Merong na nakatambay.

Thursday, April 21, 2011

Project 12 x 2 - 1, Scene 6: Le Ching Too (Greenhills)

There is no love sincerer than the love of food.
- George Bernard Shaw
This place is a review waiting to happen. Le Ching Too!

Palagi kaming kumakain dito ni Coach Potato tuwing pumupunta kami ng Greenhills, simula pa nung bago ito ma-renovate. Parang Hong Kong streetfood style yung mga pagkain nila lalo na yung mga rice bowls na served in small tin buckets. Cuteness.

thumbs up dito

There are two Le Ching's sa Shopesville Arcade: Le Ching Tea House sa may palabas ng McDonalds and Le Ching Too right below the tiangge area. I rummaged around the net kung ano ang pinagka-iba nila (if there's any) but I can't find a clue. Baka magka-ibang branches lang ito with the same management kahit may significant differences sa pangalan. I heard mas nakakatipid daw sa pag-bayad ng taxes kung instead na mag-expand ang isang business via setting up another branch ay mag-open na lang ulit ng panibagong business entity with a slightly different name change para retain ang marketing image! Wa-is! Pero sa totoo lang, nalito ako sa sinabi ko.

Ang Pasakalye:
Medyo mahirap mahanap yung lugar. I can only locate it through the sheer number of times I've been in the place. Basta hinahanap ko lang yung side ng tiangge na pamilyar sa akin tapos parang ilog ko na itong susundan hanggang sa dulo (palabas ng Music Museum area) tapos nasa kanang side na siya. Bigla na lang susulpot yung entrance. Pero para mas madali, ipagtanong sa mga gwardiya o sa mga tinderong nag-aalok ng "dibidi! dibidi! dibidi!". Sure ako, alam nila yun.

isang dipa lang si kapitbahay

Kaka-renovate lang ng lugar. Pero more for aesthetics yung renovation. It's still the same old claustrophobic floor area. Sobrang tabi tabi na ng mga kumakain sa loob. Pero kung sabagay, wala na talagang mailalaki pa yung lugar dahil wala nang room to expand sa mga katabing kwarto. Mas malawak doon sa kabilang Le Ching's.

Ang nilantakan:
  • Beef Balls Dimsum
  • Wanton Noodle Soup
  • Fish Tofu
  • Hakao (Shrimp Dimsum)
  • Asado Rice
  • Chicken Mushroom Rice
  • Black Gulaman
  • House Tea
ang hakao... bow

Mga dati nang natikman:
  • Pork Siomai
  • Century Egg
  • Spare Ribs Rice
  • Beef Brisket Rice
Yung mga dimsum muna. Masarap yung beef balls. Giniling na baka na binilog, nilaga, nilagyan ng madaming MSG at sabay inahanda na may konting gulay on the sides. Nagustuhan ko ito dahil mura siya pero masarap at madami ang servings. Pwede sa madaming mag-rice.

got balls?

Classic sa sarap yung Hakao at Pork Siomai. Tingin ko ang nagpapasarap mismo sa mga ito ay yung sawsawan na chillies + toyo combo. Namiiiit! It tastes a bit above the ordinary dimsum ng ibang Chinese resto. MSG much? Mabigat sa tiyan yung siomai. At madaling mapanis yung hakao pag inuwing takeout.

Hindi ako fan ng century egg pero nasasabayan ko naman yung lasa niya ng walang pandidiri. So that says a lot, me being me.

MSG-licious!

