Walang Maisip na Title
Friday the 13th
Kela Kian's shawarmahan kami nag lunch nila Roy, Bubung, at Miming. Andun si Kian nung araw na yun, nambobola ng mga magagandang kustomer. Hehe, swabe.
More pics on my Multiply site album (T.G.I.S Goes to Persia)
T.G.I.S. (Thanks Gosh It's Shawarma)
L-R: Bubung, George Estregan, Miming the Cat, Ranger Roy
Ginabi ako sa paglalaro ng DOTA (Bloodseeker, reprezent!). Gusto ko pa sana maglakwatsa pero naniig ang mumunting sakit sa gulugod (yun ba yung tagalog ng "shin"?) ng aking kaliwang paa. Kaya hayun, deretso uwi ang kumag. Sa bahay, nakipag baby tox lang ako sa kambal na ang tawag na sa akin ay "iyaaaaaa!!!". Napapakinig kasi sa nanay nila pag tinatawag ako.
Iyaaaa (n) - bigkas ng isang-taong bata batuta sa salitang "kuya". Source: Diksyunaryo ni Lolo
Nung pinatulog na yung dalawa, pwede ko na ilabas yung mga laruan ko. Wala nang mangengelam na mga mas malilikot at mas makukulit na version ni Dora the Explorer. Nag assemble na ako ng mga miniature models ko, tapos nun nag basa ng libro hanggang sa antukin.
Saturday the 14th (Shak Noodle Nights)
Tatakbo sana ako sabay basketball. Kaso mo, ang sarap ng panahon. Tamang uulan na hindi, kaya hangin-hangin! Mas pinili ng kukote kong matulog pa muna ng 5 minutes. Tas 5 minutes ulit. Tas 5 minutes ulit. Tas 5 minutes ulit. Hanggang sa wag na lang mag jogging. Peste. Sino kasi nagpa-uso ng health and fitness.
Gumising ako para kumain. Nakipag bolahan ulit sa kambal ng konti. Tas sabay bihis para pumuntang Virramall. Sumasakit sakit pa din si gulugod.
Eto (yata) si Liz
Eto (yata) si Lei... hindi yung kalbo. Ako yun.
Sa Virramall, napadaan ako sa mga tiangge ng makukulit na tshirt. Bumili ako ng dalwa, isa para sa akin at isa para kay Sponklong. Sa Fortress, wala akong dinatnan kundi sila Ate at Little John. Nasa Katipunan pala ang buong tropa. Nakipag bolahan lang ako ng konti kela Ate tas lumarga na din ako papuntang Hobby Haven sa Katipunan. Aba, andun nga ang buong sangkatropahan!
Tambay na ko dun hanggang gabi. Tas nung naumay na kami sa pagmumukha ng isa't isa, nagpahatid na kami kay Emp sa tambayan sa Shak. In anticipation ito ng magaganap na Noodle Nights. Last time kasi, Sausage Night ang trippings... noodles naman daw ang isusunod naming yariin.
Unti unting nagsipagdatingan ang sangkatropahan kaya matapos namin mangotong sa mga bagong salta, tumungo na kami sa isang Korean store sa Timog para humakot ng mga kekelanganen. Pagbalik sa tambayan umupak na sila ng pagluto habang ang karamihan ay nagbobolahan.
Attendance: Iron Chef Pork, Jumping Johnny, Little John, Jason Phatboi, Fluffy, Doc Marco, Joma, Arvs, JC (yes, Jesus Christ ibig sabihin nyan... patawarin nawa kami), Joy, Ubay Bomber, Riderman Carlo, Elmer Kulyong, Obi Doo, Mayor Tengco, Jacob Le'Croissant, Gelo Dude, Captain Inferno, Scotch, Anito the Dog
Jacob rattling about the French Bastille Day. Anito still stinky as hell. Arvs, Jubay, and the Doctor bouted it up with their "manok" in Armoured Core (PSP). Arvs emerged the big fish in our little pond. Kulyong, Jacob, JP, Jumping Johnny, and Joe on Cthulu RPG session. Gelo just passed by, "touch and go" style... only half-sober.
Grub: Korean ass-bomber noodles (Shin Ramen?), dimsum lots!, cox, cox lights, Korean sea weed cracker, pandesal, French Baker's le baguettes, Korean tofu
Sarap ng soup! In fairness, hindi siya gaanong pang-almuranas ngayon kumpara sa mga ibang tipikal na araw na napagti-trippan naming mag spicy noodles sa Shak na tulo sa kabilaang ilong ang uhog mo sa anghang. Gawin na daw itong initiation rites sa mga bisita ng Shak? Abangan!
May pamankin pala si Fluffy sa PBB Teen edition... kaya nagka-short tox about their push to have me join the next Pinoy Big Bro. Dahil hindi ko naman habol manalo at gusto ko lang makipag-trippings sa bahay ni Koya, ako na lang daw maging tipikal na asshole sa loob. Pampa-kwela ng palabas. Pinag usapan nila kung ano mga gagawin ko pag nasa loob na ako (syempre, without violating yung mga batas ni Koya... or so I pressume):
1. Sa sunod sunod na araw, sa kalaliman ng himbing ng tulog ng lahat, magigising daw ako na parang binangungot tas sisigaw ako ng isang pangalan ng tropa... iba't ibang tropa kada araw.
