April the 13th
Tambay nights at da Shak in Kamias.
Earlier, tumambay lang din kami ng malupet sa Virramall then we had dinner at Mien Sann (as usual!).
Shak Attendance: Joma, Obi Doobie, Fluffman, Jakob the Pure, Rider Man, Pork, Jumping Johnny, Jep, Little Jan, Toper, Pookiemonster, Anito, Jubay, Scotch Brite, Japes, Arvs, Phatboi (nyu-nyu land)
Grub: Coke (heretic zero and regular-type), pandesal, liver spread
Busy ang karamihan...
* Si Johnny, si Joma, si Toper, si Pork, at si Jan Liit nakasubsob sa tatlong laptop at isang PSP. Gaming mode sila.
* Si Scotch, si Karlo, at si Jep e nagbutingtingan ng mga motor nila. Si Phatboi, off to nyu-nyu land... naghihilik pa.
* Ako at si Jun e painting session. He was fixing something in his miniature bomber plane while I do some works on my Space Marines.
* The rest, usual wise-talking chatter about any sensless crap they could think of.
Eto yung mga gabi sa Shak na dapat e may live cam na tumatakbo sa bahay ni Koya (Pork) just to catch the hillarity and randomness of the talks. Parang kabute yung mga topic at mga hirit. Here are some that came up that night...
# Use Your Imagination
Pumasok ang usapan ng sex toys. Dalwa ang popular na tindahan na alam namin: sa Malate (na hindi mo mapapasok ng hindi ka papatayin sa titig ng mga bading sa entrance) at sa Metrowalk (na parang aquarium, dahil nasa daanan ng tao). Biglang may humirit... marami namang pwede gamiting alternatibong sex toys. If you think about it, pwede daw gawing business yung laman ng mga "all for 20 pesos" carts as sex toys... car jacks, dos por dos, lyabe (kung ano man yun), at walis ting ting. Lagyan na lang daw ng label na "Use your Imagination". Hehehe... why not.
# Bahay ni Koya
Naging Pinoy Big Bro yung usapan. Kulang naman kasi talaga sa "reality" yung Bahay ni Kuya. Komportable ang lahat. Ginagawan lang ng issue yung mga kasambahay para, kumbaga sa Friendster, maging "It's Complicated" ang stay nila. Dapat meron ding brownout or shortage sa tubig! Dapat meron ding maiingay na kapitbahay na nag-vivideoke at naglalasingan sa gabi! Dapat nangangamoy din ang kapaligiran.
Meron daw nga dapat Pinoy Big Bro - Payatas Edition. Yan ang "reality" show. O kaya Malabon Edition! Yung tamang pag dating ng tag-ulan, lahat sila nakapatong sa lamesa o sa aparador dahil lampas bewang ang baha. Yan ang "reality" show. Tapos sa Celebrity Edition dapat daw ang mga ipasok sa bahay e si Lolit, Piolo, Sam, Gabby Concepcion, tas yung mga bading na reporter na mahilig mang-chizmiz. Nakow, patok sa masa yan.
Tas para "reality" talaga ang dating... magpapasok sila ng Akyat Bahay Gang.
My mug says: I'd rather be drinking tequila!"
# Visual Crap
Someone brought the 1st issue of Playboy Phils at da Shak (hindi ko aamining ako!). And the denizens have a unanimous comment... IT WAS CRAP. Oops. Did I type that in all caps? The cover was a poor rendition of the classic Playboy covers. The layout sucks sore. The paper... ugh! Pero sabi nga ni Arvs, "Psh... as if article ang habol mo sa Playboy!"
He's got a point. Sige skip that. But teka... (flipped through the pictures)... Playboy ba talaga binili ko? The only nudity I saw was an exposed boob! People will pay to glance at this stuff for A single boob?? And this was what the Pinoy "religious" and righteous community was shouting foul on?? E mas marami ka pang makikitang suso sa binebentang dyaryo sa kalsada na araw-araw mo lang madadaanan sa kalsada e. Talk about Hippos.
Eto na lang, any magazine that aims to compete should at least have a good proofreader. This mag has lots... wait... LOTS!!!... of typo errors. Mas well proofread pa ang Liwayway Magazine at dyaryong Bandera! Ano 'to?? It's a clear waste of the label that Mister Hefner should be cringing on it by now. Hindi na lang din naman sila sumunod sa Playboy tradition when it comes to pornography, they should at least just have the professionalism to make a decent mag.
Sayang yung bayad sa copyright. Boo.
# Technophobia
Sa oto papuntang Eastwood (mga ala-una ng madaling araw)...
** Napag-usapan yung cellphone ni Jake na hinampas niya sa pader. Ayaw niya kasi mag cellphone (ever!) pero napilitan siyang tanggapin yung cellphone na binibigay sa kanya ng magulang niya dahil kung hindi, hindi siya pahihiramin ng van.
Fluff: Di ba may cel ka noon?
Jake: Yeah, pero inabuso ng magulang ko e, so I have to teach them a lesson.
Everyone else: Rolling On The Floor, Laughing
# Smells Fishy
Our destination - Something Fishy, Eastwood.
Agahan gallore! For around 150 bucks, endless grub and cox na until 10am in the morning. Yun nga lang 12 midnight to 10AM lang yung murang buffet promo. But heck, for the vampires we are it sure is a treat!
Grub: tapa, egg, longganisa, tocino, yang chow, garlic rice, lugaw, pancakes, adobo, pancit, hotdogs, lumpiang shanghai, danggit bay, bibingka
Naka tsanelas at pambahay shorts lang ako pero kiber sa taong-bayan. However, I was surprised that on a weekend nights, ang unti ng mga gumigimik. Effect na siguro to ng pagdami ng gimik place sa metro. Nahahati yung gimik crowds amongst them all. As for us, basta may pagkain... solb. Baka maging bagong tambayan ng tropa to.
Class dismissed at 3AM.
1 Comments:
buti na lang hindi namin binili playboy. ang mahal naman kasi. tapos it's crappy. yikes!
thanks for the warning. uno na lang. para sumaya si kuya jai. bwahahahahahhaha.
Post a Comment
<< Home