Sa rice bowls naman, ang mga nagustuhan ko sa mga natikman ko (in descending order) ay Asado Rice, Beef Brisket, Chicken Mushroom, Spare Ribs, at Fish Tofu. Natatabangan ako masyado sa Fish Tofu. Not enough MSG. Sobrang walang lasa yung gooey na sabaw neto pati na din yung sahog na isda at tofu (na wala naman talagang lasa sa totoong buhay).

di ko malasahan

Nagustuhan ko yung Asado Rice kasi sobrang malasa yung pork. Ganun din yung sahog ng beef brisket at chicken mushroom. Lasap na lasap yung MSG-induced lasa nila! Malambot din yung karne. Hindi mukang na-stock ng matagal sa ref.

hulaan kung nasaan ang mushrooms

Ang problema ko lang talaga palagi sa Le Ching rice meals ay yung dami ng ligaments at tendons sa servings. Ito yung mga rubbery material in between nung mga karne at buto na mahirap nguyain. Siguro 20% ng sahog nilang karne ay may tendons o ligaments o anumang parte na hindi basta basta nangunguya o natutunaw ng kawawa kong tiyan. However, eto yung same reason baket trip na trip ni Katlina dito, kasi peborit niya ang ngumuya-nguya ng tendons. So sa tingin ko napaka-specific sa kustomer kung matitrippan nila o hindi yung ganung sahog.

Sa spare ribs exceptional yung dami ng tendons (expected kasi rib part). Eto pa naman daw yung specialty ng Le Ching's. Masarap talaga yung luto niya kung sa masarap. Kaso umiiwas ako kumain neto dahil sa dami ng tendons.

not much aji

Matabang yung sabaw ng Wanton Noodles. Masarap yung sahog netong dimsum at yung empress-hair pancit, pero walang lasa yung sabaw. Baka nakalimutan budbudan ng Ajinomoto.

Sakto lang yung tamis ng black gulaman at ayos na nakalagay ito sa malaking baso. Ayoko lang sa malalaking paghiwa nung gulaman mismo. Sana medyo ginayat pa nila into smaller cubes. Pwede nang ulamin sa laki ng gayat eh.

House tea. Patok ito. Walang pinagka-iba sa tsaa ng North Park so very good. Libre pa. We like!

Ibang chechebureche:
Walang litrato ang menu kaya aasa sa pag-tingin sa ibang lamesa para makapamili ng oorderin. Hindi mo din maaabalang mapagtanungan yung mga waiter kapag sobrang madaming kustomer. Sabagay halos wala namang jargon sa menu. Kung may hindi nakakaintindi ng kung anong klaseng pagkain ang Chicken Mushroom o ang Fish Tofu eh medyo nasa umo-order ang problema.

topped rice

Mabilis ang waiting time at halos sunod-sunod na dumating ang pagkain namin.

Wala silang service charge.

Kaching!:
Mura ang presyo para sa sarap ng pagkain! At sigurado akong sapat na ang dami ng kumakain sa kanila araw-araw para patunayang sulit kumain doon.

Price range is from P130 to P170 only!

justin, penge!

Ang hatol:
This will always be a dining place of choice for me and the Couch Potato.

The amount of parishioners will speak for it. A trip to the Greenhills shopping center is incomplete without passing by Le Ching's!

11 out of 14!

*****

Project 12x2-1
...is a year in the palates of me and my Couch Potato.

January (Month End): Nihonbashi Tei (Click Here)
February (Filler): Good Taste, 50's Diner, Oh My Gulay! (Click Here)
February (Mid Month): Sakae Sushi (Click Here)
February (Filler): Ba Noi's (Click Here)
February (Month End): Makan Makan (Makansutra) (Click Here)
March (Mid Month): Toast Box (Click Here)
March (Month End): My Thai Kitchen (Click Here)
April (Filler): Cafe Mediterranean (Click Here)
April (Mid Month): Le Ching Too (Click Here)

Monday, April 18, 2011

Project 12 x 2 - 1: Mediterranean Grub

I didn't fight my way to the top of the food chain to be a vegetarian.  
- Anonymous
For the lack of a winding intro, I present...

The Cafe Mediterranean!

ihanda ang lamesa

Ang Panimula:
Hindi kami fan netong resto na ito but the rare chances that we've visited it, it's on their Greenbelt branch.

