De la Salle-Lipa Batch '97 Survey
Nangilid-ngilid pa ang luha ko habang sinasagutan 'to. Langya, ang saya pala talaga ng highschool ko.
*****
DLSL Survey...
1. Anong ginagawa mo pag PA na?
-- Nakikipag-brainstorming kela Pakloy ng bagong paraan kung pano kakawilin yung hito ni Mam Baby sa fishpond.
2. Nakikinig ka ba sa bulletin reading?
-- Minsan. Paminsan naman nakikipag Lucky 9 sa calculator.
3. Pinangarap mo bang mag-voice over sa PA prayers?
-- Hindi. Iniisip ko kasi pag nagsalita ako sa PA magiging kasing boring ng nagsasalita yung boses ko.
4. Bakit ka nahuhuli sa pila pag lunch break?
-- Nag ma-Magic cards pa kami ni Topak.
5. San mo mas-trip, sa HS canteen o sa GS canteen?
-- Sa gradeschool syempre. Andaling makipag sikohan sa mga bata.
6. Anong fave mong bilihin sa canteen?
-- slush, waffledog (tangena, halos lahat ata ng estudyante eto ang binibili)
7. Na-guidance/principal's/csde office ka na ba?
-- OO! Tinapalan namin ng tape yung nameplates namin tas sinulatan namin ng mga pangalan ng mga gwapings ng Beverly Hills 90210... Jai = Priestley, J.; Ako = Perry, L.; Aglibut = Ziering, I.
8. Sinong favorite mong year level administrator?
-- Wala nang lulupet pa kay Sir Conti. Nanghuhuli nang noisy while playing the piano! Tapos kelangan mataas ang hataw ng kamay habang kumakanta ng "Hail! Hail, Alma Mater!"
9. Ilang beses ka na nasuspend ng DO?
-- Hindi ako na-suspend noon. Masyado akong mukang inosente para mapasama sa Casino 306, kung san 80% ng section namin e suspended ng sabay sabay (Kasama President! Hello, Wendy!). Ginawa pa kong role model ng adviser namin (sino nga ba yun?), "Hindi nyo gayahin si Randell! May napupulot na maganda sa pag-oofficer nya!"
10. Sinong fave teacher(s) mo doon?
-- Tangena maraming karakter na teacher ang hirap pumili...
Sir Ogie the Pogi (nakalimutan ko na pangalan nya pero kilala naman siyang Ogie the Pogi anyway)
Sir Mayo aka "Brutus" (kamuka nya talaga yung kalaban ni Popeye)
Mam Rivera aka "Bulldog" (hanggang ngayon ang cursive writing ko e hango sa tinuro niya... the La Sallian cursive, waha!)
Mam Baby (kasi ang sarap hulihin ng alaga niyang hito)
11. Kamusta naman ang stallion drive?
-- Ayun, para akong pulis na nanghihingi ng pisong "tong" sa mga kapitbahay, kamag-anak, barkada, tindero ng ice cream, kaklase, etc.
12. Sinong HATEST teacher mo naman?
-- Yung titser sa Accounting na tomboy! Tangenang yan, hagya nang makapagsalita, talsikan pa laway!
13. San ka usually tumatambay? Why?
-- Madami e...
1st Year: paikot ikot sa field, madaming hita e. Gaganda pa ng mga varsity. Tsaka patay na bata pa ako noon. Walang masyadong LIFE.
patay na bata (n.) - low profile kid; hindi napapansin ng mga tao sa paligid niya kahit mawala siya dahil hindi naman talaga siya kapansin-pansin, to start with. Source: Diskyunaryo ni Aina
2nd Year: Sa service nila Jai. Andun si Aphreal e. Ke ganda naman nun e sobra!
3rd Year: Sa baseball field, nag varsity na ko neto. O kaya sa basketball court, naglalaro kahit naka sapatos na balat.
4th Year: Kela Clemente, yung may ari ng sikat na Buko Juice sa tapat lang ng La Salle. Kasama ko sila Bote, Bob the Kano, Janice, at Samson. CAT officer na ko neto kaya busy-busy-han na.
14. Nakaservice ka ba? San ka nagaantay ng sundo?
-- Hindi. Pero tambay ako ng service nila Jai. Tins!!! Andito ka na sa part na to. Hehe.
