Kwentong Tambay, Da Return
Huwebes
Superbowl - Glorietta
Nagpa-chicha si Chiqui at si Koya Mike M. sa mga Avengers at Survivors ng kumpanya. Despedida nila. Si Chiqui mananatili na sa Sydney at si Mike naman sa Auckland, kasama ang pamilya. Parang (anong tagalog sa "reunion"?) re-unyon (?!?) ang nangyari.
Attendance:
Avengers - Miming, Lizette, Mike M. + wife, Laan, Carlos, Fungi, Chiqui, Kix, Fred, Fitz, Bathalumang Mark
Survivors - Obi, Koya Jeff, Mike L., Myce, Dens, Glenn, Bubung
Guest - Mike Karakter
Ambilis ng aplikasyon nila... si Chiqui, pitong buwan lang. Sila Mike, dalwang taon. May isa akong kilala na sa Australia din ang destinasyon, isang taon naman ang paglalakad niya ng papeles. Kapatid ko at bayaw nakapag pasa na rin ng petisyon papunta sa Lupa sa Kailaliman (Land Down Under). Napapa-isip na tuloy ako kung panahon na para mag ibang bansa. Ayaw ko man kasi, masasabi ko naman talagang wala akong maiiwan bukod sa mga malapit kong kamag-anak.
Andrama ampota.
Biyernes
Virramall, Greenhills
Dating gawi, tambay hanggang magsara ang tindahan ng tropa. Buhay ang Fortress nung araw na yun dahil dinaluhong ng tambay na manlalaro ng baraha ang istante. Inaliw ko ang sarili sa panonood ng laro at pagtanaw sa mga dumadaang konyo.
Matapos ang pagsarado ng gusali, naisipan namin ni Arvs at Marlo na maglaman muna ng tiyan bago tumambay sa Kamias. Ang dapat na Dannylicious ay nagawing In-and-Out, na nagawing Shak Likod, na sa wakas ay napag-isipan na lamang dumayo sa Fairview para lang mag shawarma ulit. Muntik pa kaming ma-aksidente sa Commonwealth dahil sa isang jologs na trak. Bwiset. Di na lang natuloy. Iiyak kaya si Iday.
Matapos ang paglamon, bumalik kami sa kabihasnan at tumambay sa Shak hanggang maubusan ng baterya ang kukote at maubos ang luha kong di naman pumapatak.
Wushus... utot'mo!
Sabado
Rob Galleria, Ortigas
The Exhibit Banner
Lampas tanghalian na ko dumating para tumao sa eksibit na aming ginaganap sa Galleria. Wala pang Shak Boyz. Malamang napasarap sa tulog ang lahat. Maulan pa man din sa labas. Anak ng patola oh.
Buti may katagpuan ako nung araw na yun. Si Jeff, si Mike, at si Paulo. May negosyong unggoy (monkey business) kami na ukol sa mga maliliit na laruang aming pinipinturahan. Sa kalagitnaan ng tambay namin, nagdatingan yung mga kolokoy ng paunti-unti.
Attendance: Arvs, Obi, Mike, Jeff, Paulo, JC, Pork, Jake + 1, Ed + 1, Jason, Fluffy + 1, IPMS Boys
Braille scale tanks of World War 2. Mostly assembled/painted by our very own Jumping Johnny!
Alas kwatro na ng hapon pero nag "agahan" pa din kami sa KFC. Dalwang bucketmeal. Walang pakelaman, gutom kami. Maraming tumitingin sa lamesa namin sa eksibit. Takaw atensyon talaga ang mga hinagupak na tao-tauhan. Daig pa yung mga chicks na rumoronda ng naka shorts. Tambay lang kami magdamag. Ang pesteng lugar, may magkatabing tindahan ng Globe at Smart pero naghihingalong ingkong ang signal ko... kadalasan pa ay wala.
Sobrang lakas na ng ulan sa labas. Pupunta sana kaming "Fete dela Musique" sa Malate pero sa takbo ng pagbuhos ay mukang malabo na talaga. Tumambay na lang ulit kami sa Shak. Dumating sila JP at Joma, habang inabutan namin si Asshole at si Jumping Johnny. Coke party na lang kami. Kalahati ng ispirito ko tuwang tuwang sa paglagok ng cox. Ang kalahati, wala sa sarili sa pangungulila.
Anak ng... yun yun e!
Linggo
Malate Area
Simba kami ni Sponklong sa Simbahan ng Malate. Yung misang tanghali pa din ang puntirya namin. Piyesta nga pala ni San Juan kaya maraming nagbabasaan sa labas. Taxi na kami. Peste kasi kung mabasa yung japorms ko. Muka na nga kong dugyot, padudugyotin pa lalo.
Kasama dapat si Pinsan Idol, kaso napasarap sa paghilik. Pumunta na lang kami sa tirahan nila matapos ang misa. May dala akong password: isang cox at isang kahang Philip Morris. Sinubukan kong mag runung-runungan at kinalikot ko yung kompyuter nila sa bahay. Wala kasing koneksyon sa Internet. Sumuko din ako makalipas ang ilang minutong pamamarunong.
Nagpaturo ako ng direksyon ke Pinsan Idol papuntang SSC (Shawarma Snack Center). Kainan to ng mga Arabo at gusto ko patikimin si Sponklong ng pagkain dito. Liblib ang lugar, pero malapit na siya sa Rob Malate. Umorder kami ng kebab pero ubos na. Ang kinain namin ay beef tikka ang tawag. Wala akong pakelam kung ano ang ibig sabihin ng pangalan niya basta nasarapan ako at si Sponklong. Gamahal nga lang. Tumama ng limandaan ang kinain namin. Partida, hindi pa gaanong mabaho ang hininga namin ng lumabas kami.
Natawa ako sa sarili ko ng makita ko yung mga bumbay at arabong kumakain. Naging pang sanggol ng de oras yung mga balbon ko. Haha. "I belong!"
Pumunta na kaming Rob Malate matapos kumain. Nagliwaliw lang kami ng konti at nang mahilo na kami sa kaka-ikot, nanood na kami ng "Fantastic 4: Rise of the Silver Surfer". Mamwede mwede naman na siya para sa akin. Nag grocery lang kami ni Sponklong matapos manood tapos bumili ako ng damit na vintage na may malaking muka ni Belia Flores sa harap (peksman!). Tapos dumiretso na kami pabalik sa condo ni Tita 9. Di rin kami nagtagal, umuwi din kami agad. Sapat na ang pag aliw sa sariling ginawa ko para sa araw na ito. Bukas naman ulit... o hanggang sa tuluyan nang hindi na ito kailanganin.
Wow, tinginang yan... sagad na.
Lunes
Chilli Pepper's
Binalak kong umuwi ng maaga ngayon pagkatapos nitong trabaho't sa bahay na lang muli mag mukmok. Pero sadyang matulungin si San Miguel at ang kanyang Pulang Kabayo sa mga taong nangangailangan ng panandaliang ginhawa sa puso. Nag YM si Flash. Inuman daw sa Chilli Pepper's kasama ang Justice League-HP. Magsisimula na sila sa loob ng bente minuto. Kwarenta minuto pa ang imamalagi ko dito bago ako makasunod sa kanila pero tinginang yan, hindi naman nila siguro gagawing Yakult ang serbesa. May aabutan pa ko.
Ang kailangan ko lang ay manalig.
*****
More pictures from the scale modelling exhibit and the Super Bowl night out will follow and hopefully, together with my commentary for the "Fantastic Four: Rise of the Silver Surfer" movie. I just need time! Meron bang nabibiling oras sa Quiapo??
0 Comments:
Post a Comment
<< Home