Sadly, it's this same branch that I find I can't justify taking a chow on. Lugi sa lugar. In any point within the area, pakinig yung yabangan sa kabilang lamesa AT yung ingay ng mga taong dumadaan (the place is located on a major pathway of the mall). Lalo na kung lunch time... sooobrang ingay (katabi din siya ng isang mas "masa" na resto na mas napupuno ng tao kapag tanghali). Kung namalasan pa na wala nang upuan kundi sa labas, parang aquarium ang dining experience... lahat ng taong dumadaan papanoorin kang kumain! Haha.

steady lang Kuya, panonoorin ka namin kumaen!

Don't get me wrong. WALA akong pakelam kung may mga strangers na pasulyap-sulyap sa pagkain ko. Pero sa gastos na inaabot ko sa resto na ito, hindi makatarungan na i-disregard ang privacy ko. Ang dating ay parang hindi pa pala kasama sa binabayad ko ang matinong ambiance. Buti sana kung nasa Jollijeep lang ako or nasa Karinderya, carry lang kahit amoy putok pa ang katabi kong kumakain kasi sa mura ng ibabayad ko, wala akong karapatan mag-reklamo.

The Mediterranean-inspired interiors is not that shabby, mind you. The mostly wooden designs should have been pefect for a high-priced restaurant but the branch's floor area limited it to look like a casual hole-in-the-wall bistro. If I'll just pay for an expensive resto, I'd rather be "IN" an expensive resto. Gets?

colored bottles, stylized plates, wooden partitions... mamwede-mwede

It's not hard to find if you know Greenbelt 1. From the main entrance, follow the trail to Greenbelt 5 but take a left pag lagpas ng Jollibee. Sunod sunod nang kainan yan after the turn, and Cafe Med is right in front of Sarabia Optical.

Ang Nilantakan:
  • Grilled Beef Gyro
  • Harissa Pork Tenderloin
  • Grilled Beef Kebab
  • Basmati Rice
jeero o gairo??

Beef gyro yung kilala nateng shawarma, although mas less massacre yung hiwa since they slice it in bigger pieces. Pero yung way kung pano siya lutuin (yung may malaking slab ng karne na umiikot na parang trumpo sa mainit na higanteng bakal na katol) ay pareho. They serve it with baba ghanoush (boiled eggplant pulp), tzatziki (Greek sawsawan na yari sa yogurt), tabbouleh (salad na mainly yari sa parsley at kamatis), and chillies (sili... doh!).

Masarap etong beef gyro. Naihaw ng tama yung beef at yung lasa ay sakto lang ang pagka smokey at mamula-mula pa yung loob. Mas masarap siya nung pinaliguan ko ng garlic sauce. Kudos din to the garlic sauce. Masarap. Pati yung mga dips na na-mention ko, maganda ang complement sa grilled beef.

grilled pork + jargon = kaching!

Yung harissa pork tenderloin ay pina-sosi at pina-Armenian na tawag sa maanghang na inihaw na pork tenderloin. Nothing special really, except that it looked like it was splashed with green and red pepper post-grilling. Tapos yun na yun.

grilled food may come in pita or rice

Ang beef kebab nila ay parang yung beef gyro lang din. Iniba lang yung spelling. Pero pareho ang lasa at parehong mahal.

Yung basmati rice ay long grain rice na tipikal sa India. Kung bakit may Indian chicha sa isang Mediterranean resto ay hindi ko alam.

they got balls

Nakita ko na din yung servings nila ng Kofta (meatballs) at Mediterranean-style Grilled Chicken. Interesting yung marinade ng chicken pero yung kofta ay sobrang tipikal na inihaw na meatballs.

Iba pang Anik-anik:
Limited yung ritrato nung menu nila. Hindi pang tangang katulad namin. Tingin ko hindi maiintindihan ng masang Pilipino ang mga nakasulat na pagkain at equally translingual descriptions maliban siguro sa "kebab". In any case, I don't think yung masang Pinoy naman ang target market so wala lang. Moving on.

ano daw???

Mahirap mag-tawag ng atensyon ng waiter kung madaming kumakain. At doble ng tagal nito yung pag hintay sa pagkain. Halos mahigit 35 minutes kaming nag-iintay sa order namin and late na kami nakabalik sa opisina dahil dito.