15. What is your most embarrassing experience?
-- "Love of My Life" by Queen, interpretative dance! Second Place lang ata kami dito, but I have all the rights to disagree. Tangena, galing ng acting ni Aglibut dito e. Namumula-mula pa siya. Si Charo yata ang ka-partner ko dito.
16. May mga teachers bang may anghit?
-- Mukang wala naman.
17. Most unforgettable thing in HS?
-- Madami sobra. Palagi ako noon sinasali sa mga quiz bee. Merong isa (Physical Science) na representatives ng B106 ako, si Topak, at si Wesley. Si Mam Baby e diskumpyado samin kasi muka naman talaga kaming walang gagawing maganda sa quiz bee na yun wahaha. Buong panghahamak nya pang sinabi (sa harap ng buong klase) na bibigyan kami ng +3 rekta sa card kung mananalo kami! E nanalo kami (nasulatan ko pa ng pentel pen sa braso si Topak sa tuwa). Ayun, walang nagawa si Miss Baby. Ang grade ko sa kanya nun e 96. 94 ako originally, me utang pa syang 1 point kasi ceiling grade na ang 96. BWAHAHAHA.
18. Kumakain ka ba sa classroom?
-- Minsan. Tinatago ko sa bag. Inaalok ko pa si Tessa tsaka si Girlie tsaka si Jean (sabay kurot sa braso nya).
19. Varsity?
-- Nag champion ako ng Chess nun second year kaya auto qualify sa varsity team. E kaso nag Baseball varsity ako dahil mas maangas tumakbo sa field kesa magkulong sa isang sulok ng kwarto (chess corner) sa gym.
20. Anong contest na ang nasalihan mo?
-- Naku sooooobrang dami. Buhay na bata na ako simula 2nd year pataas. Nung 2nd year alone, halos lahat ng klase ng quiz bee e kasali ako at si Jai na para bang wala nang ibang mapiling representative ang klase. Memorable sa akin ang Science Quiz ng 2nd Year dahil ako ang ginawang taga sulat ng sagot. Meaning lang ng CFC, for the win na sana. Alam ni Jai yung sagot pero mali ang spelling ko... "chloroflOUrocarbon". Ayun second lang ata kami nun. Disaster yun para sakin.
21. Sinong una mong nakilala sa highschool mo?
-- Si Voltaire, kasi estudyante sya ng lola ko sa Granha.
22. Ano ang mga nauso noong kapanahunan mo?
-- Kumawil ng hito ni Mam Baby, tumakbo sa 3rd and 4th year wing pag late, mag basketball ng naka leather shoes, Magic cards, NBA cards, sumayaw ng "Always" by Erasure, mag Lucky 9 sa calculator
23. Sino-sino mga kabarkada mo nung HS?
-- TMTM = Too Many To Mention
24. Nakakatakot ba yung mga specimen ng nalaglag na bata sa bio lab?
-- Hindi naman. Pinag titripan pa namin yun nung 3rd year e. Pinipitik pitik namin yung jar kung gagalaw. Bwaha!
25. Anong ginagawa mo pag school fair?
-- Nakow, maraming kalokohan noon dito. The best yung wedding booth na parang Intsik patakbuhin dahil LAHAT ng weddings na nangyayari e "pre-arranged". Tropang CAT officer ko kasi yung mga nagpapatakbo. parang "Oist, hulihin mo si Alzar tapos ikasal mo sakin... sige na!".
26. Namimiss mo na ba yung uniform mo?
-- Soooooobrang miss. Lalo na yung nameplate ko.
27. Napupuno ba yung paper bag mo pag reco niyo?
-- Napuno naman. Kaso pre-preho ang mababasa sa laman. HRD = Happy Recollection's Day. Boring.
28. Madalas ka ba bumili sa bookstore?
-- Panda ballpen
29. Ilang beses mo nang nawawala ung ID mo?
-- Di pa naman.
30. Teachers' quotable quotes?
-- May malupet na mura si Mam Castillo e... complete with flawlessly pronounced English. Nakalimutan ko lang. Naaalala ko yung turo sa amin ni Sir Brutus, "Mangligaw lang ng mangligaw, e di pag hindi sinagot... maghanap ng iba! Madami dyan!". Husky pa boses nya nun.
31. Binabasa mo ba yung sex education books sa library?
-- Oo. Booklover's Club ako noong patay na bata pa ako nung 1st Year.
