Anong Bago?
1. destinasyon ko bukas!
- matapos ang ilang linggo na panay Norte ang lakwatsa ko, maiiba naman ang trippings ko bukas. mas super-uber-Norte naman! birthday kasi ng tropa ko bukas. parang kapatid ko na itong mga ito nung mga araw namin sa CEU (mga ilang taon na din ang nakalipas pero hindi pa naman ganon kalayo... deny pa, haha). taga Bulacan kasi si kumag. pero magkikita muna kami ng iba pang mga karakter na tropa sa Galle, para sabay sabay na ang alis papuntang super-uber-Norte. alas ocho nga ng umaga sana daw ang kitaan namin sabi ni Julius. para dun na kami sa Bulacan tatambay. tumawad ako ng after lunch dahil malamang naghihilik pa ang pwet ko kung alas ocho. may lakad pa man din ako mamaya.
inaanak ko ang anak ni Jon (yung may kaarawan). hindi kaya ako tampalin ng inaanak ko dahil ngayon lang ako makikita after 1 year and something? pero may regalo ako dun na pang krismas oy. walking shoes na japorms, pang binata... not those softy padded slippers that honks honks when stepped on. ambilis lumaki ng mga bata ngayon at ang ma-mature na nila kaya hindi na dapat sila bine-beybi (taena pano ba spelling nun?). dapat mga japorms nila ay pang matanda na din.
anyway highway, pinangako kong sasagutin ko isang case bukas. mapapalaban si stomach nito. ihanda niyo na luha nyo bro pag nag emo mode ako. muwahahaha.
2. kumikitang kabuhayan!
- may malaking project na inilapit sa akin itong kaibigan ko... and i'm not talking 5 digit worth of moolah. 6 digits man... six effin digits. isang sikat na automotive company kasi ang involved (hindi ko sasabihing Toyota) and it has something to do with their IT system requirements. nakita ko na yung proposal at hindi biro yung laki nung project. it will require me to spearhead the technical aspect of the job while my friend will do all the dirty paper works. maganda kung sa maganda yung opportunity, pero ang problema kasi we're all working full time. hindi kaya at hindi sapat ang natitira naming oras para ilaan sa venture na ito.
i could hire someone to focus on it full time pero sa gentong trabaho kasi hindi pwedeng ipagkatiwala lahat sa isang tao (how much more a stranger) yung full gravity ng activities. project based lang naman yung venture meaning after ilang months at matapos na yung project, tapos na yung deal namin with the company... so hindi ako pwedeng mag-resign para mag full time dito. olats yun.
nagtanong-tanong na ko sa mga tropa ko kung anong magandang approach. at least 7-8 months nga tatakbo ang buong proyekto. masakit sa ulo ang dadaanang proseso. iniisip ko pa nga lang ang plano, nakokomplikaduhan nako e... but i have to work out something. sayang yung opportunity talaga e. Wika nga ni Sun Tzu, "know your enemy". wala lang. walang konek. gusto ko lang i-quote si Sun Tzu.
hahamig kaya ako ng salapi sa project na ito? Abangan!
3. yim waan!
- kung tama ang alaala ko, ibig sabihin nito sa salitang Thai ay "maganda ang ngiti mo". tinuro yan sakin ng mga tropa kong Thailander noon na mga taga HP-Bangkok. ang ganda kasi ng ngiti nung isa sa kanila. ho-ho-ho... iskor gallore!
anong konek? eto na. babalik kasi si Fluffy sa Bangkok sa undas. alam niya ang Bangkok tulad ng likod ng kanyang mga kamay (He knows Bangkok like the back of his hands... haha). kung sasama daw ako, ticket na lang po-problemahin ko tsaka pocket money. madami din kasi siyang tropa dun na pwedeng matuluyan. may libreng tour guide na agad ako, otomatik. so ayun, nakumbinse ako. pag iipunan ko yang trip na yan.
matuloy kaya? Abangan!
4. konyo shirt!
- bago yung tshirt na suot ko ngayon. konyong konyo yung fit niya sa katawan ko. small ba naman ang size. sabi nga ng #1 fan ko (nanay ko) ang macho ko daw. naniwala naman ako!
bigay sa akin ito ni Ava (bestfriend ng sis ko). pasalubong niya ito galing New York. ang galing nga e, parang may pinag-tanungan siya ng hilig ko kasi vintage-ish yung shirt. yun ang peborit kong fashion lately. Banana Repulic siya. o-ha, konyotiks na konyotiks! humawak lang ako ng Starbucks grande cup at magyosi sa labas e mapagkakamalan na kong anak ng milyonaryo na may sports car na hiram sa tatay ko.
ganun kalupet.
salamats Ava! pati ako damay sa pasalubong. hee hee.
*****
New albums on my Multiply account:
Screaming BB's in Northern Alliance Territory
Screaming BB's in Night Dagger 1
0 Comments:
Post a Comment
<< Home