Ongapala, willing naman i-describe nung mga waiter yung mga pagkain sa menu so huwag mahiyang mag-tanong. Hindi ito kawalan ng dangal at pagka-tao.

Ka-ching!!
Price range is P250 - P300.

May malikot na idea sa isip ko na nag-sasabing pwede na yung presyo sa quality ng food. But it's just a minute thought that is easily overshadowed by the fact na kapag tinignan mo yung dining experience as a whole, talo talaga sa mahal.

totoong maanghang

And it doesn't help na madami nang Mediterranean offerings around the Metro na equally masarap (kung hindi man MAS masarap) BUT di hamak na mas mura.

Ang hatol:
Hindi na ko kakain dito KUNG hindi ako ililibre.

6 out of 14! 

tissue mosaic

Wednesday, April 13, 2011

Sunday Walking at Pico de Loro

Just when I thought I'm retiring after Apo, AIM summoned for a sort-of reunion climb and syempre papaiwan ba naman ako. Go!

The target is Pico de Loro in Cavite. A popular spot for chill-hiking.

I didn't made an open invite to all my friends as what I'm accustomed to when I climb. May isasama na kasi ako dapat na dalawang kaopisina at tatlong tropa. Four of which are starting climbers and it's too much to look for in a single climb already. Kaso may hindi natuloy na dalawa.

na-miss ko to

Gamit ang dalawang piraso ng pinilas at tinupi-tuping cocomband at naghihingalong tinta na ballpen, naglista ako ng mga happenings along the way. As usual.

Game!

Quick Facts:
Coordinates: 12.855N, 38.785E
Location: Maragondon, Cavite
Jump Off Point: Magnetic Hill, Ternate, Cavite
Drop Off Point: same as Jump Off
Elevation (peak): 664 meters
Climb Level: Minor (Difficulty 3/9)
Estimated climbing time: 4 to 5 hours

Attendance:
Armand, Alvin +2, Dan, Ayn, Vic, Kiko, Floyd, Ogie, Odie, Otin (Jeff haha), Obi, Jas, Aina, Nic

serious much?

Day 1 - Fold 1
* 7:35AM - Alabang-Zapote Road
(Alas syete ang target umalis sa Jollibee-Alabang Junction pero trap kaming anim sa Service Road dahil sa bumalandrang trailer sa tapat ng Wilcon. Napa urban hiking kami ng de-oras mula Wilcon hanggang malapit sa Vivere. Mang Jose, ang Super Tsuper na Pwedeng Arkilahen, to the rescue! With the rest of the gang, sinundo niya kami along the way. You're our Hero! Mwah!)

* 8:05 - Daang Hari, Alabang
(Magkakasama na kaming lahat. Off we go!)

* 9:32 - Chowking-Trece Martires, Cavite
(Break break break. Last minute preps para sa akyat. May bumili ng mga chechebureche at kami namang wala pang agahan ay kumain sa Chowking. Bumili ako ng kape sa 7-11, dahil masarap mag kape sa bundok... at extrang tubig. Nag take-out din ako ng dalwang siopao... na hindi ko naman nakain... hindi ko na nakain ever... yes, ever ever! Hanggang naging pasalubong ko na lang siya sa bahay.)

* 10:16 - Inbound to Ternate, Cavite
(Umuulan ulan. Hindi kasali sa plano ko ang umulan. Leche.)

* 10:36 - DENR Station, Ternate [Mounts Palay-Palay and Mataas na Gulod Station]
(Ambon na lang. Nagpa-register kami kay Manang DENR. Bente ang isa. Sabay nag-impake at nagbihis na kami para umpisahan ang kahibangan. 21 Celcius ayon sa aking handy-dandy thermometer.)

* 11:02AM - Road to Jumpoff
(Trek starts. Masaya naming inaliw ang aming sarili sa bolahan habang binabagtas ang kalsada ng walang hanggang. Nang biglang...)