32. Most unforgettable persons? Why?
-- Si Alzar. Unang babaeng binigyan ko ng bulaklak. Ngayon Miss Tourism International na siya. Kilala pa kaya ako nun? Si Mam Marquez, unang subject teacher ng na-perfect kong Final Exams (Algebra). Brother Rafe (R.I.P.). Kasi kamuka niya si Mister Wilson sa "Dennis the Menace" tsaka siya ang nagturo sa akin na ang "xie xie" ay "salamat" sa Cantonese.
33. Naka-ihi ka na ba sa oval?
-- Syempre, teritoryo namin sa baseball yun e tsaka nung nag CAT officer nako.
34. Nakapag-date ka na ba sa lover's lane?
-- Lakad lakad lang.
35. I-describe ang mukha mo sa gradpic..
-- Parang natatae.
36. Anong binibili mo sa labas tuwing uwian?
-- Nata de coco juice. Tangena nakaka-adik! Nilagyan ata ni Manong ng shabu yun e.
37. Nakakita ka na ba ng multo sa school?
-- Hindi. Hindi pa ko nakaka-kita sa buong buhay ko.
38. Bumibili ka ba ng fud sa side gate?
-- Yun nga, Nata Juice nga.
39. Sa tingin mo, kaya mong tapatan ang mala-mosaic portrait ni St. La Salle sa hall of lasallian saints?
-- Kaya siguro. Pero muka ko ipapalit ko.
40. Nangarag ka ba sa updating/paghahabol sa projects?
-- Wala akong maalala na nangarag ako. Pero cramming, sobrang dami. E nalulusutan naman e. Konting bola bola lang at inosenteng ngiti.
41. Anong ginagawa mo pag assembly?
-- Nakikipag kwentuhan, habang nagtatago sa mapanuring mata ni Sir Conti.
42. Anong unang-una mong ginawa right after graduation?
-- Kumain sa Max's.
43. Ano naman ang papel mo sa Intrams?
-- Umpire sa softball ng mga babae. Ahuhuy! Si Nikki peborit ko dito panoorin.
44. Favorite Janitor/Janitress
-- Wala ako maisip na naging ka-tropa ko.
45. Sino si Bravo?
-- Alam ko karakter na teacher yan para sa ibang year level e.
46. Kung papalitan ang color ng uniform ano?
-- Violet.
47. Madalas ka ba sa college area?
-- Hindi gaano. Parang ang tatanda na nila para sa aking inosenteng pag iisip.
48. Nasa Friendster mo ba yung crush mo sa HS mo?
-- Si Nikki! Si Rochelle at si Alzar wala e. May Friendster ba si Ren Ren? Ok yun eh, morena.
49. Did you ever regret going to your HS?
-- HINDI! Babalikan ko pa!
50. Naging achiever ka na ba?
-- A couple of times. Nakaka-irita lang na minsan hindi ako ma-achiever dahil lang sa isang 79, Practical Arts pa! Tangena talaga oh.
51. Kilala mo ba kung sino ang nag-post nito?
-- Si Jai na kasama kong sumasayaw ng "Always" by Erasure, kasama si Joseph? Paniwalang paniwala ang Y502 noon na sasali kami sa Eat Bulaga "Always" dance contest.
52. Sino sa mga ka-batch mo ang dapat isali sa STARSTRUCK?
-- Si Rochelle. Andami na ngang commercials ngayon e.
53. Anong most memorable experience mo nung prom?
-- Nung tumakas kami at nag football sa classroom.
54. Anong oras ang pinakalate mong stay sa school?
-- 6+PM kasi nga may praktis pa ng baseball sa field. Inaabot ko pa sa college gate si TJ palagi na naghihintay din ng sundo. Nakatitig ako sa kanya habang nagmumuni-muni, "Ke ganda gang nilalang nire!"
55. Sino ang favorite love team sa batch mo?
-- Wala akong partikular na peborit e. May naisip ako pero scandalous e... involved ang Brother. Wahaha.
56. Naging officer ka ba nung high school?
-- Vice President ng Casino 306!
57. Anu ang best section/s mo?
-- Y502 at R306!
58. Saulo mo pa ba ang alma mater?
-- Asus, walang sablay! Haha.
59. Anong naramdaman mo matapos mo sagutan ang survey na to?
-- GRABE, ganun kabilis dumaan lahat yun?!?
1 Comments:
haha. natawa ako sa answers mo, obi!
Post a Comment
<< Home