Merong na nakatambay.

Monday, July 30, 2007

Balagtas is My Middle Name

I'm not in a conversational mood today so it's one of those dull moments that I recede to myself and introspect. Bukas na lang yung weekend kwento ko. Na-trippan ko na lang i-assemble yung mga laman ng kukote ko and scribble something about it. Ang resulta? Isang hitik sa emote na tula na namo'y hinugot pa sa aparador ni Balagtas. Hehe. I started the draft while on one of three meetings I had today here in the office. Nagustuhan ko yung dating niya in fairnesseses, ang galing (kahit na-kornihan ako nung umpisa).

"Lamat"
by Obi

may lamat na ang mata ko
sa paghanap ng bagay na hindi dumadating.
nakitang saglit sabay naglaho,
imaheng mayroong taning

may lamat na ang labi ko
sa pagsikap masambit ang mga nais sabihin.
handa nang magsalita pero ikaw ay wala,
ang nakinabang lang ay hangin.

may lamat na ang aking mga kamay
sa pagsusulat ng inilihim na nadarama,
at sa bawat guhit ng letra'y may isang pangarap:
maibsan ang bigat ng umaasa.

may lamat na ang aking utak
na sa palaging isipin ay panahong kasama ka.
masasayang araw na hiling lang ay maulit,
ngayo'y wala na.

itong mga lamat ang nagmulat sa akin
umibig ay magsulat sa buhangin.
maaaring kaligayahan ay madaling iguhit
ngunit sa hangin ay hihipang saglit.

itong mga lamat ang nagmulat sa akin
pero dumating ka't hindi na lang pinansin.
hindi inalintanang bukas
dagling iihip ang hangin ng pagwawakas.

tulad mo, nasaktan na din ako,
masakit... nakakapanghina...
na kahit may lamat ang aking utak
ang aking mga kamay, labi, at mata,
hindi kailanman inisip na tulad ka nila...

ngayon kahit itong puso ay may lamat na.

3 Comments:

Blogger Kyuzo said...

hanep si obidoo nanggaling lang sa bulacan naging makata na! lolz.

7/30/2007 9:58 PM  
Anonymous Anonymous said...

Impeyrnes, naalala ko nga si Balagtas. Haha!! =p

At mas dama kung may 'makata accent' talaga ang pagbabasa. Hehe

Oooi, yun ang 'laman ng kukote' niya.. Haha! Kung ano man yun, gud luck! At sana may pang-remedyo sa lamat. =p

8/01/2007 12:40 AM  
Blogger Obi Macapuno said...

sa-lamat sa pagdaan. haha.

8/09/2007 11:43 AM  

Post a Comment

<< Home

Obi Macapuno: Balagtas is My Middle Name