* 11:42 - Back Trekking
(...naliligaw na pala kami, ang lintek! Kaya pala tumitingin na yung mga dumadaang locals. Lagpas lagpas na pala kami sa Jump Off. Sugod, pabalek!)

trek starts

* 11:54 - "Green for Life" Signage
(Back in the right trail, we reached some Lasallian for-a-cause thing na signage and decided to take our first break. Photo ops. Tulo ang grasa ko sa katawan.)

Heading up the summit, nahati kami sa gentong pangkat:

Lead Team (sila yung nanguna... doh!)
Alvin+2, Jeff, Armand, Dan, Ayn, Odie

Obi's Angels (kaming magkakasing edad at magkakasing cute)
Obi, Jas, Nic, Kimay

Sweepers (joy ride)
Kiko, Floyd, Vic, Ogie

bespren, idol, niko-logs (mga ka-batch ko nung highschool)

Day 1 - Fold 2
* 12:22PM - Basecamp
(Reached the mountain basecamp and it was cramped with campers. Met Yuri the Karakter while we were eating lunch. Instantaneously, naging tropang malupit sila ni Jas. Madami na daw tao sa summit at mas makabubuting doon na muna kami manatili. Nek nek. So after magka-abutan ng tarheta at magkapilitan magpa-ritrato, sumibat na din kami.)

(Muntikan pa ko mahulugan ng niyog. Tae.)

(May bente pesos ulit na registration dito.)

dan, ayn, ogie, vic (the origs)

* 1:01 - Resumed Trek
(Temperature Check: 27 Celcius. Umiinit na, pero mahangin hangin pa din. Perfect na weather pang hike.)

* 1:37 - Break Break
(Pahinga. Medyo mabilis ang progress namin. Iba na talaga pag bata. Tama din na KAMING magkaka-edad ang magkakasama sa grupo. Same pace. Ang kumontra tutubuan ng puno ng Narra sa pwet.)

(Nilantakan ni Nikolas yung isang plastik na gummy bear. Ayun, kulang na lang mag bunny hop paakyat ng tuktok.)

* 2:10 - Break Break
(Pahinga. Kita na yung ridge ng summit. Photo ops. Ang hirap ng walang buhok. Kilay lang ang sumasambot ng pawis ko.)

i used to have a widow's peak... now it's all just a peak haha!

* 2:19 - Break Break
(Dumadami na yung inclines kaya mas prone nang mapagod.)

* 3:04PM - Break Break
(Naghahanap si Kimay ng tatlong malaking bato. Palatandaan daw na malapit na sa tuktok. Naka-uto na naman si Jas. Haha.)

* 3:43 - Back-trekking
(May nag-epal na Kuya na tinuro kami sa maling trail. Bida bida. Steep assault pa yung dinaanan namin. At least nasubukan nila Kimay dumaan sa ganung terrain. Pero asar talo talaga ako.)

(Iihian ko nga sana yung tent ni Kuya Epal eh! I piss you!!! Pag balik namin, naka-abang na sa tamang daanan yung grupo ni Ogie.)

Day 1 - Fold 3
* 4:04PM - Campsite, Near Pico de Loro Summit
(Ang ganda ng napiling spot ng grupo. Mga pitong hakbang na lang bangin na. Most of the team went straight up to the summit. Kami ng mga angels ko nag-chillax sa tent. Cool kami eh. Haha.)

kimay: busy ignitin' and team leadin' (busy mag epal, in short)

* 4:15 - Tent's Up
(Pitched the tent then tambay mode na. Dumating yung grupo ni Kuya Epal kaya pinraktis ko nang ihian yung tent niya. I piss you!!! Dumating na din sila Dan from the summit.)

(Dineklara naming kubeta yung isang spot nung area malapit sa bangin. Pagkatapos nun, dumiretso na kami mag prepare ng hapunan.)

(Mga pito or walong tent din yata kami sa grupo, all in all.)

* 4:56 - Kape!
(Ako, nag kape! Saraaap.)

