Doc Atotobski
pagtapos ng tarbaho, dumaan muna ako ng Lil's Hobby Shop sa Glorietta. bumili ako ng pangalwang M113 scale tank sa koleksyon ko. na-assemble ko na kasi yung una kong binili. astig naman kinalabasan, awa ng Diyos. after ko matapos buoin itong pangalwa, at least anim pa ang kailangan kong magkaroon at buoin pa ng buoin.
Modified the turret gun with an Autocannon barrel from a GW Predator
the insanity never ends. pipinturahan ko pa sila, isa-isa. ganyan ka-boring ang buhay ko.
ika-walo ng gabing yun, sa shop ng tropa sa Virramall. dumating akong may bitbit na Super Taro Special na kina-aadikan ko lately. madami-dami din ang tambay noon. siyempre ang mga mainstay: si Hairycritter, si Bangkok Boy, si Sharkman, at si Little John. naglaro lang kami ng tao-tauhan hanggang magsara yung mall tapos dumaan na kami kela Cranky para i-abot yung mga tao-tauhang pinag-usapan namin.
nakita pa namin malapit sa Connecticut si MILF Hunter at ang kanyang berdeng Bunny Mobile. sinigawan ko nga e. "Pakyumo bigtime!". lalaro daw siya ng airsoft sa Sunday. ako, hindi.
sa Mien San kami kumain. "para maiba" naman. ika nga nung konyo sa Glorietta that night, "duhhh?". sandamakmak na dumplings, congee, at tofu ang order. pero ako, stick to peborit... chopsuey rice. it gives you the façade of living/eating a healthy life. wala lang. gusto ko lang talaga gamitin ang salitang "façade" sa entry ko ngayon.
tambay kami sa Shak afterwards.
"para maiba".
alas dos na kami umuwi. hinatid ako ni Pookiemonster and his trusty navigator, Pork. we took da looong way, para roadtrip. ikot kami mula Que Ave hanggang Quiapo hanggang Mabini sa Malate. napag-usapan namin yung mayor na epal na nagpalunkot sa Baywalk. Wag lang hindi makakontra ang hinagupak. ang Malate ngayon, parang Martial Law. alas tres na halos pero kada sulok may buwayang de batuta at naka blue. mascot ata ng Manila Zoo. baka makotongan pa kami kaya iniliko na agad namin sa Pasay Taft. kahit naka-pikit ako alam kong nasa Libertad nako, suot na suot sa sinus ko yung amoy ng nanggigitatang palengke.
ibinababa na ko nila Great Maw. pero didiretso pa daw sila ng Serendra, The Fort. sabi ko, astig dun ngayon. maraming artistang nagsusuntukan sa kalsada ng ganung oras. i-pusta ako ng isandaan in favor of Borgy, sabi ko. para may pang-meryenda ako bukas.
ogosto labing-isa
tanghali na ako nagising. literally. dahil tanghalian na.
inabangan ko lang sumayaw si Maja Salvador sa Wowowee, tapos nagbihis na ko para rumampa. tahimik sa Fortress that day. yun pala, nakela Kim ang mga hinagupak. tumambay na lang kami nila Crispy at Le Croissant. sabay bili ng Super Taro Special. lintek. ang mahal. pero sige bili.
there was a declaration of Lentil Night at da Shak. so pagsarado ng shop, diretso kami kela Hairycritter para magluto ng panghanda... Pork Lentil Stew. teka, si Crispy lang pala nagluto. nanood lang kami ni Jacob ng Discovery at umupak ng samu't saring sausages galing sa ref nila Arvs. "fridge" na lang pala para mas konyo.
we had hungarian, chicken, and this German sausage that I forgot the name. sabay upak na din sa choco cookies na pakalat kalat sa kusina nila. wala pang Lentil Nights busog na kami ni Le Croissant. sabay dating ni Pookiemonster. woohoow! hindi na kelangan mag-drive ni Hairycritter. dumiretso na kami sa Shak bitbit ang Rhino ni Jake.
Lentil Night!
Attendance: Joma, Jumping Johnny, Lacson, Topher, Jep, Pork, Kaptin Klepto, JP, Crispy, Mayor Tengco, The Great Maw, Obi Santibañez, Phatboi
bumili kami ng pandesal ni Jacob at siyempre ang tubig ng Shak... Coke! the one true beverage! inupakan ng bayan ang stew ni Arvs. panalo. kami ni Johnny at Jep e kinalikot namin yung dala kong isang kahong Magic cards. eto yung larong pandemonyo daw sabi ng mga concerned parents at mga epal ng simbahang Katoliko. pero tinignan ko ulit yung mga katabi ko, naisip ko... baka nga tama sila. bwahahaha. bumuo kami ng mabilisang deck tapos naglaro, habang si Plim e busy sa installation ng "Halo" sa laptop niya. si JP at Joe masama ang tingin ke Jacob... ang sumagasa sa kanila sa Cthulu RPG to oblivion.
