maanghang at sesame seeds.)
Marami pang iba't ibang pork, chicken, shrimp, squid, at beef na marinated in oh so many different ways. Around 12 to 13 yung mga nakita ko at may mga cold cuts pa. May primed American beef na hindi na namin nasubukan dahil sobrang bilis mawala. Pagka-lapag pa lang ng refill, nawawala na kaagad parang bula sa dami ng kumukuha.

first batch

Ang pinaka patok sa amin ay yung Beef in Red Wine. Sa lahat ng kinuha namin, eto lang yung sure ako na yan talaga ang tawag sa kanya. Naaaapaka sarap ng marinade. Mas okay ito kung medium-well ang pag grill para mas malasa ang katas ng red wine.

Marami pa kaming hindi nasubukan sa section na ito na dapat balikan. Para sa akin, mas magandang dito magbabad at wag nang pag-aksayahan ng panahon ang Cooked Food Section. Makulit yung experience, grilling your own food right in front of you in a resto. Eto yung masaya balikan dito.

Kung medyo may alam sa kusina, pwede pa mag experiment ng mga combinations para magpasikat sa ka-date or plainly just to feel like a mad chef. Basta ba kakainin niyo kung anong mad concoction ang magawa nyo after eh.

4. Salad Bar

halamanan

Nandito yung gawaan ng salad. Hindi na din kami masyadong nag-babad dito dahil tipikal naman ang makakain sa gento.

Sumubok lang ako ng konting salad sa Caesar at honey mustard, para lang masabi na "at least, I tried". As expected, nothing spectacular. Tipikal na Caesar at honey mustard dressings.

5. Dessert Section

akala ko matamis (coffee jelly)

Ang minatamis. Bow.

Madaming minatamis. Pero hindi na din namin sinubukan sampolan yung ibang mga tipikal na dessert tulad ng ice cream at fruit salad.

Eto na lang:
  • Tiramisu (Masarap daw sabi ni Katlina.)
  • Coffee Jelly (Mapakla. Pero ganun talaga dapat eh.)
  • Mango Gulaman (Pang-gago yung tawag na "mango". Wala siyang buong mangga sa loob kundi manggang giniling na pino at nilagay sa kulay violet na minatamis na sabaw na lasang ginataan na binudbudan ng madaming sago. Sobrang trip ito ni Coach Potato na nakatatlong balik ata siya neto.)
  • Leche Flan (OO na, tipikal na dessert nga ito. Wag nang kumontra!)
  • Brownies
  • Caramel Bar (Parang sa Max's pero hindi matamis at pinipig ang nasa taas.)
Yung Mango Gulaman ang pumatok kay Katlina ng sobra pero sa akin hindi naman. Wala ako nagustuhan sa dessert. Kahit yung Leche Flan nakukulangan ako sa tamis. Siguro kung tinikman ko yung fruit salad mati-trippan ko but at that point of our dinner, I just got too much inside my poor belly. Hanggang leeg na yung pagkain.

Kumo-comment pa:
First class yung ambiance. Maganda ang interiors at pang-hotel ang mga muwebles. Malawak ang lugar at hindi mukang pinagsiksikan yung bawat lamesa. May harang na mataas na wooden dividers ang bawat tables so okay sa privacy.

ala-hotel

Maingay yung lugar (mostly attributed sa dami ng kumakain) at kada pasok ng kustomer, sigaw ng sigaw lahat ng staff ng "MEH HUSSAH MAZEEEH!!!" na mas tunog Jewish Freedom Fighter battlecry kesa Japanese greetings. Ang siste, sa dami ng kumakain, ganun din sila kadami sumigaw. Siguro mga once every 3 minutes. Siguro salabat ang opisyal na inumin ng mga staff and crew dahil walang napapaos sa kanila.

Moving on, sobrang dami talaga ng kustomers nila lalo na kung meal time. Naka-tyamba lang kami ni Kumander Patatas na pag-dating namin, pang-walo lang kami sa listahan. After siguro mga 10 minutes lang, binisita ni Katlina yung listahan ng reservation at nasa 15 groups na agad yung naka-waiting list. Astig. Kaya mas mainam na tumawag agad ahead of time for reservations. May tropa ako na naghintay na ng two hours bago nakakain. Hindi imposible ito sa kasikatan ng Yakimix.

I have to mention as well that they have a comfortable waiting lounge. May libre pang complimentary drinks. Kaso madali din itong mapuno so pag ganun, sorry na lang... sa labas ka mag-iintay.

Wala akong problema sa staffs. Umaapaw sila sa dami ng staffs kaya hindi mahirap humagilap ng mapag-uutusan ng pangangailangan. Napaka-pleasant din nila at hindi nakakalimot ng iniutos. Sila ang usual na nagbubukas ng smokeless grill sa bawat lamesa, pero pwede kang magpaturo kung paano i-operate ito para pwede mong buksan at patayin kung hindi kailangan.

the smokeless grill... kelangan talaga may HOTDOG

Tongs ang gamit na pang luto sa smokeless grill. Medyo may kabigatan at stubborn yung tongs dahil mahirap sipitin yung pagkain. Kami, yung kubyertos na lang namin ang ginamit namin na pang-ihaw.

Medyo matagal mag-refill nung mga in-demand na pagkain. Matagal akong nag hintay sa US prime beef at tempura in vain. Kaya ipinagsa-Diyos ko na lang at ibang pagkain na lang ang tinira ko. Medyo mahirap din basahin yung captions ng bawat food kasi nag-tatago sa ilalim ng ledges kaya madilim at kailangan pang yumuko ng bahagya para mabasa. Pano na yung mas malalabo pa ang mata.

masaya kahit walang tempura

Kelangan ko din mag special mention na masarap ang tubig nila sabi ni Coach Potato.

Tsaka pahabol pa ulit. Andun si Heart Evangelista at yung BF niyang Hapon ang pelyedo nung araw na pumunta kami doon. Sobrang payat niya kaya hindi ko na siya kras.

Kaching!:
P580 per ulo kapag hapunan at P480 naman kung tanghalian.

Mura ito para sa isang buffet na katulad ng quality nila ang pagkain at pati sa ambiance. Parang pang hotel na eh. Halos katulad na ng buffet experience sa Shangri-La.

Ang alam ko mas mahal or kasing presyo ito ng sa Dad's/Kamayan na mas inferior ang ambiance at pagkain (mas madami lang ang putahe). Haven't been there for quite some time. But from what I remember, I'd pick Yakimix over it anytime of the day.

happy diner

Ang hatol:
Mura dito for what it offers pero I have to admit na masakit pa din ito sa bulsa. So pumunta lang dito kung may masusunog na pera at kung seryoso sa ka-date.

Kung walang ipon at katawan lang ang habol sa ka-date, mag Jollibee na lang.

9 out of 14!

Obi Macapuno: June 2011