(Sila, humilata sa tent. Saraaap.)

ang mga kapitbahay namin

* 6:39 - Dinner

Menu: Sinigang na Baboy, Adobong Manok at Atay, Binagoongang Baboy, Kanin

(Panalo yung ulam. Parang may catering sa bundok. Talentado mag-abot ng ulam si Jas. Keep it up!)

* 7:14 - Ang Paborito ni Aina [Socials]
(Binuksan ang Granma at pumaikot sa labas ng tent namin ang sang-kagrupuhan para umpisahan ang bonding. Lugi kami ni Kimay na barley-drinkers. Pang hard talaga ang bundok. So habang nalalagas ang sangkatauhan sa paglalim ng gabi at pagtaas ng shot, unti unti akong tinatamaan ng antok.)

ang tanggero at ang mga taga tanggi

* 8:12PM - Tent
(Socials pa din. Pinagti-tripan ako nila Aina, pero walang aminang lasing! Baka sila ang lasing. See next entry for explanation.)

* 9:37 - Hotdog Party!!!
(Natapos ang socials. Sa loob ng tent, nilabas ko yung sikret weapon na midnight snacks... ang umaalog-alog na roleta ng hotdog. Sabay upak kasabay ng tinapay. Astig... rhyme! Madaling nangalhati yung roleta. Pinaghandaan nila Kimay ng matindi.)

(Photo ops ulet. Huling huli sa ritrato na may kagat yung mga hotdog na hawak nila Nikolas. Tapos may mga hotdog sa loob ng roleta na may bawas! Kanino pa kaya manggagaling yun?! At sino ngayon ang lasing?!)

* 10:16 - Lights Off
(Kwentuhan sila ng nakakatakot. Pero nakatulog na ko sa bandang "Kastilaloy sa Makiling". Parang fairy tale. Astiiiig. Sunod na gising ko na e dahil sa nangingimay na hita. Di ko na maramdaman ang hita ko. Pero madaling araw pa lang yun. Kaya balik ulit ako sa paghilik.)

(Aaang ingay ng mga papanchin sa labas! Yung mga ibang mountaineers. Walang tulugan, nandamay pa!)

(Tsaka ngapala, all night kahugis ko yung gilid tent. Haha.)

Day 2 - Fold 4
* 5:57AM - Wakey Wakey!
(Tops na daw Team Lead! Kahit pupungas pungas tumayo na kami. Wala sa itsura nila ang may balak pang mag summit. So diretso ako sa Plan B... mag kape!!)

ang cute nung winnie the pooh

* 6:46 - Breakfast + Break Camp

Menu: Hotdog (na may kagat), Tinapay, Sausage, Noodles, Kape!!

(Nakadiskubre ako ng malupet na formula ng kape... isang pakete ng Nescafe 3-in-1 at tatlong pakete ng Great Taste[?] Original! Ang tindi ng sarap. Sa sobrang tindi, pag sinabi mong "kape" dapat may dalawang exclamation mark palage... kapeeeee!!)

(Nag-umpisa na din agad kaming mag impake para bumaba. We opt to go down early to avoid the congo-line if ever magsipagbabaan na din yung ibang mountaineers.)

ang bangin

* 7:39 - Start Descent
(24 Celcius. Nice day to walk. Parang hindi gumaan ang bitbit ko.)

* 8:17 - Break Break
("Good morning everybody!!" ang hirit ng isa sa mga madami naming nakasalubong na paakyat pa lang ng summit. Yung sumunod naming nakasalubong, ginantihan ko din ng bati... "Good morning everybody!!")

* 8:44 - Pico de Loro Signage
(Photo ops. Ambilis namin sa pagbaba. Partida, umi-injured pa si Kimay.)

(The groupings going down was almost similar when we were going up. Ang pinagka-iba lang ay kasabay na namin sa paglakad si Ayn at si Dan.)

to pico de loro

* 8:57AM - Break Break
(Ano bang ginawa namin dito?)

