Sana Ay Ikaw Na Nga
I used to be the music nutcase in the office. Hindi ko kasi nakasanayan makinig ng sounds with a pesky headset injected on my ears. Kaya kung mag soundtrip ako naka speakers. Tas pag downtime at medyo nakaka-antok, ang trippings ko magpatugtog ng kung ano-anong kantang patawang pepot (yung mga kantang pag napakinig ng iba e hindi nila mapipigilang mag-react): meron akong mga mp3's ng anime hits sa TV (e.g. dragonball, bioman, daimos, voltes V...), meron din akong mga jologs rap (yung mga kinakanta ng mga "gangsta" sa kalsada na nagpapalakihan ng suot na jersey), at syempre mga 80's sounds (yung mga tamang nagpapatok sa "The Gwapings", "Bagets", "Tuesday Group ng That's Entertainment", at Billy Joe... nung bao pa ang buhok niya). Pero ang pinaka-makulit sa koleksyon ko e yung mga kantang parang sa baul pa ng ingkong hinugot (50's, tsong... 50's).
Kanina, naghuhukay ako ng mga lumang kanta sa koleksyon ko (inaantok ako eh). Pinapagtugtog ko isa-isa, pampagising lang. "Inday ng Buhay Ko" ni Victor Wood, "Highschool Life" ni Ate Shawy (nung nagliligawan pa lang sila ng tatay ni KC), "Kawawang Cowboy" ni Fred Panopio (kung sino man siya), tas napadaan ako sa koleksyon ni Basil Valdez (hindi siya tatay ni Wendy ng PBB). Imbes na mabuhayan ay na-depress lang ako lalo, at etong pesteng kantang 'to ang may sala... hahaha. Enjoy!
Sana Ay Ikaw na Nga
Basil Valdez
Anong kailangan kong gawin
Upang malaman mo
Ikaw ay minamahal ko
Kailangan ko'y katulad mo
Sa buhay kong ito
Nag-iisa lang sa mundo
Dati'y nasaktan na 'ko
Takot nang magtiwala
Ayoko na sanang umibig pa
Ngunit ika'y ibang-iba
Sa lahat ng nakilala
Sana ay ikaw na nga
Anong kailangan kong gawin
Upang matigil na
Ang kabaliwan kong ito
Sumpa ko sa sarili'y
Hinding-hinding hindi na
Ngunit heto na naman ako
Hindi na papipigil pa
At di na paaawat
Sinisigaw na ang pangalan mo
Ikaw talaga'y ibang-iba
Sa lahat ng nakilala
Sana ay ikaw na nga
Sana ay ikaw na nga
*****
Minsan may mga panahong gusto mo na lang maniwalang walang "movie-kind of love" at hindi worth it to feel so much for someone (or anyone you like or you will like, for crying out loud!). Minsan may panahong justified sa paningin mong unahin muna utak bago puso, kesehodang pudpod na pudpod na 'tong ipinapayo sa mga serye ni Joe The Mango, Doctor Love, at Tiya Dely. E kung ganun lang din naman, mag utakan na lang tayong lahat! Hahaha.
Minsan maiisip mo na lang na pang pocketbook na lang ang wagas na pag-ibig. Minsan kailangan mong intindihin kung bakit may mga repapips who take their "syota" lightly na parang utot lang tong dumadaan sa buhay nila. Inherent defense mechanism daw. Pag nagmahal ka ng sobra at na-echapring ka, tumbling ka sa sakit. Pero kung peke-in mo nga naman magmahal o kaya para kang Super Saiyan na hahatiin mo ang powers mo para magbigay lang ng 50 porsyentong pag-ibig, hindi ka nga naman todo olats kung sakaling i-tae ka ng giliw mo.
Pero ang tanong, where's the love, man?? Matatawag mo bang nagmahal ka nun? Tae ka kung sagot mo "oo". Kung katabi mo ko ngayon baka na-tampal pa kita. Hahaha.
Minsan gusto mo nang tanggaping eto ang uso. At maiiwan ka kung di ka gagaya. Seriously, I was on the process of "trying" that waaay back several years ago. Yung manligaw just for the heck of it. Sa sobrang di ko talaga masakyan yung konsepto, tinantanan ko din. What's scary was that it was actually effective! Kaya ko siya mapa-sagot if only I wanted it. Pero bakit ganun, kung kelan seryoso ka... olats ka. Ganun na ba ka-laos ang totoong pag-ibig? Think about it.
Kaya para sa 'ting mga masokistang walang kadala dala, reprezent! Hahaha.
6 Comments:
ano naman emote yan>? haha
naririnig ko bigla ung boses ni basil valdez habang binabasa ko ung lyrics. may sa impakto ata ung kanta. kinilabutan ako.
haha. masochism, ey?
ka la: walang kelaman ng trip.
pu la: distrubing ka. hahaha.
ey si: yes. the joy of hurting one's self. haha.
haha..like ur post..random stranger here..google directed me to ur site while i was searching for something..aliw lang..hindi laos ang true love..but it is not in our control..walang pilitan..gnun..haha..epal ko
gwen gorcey: haha thanks sa pagdaan. true true. hindi pa naman siya totally laos for me. i still believe. amen.
Post a Comment
<< Home