2. Gumawa daw ako ng sariling altar sa Prayer Room. Magpatong patong siguro ng bato sa isang sulok nung kwarto tas magdo-drawing ako ng mukha ni Puma Ley-ar sa papel tas ii-scotch tape ko sa pader. Tas kada araw basta tumama ng alas sais, kung walang pinapagawa si Koya, pupunta akong prayer room tas naka bow lang ako sa harap ng altar ko for 10 minutes. Lapat ang noo sa sahig. Tapos ang pang finale nito, sasayaw at kakanta ako ng "shigi shigi waka-shigi uwaaah". Pero dapat walang housemate na nakaka-kita, pang mga manonood lang ito at kay Koya. Pag may housemate, tama na iyong naka bow sa sahig. Creepy enough na daw yun.
3. Ibahin ko daw ang step ko sa pag sayaw ng Pinoy Big Brother song.
4. Itaya ko daw ng buo ang weekly budget. Para win big or lose big ang siste. Kapag natalo sa weekly challenge, e di gutom ng isang linggo. Pwede naman daw iluto si Buddy the House Dog.
5. Palabasin ko daw na may third-eye ako at nakakakita ng kung ano anong kababalaghan. Magtuturo daw ako sa bahay kung saan merong "visitors" na nagpapakita.
Ilan lang yan, marami pa silang naisip na trippings. Sabi ko siguradong forced evict ako nun sa unang dalwang linggo. Magpu-pustahan na lang daw ang tropa kung sa pang-ilang linggo ako matatanggal. Ayus.
Class dismiss at 2am!
Ayan, dito ako madalas mag-jogging habang nag-e-emote. Sa hacienda KO yan.
Sunday the 15th
Dating gawi. Tatakbo sana ako't magba-basketball. Kaso sumidhi na ang sakit ng gulugod ko. Hindi ko pa din alam ang kaso hanggang sa mga panahong iyon.
Dahil hindi ko talaga kaya, natulog na lang ulit ako (hindi kaya palusot ko lang yun para makarami ng tulog?!?). Nakipag laro ulit sa kambal pagka-gising. Pumunta ako sa tambayan sa Greenhills ng mga alas kwatro na ng hapon.
Tambay at lakwatsa at bolahan lang maghapon.
Nagtext si Idol Pinsan. Pinag-canvass ko siya ng presyo ng i-Pod sa Virramall. Kinita ko sila ni Techy Friend sa Theater Mall. Sabay bumili ng i-Pod. Tutol pa din ako sa i-Pod kahit anong mangyari. Sa mp3 player pa din ako kahit hindi gaanong pang konyo.
Umalis na kami ng tropa sa Greenhills. Dumiretso ng Delta para mag Mister Kabab. Hype lang ang mga bali-balitang kabaliw baliw ang mga pagkain sa Mister Kabab. Mediocre lang siya para sakin. "So so" para sa mga konyo. "Tangena ganun din ang pesteng lasa" para sa mga jologs.
Pinagka-iba niya lang sa mga karamihang napuntahan kong shawarmahan ay mura siya para sa ganung lugar at huli ng white sauce nila ang panlasang Pinoy. Matamis. Madaming "mayo" malamang. Pero up-to-sawa, kahit gawin mong sabaw walang mangengelam sa yo (wag mo na lang pansinin ang naka tiger-look na si Ate).
Grub: chicken liver, pork liver, kebab lots!, pita bread lots!, isang weird looking mechado which starts with a letter "B" (katunog ng "burugudoy"? wutt-ever!), ox brain, kanin na may star margarine (para sa growing kids?)
Dito kami nag sisimba ni Sponklong (Malate Church)
Tambay sa Shak until 3am, afterwards. Plim dropped by with his airsoft guns. Kinumpuni ni Jason Phatboi habang nagbobolahan ang lahat.
Pahabol: Birthday ni Bateng, pinsan kong Kuracha - Linggo lang ang pahinga. Haberdey, JC!
Monday the 16th
Medyo nawawala na sakit ng paa ko. Pero sakit ng puso ko hindi pa rin. Wakanangena, ahuhuy!
Pahabol: Birthday ni Jackstone, tito kong nasa Vegas. Haberdey, Tito Jack!
Resibo namin sa shawarmahan ni Kian
2 Comments:
antindi lang ng daily whereabouts mo. palaging trip trip lang. laidback. haha. 'stig.
may masarap na shawarmahan sa may buendia cor taft. have you tried eating shawarma there? the best yun! madami silang hilehilera. pinakamasarap yung asa dulo. forgot the name.
woh? lapit ko dun. Pasay lang ako man. sang corner kaya yan: dun sa malapit sa bus stations, sa malapit sa beer house, sa may hilera nung maliit na mall, o dun sa babaan ng mga taong galing makati kaya sobrang trapik? hehe.
Post a Comment
<< Home