* 9:22 - Back to Base Camp
(Malamig na soda break at the Base Camp. Photo ops ulet. Ansaya ng mga mountaineering group banners na nakasabit sa bahay doon. Panay pinag-isipan ng husto. Wow, sarcasm.)

"Masarap mamundok." - Yuri the Karakter

* 9:56 - Bye Base Camp
(Nauna na si Ayn, Dan, at Odie so kami na lang ulet ng mga Angels ko.)

* 10:22 - Green for Life Signage
(Konti na lang!)

Day 2 - Fold 5
* 10:32AM - Roadside Dropoff
(27 Celcius. Kilometer 65. Balik kalsada na ulet kami pabalik ng DENR. That's it, mountaineer na si Kimay at si Nikolas... palakpakan!)

* 10:36 - Roadkill
(May roadkill na ahas. DENR na pagkatapos.)

sayang hindi naabutan yung handstand ko with double flipkick and 360 twist

*****
Acknowledgment

* Mang Jose, Ang Tsuperhero na Pwedeng Arkilahen, for his loyalty to Jollibee Alabang Junction, murang presyo, at jeepney needs

sardinas ni mang jose

* Jas, Nikolas, Kimay, sa pag-hulma ng katawan ko sa tent at iba pang anik anik. Hanggang sa susunod na akyat! Bespren, salamats sa pagpapahiram ng mga chechebureche sa mga Scorpions. Scorpio masamang tao.

scorpio masamang tao

* The rest of the gang, para sa naaaaapaka-sarap na hapunan. Astig. Salamats sa pagsipot at sana kasama na si Mandric at Mher sa susunod. Mga bakla na iyon! Mga bading! Ogie, salamats sa ride pa-Alabang pre.

* Manang DENR, sa pag-sagip sa amin nung mga panahong kami'y naliligaw ng landas.

* Kuya Epal, sa panliligaw sa amin nung mga panahong kami'y nasa tamang landas. I piss you!!!

listahan ng pautang ni manang

* Kath the Couch Potato, sa pag-sunod sa amin sa Kanin Club at pag-kukunwaring girlfriend ko. Sa susunod na labas namin, sama ka ulet. Kunwari ulet GF kita, okey?? Sana hindi nila mabasa ito. Haha!

* Of course, the Man upstairs... ang aking ka-banda at ang totoo kong Team Lead. Yo the Man, my Savior, Jesus!

Wednesday, April 06, 2011

Project 12 x 2 - 1, Scene 5: My Thai Kitchen (Greenbelt)

What is food to one man is bitter poison to others.
- Lucretius
The Asian run of our Project 12x2-1 continues as our next grub spree brought us on a Javanese experience - My Thai Kitchen in Greenbelt 3.

Si Katlina ulit ang may pasimuno na dito kami kumain para sa katapusan ng Marso. Our other choices was a Korean resto at yung suking carinderia niya sa Intramuros. My Thai yung pinaka-accessible sa amin sa tatlong choices.

Ang Pasakalye:
Nasa gitna ng tabi-tabing kainan sa Greenbelt 3 ang My Thai Kitchen. Medyo mahirap hanapin pero pwede naman mag-tanong sa sekyu. Coming from the church, go straight ahead past the Greenbelt 3 open area (kung saan madaming hooker at expat pag gabi... area ng Starbucks, Cafe Havanna, at Seattle's Best) then walk past a bridge way papunta sa isang hilera ng mga sosi na resto. Nasa gitna nun ang My Thai Kitchen.

outside My Thai

Intimidating yung itsura niya sa labas kasi kapag sinilip mo yung loob hindi mo outright makikita yung dining area nila. May maliit na receiving area muna. Parang ang pakiramdam mo tuloy ay mga top secret society lang ang may access makapasok sa loob. Walang sumalubong sa amin when we got in but I think it's just an isolated case kasi usually may naka-station naman na tao sa may pintuhan na nang-aakit ng mga kustomer.