eto ang makulit:
habang nagkakasiyahan ang lahat, bandang alas dos ng umaga. may komosyon sa labas, sabay may bumagsak na malaking tipak na bato sa open space ng Shak. takbuhan kaming lahat sa kalsada. ako na ang pangalwang pinaka-maliit sa grupo at 5'7" and 145 pounds na ako. think about it. kahit sino yatang siga sa Kamias e manlalambot ang puso pag nakita ang tumpukan naming lahat. mahirap na. baka madamay sa batuhan yung mga oto ng Shak boyz na nakahilera sa labas kaya responde kami.
turns out, ang binatong bahay e yung katabi ng Shak. kela Doc Atotobski. notorious nang me kalembang sa utak ang mga taong nakatira dito. local eye doctor sila na walang lisensya ang klinik. nasa kalsada na kami ng lumabas yung matandang punggok na kapatid ni Doc Atotobski. masama ang gising at pupungas-pungas pa. sino daw ang bumato sa kanila?
sinabi namin na nagtakbuhan na pababa ng kalye yung mga bumato. iika-ikang lumakad itong si Atotobski Junior papuntang Baranggay. pagbalik, kasama niya na yung mga tanod at ipinahuhuli kaming lahat. kunin daw mga sedula at records namin! bwahahahaha! nagkatinginan na lang kaming lahat sabay LOL at ROTFL. kitang kita niya daw kami na bumato sa bahay nila. e ang peste, nagkukusot pa ng mata sa antok nung lumabas ng gate nila. may pagtataka sa diwa ng mga tanod. kahit mukha kaming mga bagong laya sa Muntinlupa, propesyonal kaming lahat at may magagandang background sa buhay. hindi sila maniwala kay Atotobski Junior. ang ulyaning matandang may kalembang sa pag-iisip ay hindi mapayapa. "the natives are restless!" ika nga sa isang sikat na quote sa Shak logs.
nagbubunganga pa din siya. kaya pumasok na kaming lahat sa Shak para ituloy ang kanya kanyang trippings. hindi ko na alam kung pano nila nagawang mapayapa ang ulyaning punggok na matandang may kalembang sa pag-iisip. baka tinira ng tranquilizer.
umuwi ako bandang alas kwatro ng umaga.
ogosto labing-dalwa
hapon na ako umalis ng bahay para tumambay.
nasa UP-Fine Arts si Sharkman at Hairycritter. susunod ako sana doon pero paalis na din daw sila papuntang Greenhills, sabay nagtext pa si Junbacca na nasa tambayan din siya. so doon na lang ako dumiretso.
as usual, Super Taro ulit ako. naiinggit ako ke Jubay at John Liit e. inabutan kong naglalaro ng tao-tauhan si Doc Lance tsaka utol niya. bago sabay sabay nang nagdatingan ang mga iba pang tambay. kwentuhan lang kami. anything, under the roof. tuloy ang exhibit ng IPMS sa November pero sa Megamall na at hindi sa Trinoma. may date na din ang roadtrip ng tropa sa Norte kaya dapat na ako magpaalam dito sa opisina.
diretso kami sa Shak pagsara ng mall. "para maiba".
kumain kami nila Pork. may tira pang Lentil Stew from the other night. pero niyari na lahat ni Pol at ni Karlo para maubos na. may dalang mga motorcycle magazines si Karlo. naaakit na naman ako bumili ng sarili kong motorbike. kahit anong delikado nito, mas maangas pa din ang tingin ko sa motor kesa sa oto.
alas dos ng gabi ng umuwi kami ni Riderman at ni Bebop (motor niya). second chance ko itong makasakay kay Bebop. astig. the ride was fun as usual. we're at least 80-90kmh in C5! wahooow! papatayin ako ng nanay ko pag nalaman niya ito. hahaha. from one end of C5 to the other... Libis to Bicutan!
angas ng pakiramdam ng kalayaan sa motor. wish I could have a Bebop of my own soon.
*****
New picture albums on my Multiply account:
Da Shak Christmas Leftover Party
Random Shak Nights Shots
2 Comments:
Wahahahaha!!! Pupungas-pungas FTW! Dapat pumayag kayo sa investigation, pero may condition. Na pag hindi napatunayan na kayo bumato, dapat bayaran kayo bawat isa for damages sa pag-aagrabyado sa inyo.
Bwahahaha turo nyo sya saken pagpunta ko sa Shak!
Bwehehehe minsan karakter din siya sa mga drawings ni Joe sa logs e. Look for Doc Atotobski pag napadaan ka sa Shak!
Next time nga alam na namin gagawin... ituturo namin siyang lahat na siya ang bumato! Number, man... numbers! hahaha mas marami!
Post a Comment
<< Home