Ang GANDA at astig ng interior design. Typical high end resto yung arrangement ng mga bagay bagay pero takaw pansin yung mga accents na artsy fartsy stuffs. May higanteng brass buddha sa taas ng counter. May mga wall dividers na may geometric patterns. Ang design ng isa sa mga dingding nila ay sandamakmak na pekeng office drawers (queer but I like it). Majority ng colors na ginamit ay bagay sa soft tones ng mga ilaw nila. Just right to generate a feel of serenity... parang ang dating ay "steady ka lang dyan, enjoy the food".

gautama watches over you while eating

Ang Niyari:
  • Shrimp Pad Thai Noodles
  • Chicken Red Curry (Gai Curry)
  • Pork Sate (Satay Moo)
  • Coconut Pandan Pudding (Tago Haew)

count the prawns

Yung pad thai nila ay may choices between shrimp, chicken, or vegetables na sahog. Shrimp ang pinili namin. Kaso pag dating ng pad thai, dalawang hipon lang ang laman. Disappointed ako dun. Unlike most pad thai that we tried, mas leaning sa asim yung lasa ng pad thai nila than sa tamis. That's supposed to be ideal. HOWEVER, I still find the flavor lacking para sa isang Thai dish. Medyo natabangan ako. Ang nagustuhan ko lang ay sakto yung lagkit ng rice noodles.

creamy-licious!

Sa red curry ako nasarapan. Hindi siya yung expected ko na anghang pero andun yung minty curry flavor. At sobrang lutang na lutang yung flavor na ito kaya trip ko. Etong lasa din na ito ang rason kung bakit hindi siya trip ni Katlina. Ayaw niya ng ganyang lasa. Boo. Sakto para saken yung pagkagawa ng paste at masarap ang luto nung mga sahog na gulay.

Thai barbecue

Yung satay ang nagustuhan ni coach Potato. It's skewered meat, grilled, and served on top of a leafy garnish with peanut sauce. Sa pitong piraso sa isang order, ito ay isa sa mga pinaka murang pwedeng orderin. Masarap yung marinade nila at malambot yung luto sa karne.

happy Potato and her pudding

Now yung coco-pandan pudding ang the best sa lahat ng kinain namin! Dito unanimous ang boto namin ni Kumander. It's your typical pudding dessert made from coconut and pandan mix (doh!) with bits of corn. Kahawig lang din ng tipikal kakanin na nabibili sa palengke. Swabe lang talaga yung lasa ng gawa nila. Hindi ko alam kung anong drugs ang hinalo nila dito pero nakaka-adik sobra. Kung may babalikan kami sa My Thai, eto na yun. Eto LANG yun. Apat na piraso per servings.

Iba Pang Chechebureche:
Okay yung menu nila, madaming ritrato at may translation sa English yung mga Thai words. Napaka tanga-friendly!

main course

Helpful yung mga serbidor at madaling tawagin. Konti lang din naman yung kumakain nung pumunta kami kaya madaling kumuha ng atensyon. Isa din sa kanila yung kumuha ng ritrato namin ni Couch Potato under the big buddha. In fairness, ampanget kumuha. Haha! Madaming nagpapakuha sa may buddha. Kung ako sa My Thai, pagkakitaan na nila ito... sampumpiso isang shot. Parang yung higanteng aso sa Baguio.

nice try, koya

Mabilis ang serbisyo ng pagkain at halos sabay sabay isinilbi. Kaso hindi na ganun kainit yung mga ulam nung nakarating sa lamesa namin.

Makakatulong din banggitin ko na ang tap water nila ay by default isinisilbi ng walang yelo. So para magkaron ng malamig na panulak, kailangan specifically i-request na lagyan ng yelo ang hininging baso ng tubig.

Kaching!
Prices ranged from P230 to P280.

Mahal para sa kaledad ng pagkain pero pambawi yung magandang ambiance. Okay na siyang date place para sa may budget o kaya para sa naghahanap maka-experience ng Thai cooking.

notice the wall of drawers

Ang Hatol:
Babalik kami dito para sa coco-pandan pudding!

Pero yun na lang yun.

7 out of 14!

Obi Macapuno: April 2011