Merong na nakatambay.

Thursday, August 02, 2007

Eighteen Seventy Seven

Nitong Sabado na lang ulit ako naging ganun ka-barag sa alak. Salamat sa Solera 1877 Brandy na bitbit ni Julius. 1.75 litro sa limang tao sa loob ng hindi hihigit sa apat na oras. Ubos! Actually, apat at kalahati, kasi babae naman yung ika-limang karakter namin at hindi gaanong mataas ang tagay sa kanya.

Attendance: Obi Doo, Boss Vic Jon, Abdul Ayo, Julius Pandak, Pareng Jay, Mareng Deng, B2 Alfie (hindi ko na alam kung sino pang iba ang dumating dahil knock out ako)

Naki-hitch ako kay Juls papuntang Bulacan. Nagkita kami sa Galle. Pag dating sa bahay nila Jon, paalis ang may bertdey. Ayus. Iniwanan lang kami ng pananghalian. Pagtapos kumain, nag setup na kami ng videoke sa garahe at inumpisahang maghanda ng kung anik anik para sa sisig. Sila lang pala. Nagbasa lang ako ng FHM habang nagpapakahirap sila. Teka, nagtimpla pala ako ng chaser na apple juice. Mahirap din yun ah.

Alas tres pa lang ng natapos ang lahat. Masama ang tingin sa amin nung 1.75 litrong brandy na nakahilata sa lamesa. Nagpa-amboy pa yung tinimplahang sisig na mainit pang umuusok sa tabi nung brandy. Ayun, hindi kami naka-tiis. Binuksan ang alak at inupakan ang sisig. Pinagulong ang tagay at pinapak ang pulutan!

Pag dating ng mga alas sinko, bumagsak ng biglaan ang ulan. Cloud seeding man o dahil sa sama ng boses namin sa pagkanta, ipinasok na lang namin yung videoke at sa sala itinuloy ang ligaya. Naubos ang higanteng alak in no time. Pangiti-ngiti akong bumagsak sa kutson na nasa sahig. Hindi ako lasing, hihiga lang (walang lasing na umaaming lasing siya). Ginising ako ni Ayo. Tara daw mag-banlaw.

Inamoy ko sarili ko. Hindi naman ako amoy sabon para magbanlaw. Yun pala ibig sabihin niya ay beer naman daw upakan namin. Ako nga pala nangakong sasagot sa isang case. Inabutan ko ng pambili si Ayo sabay humiga ulit. Kinaladkad ako para tumayo pero sadyang mabigat ang pinagsama-samang timbang ko, pinapak kong sisig, at tinungga kong alak na parang Yakult. Ayun, sumuko din siya.

Maya maya narinig ko na ang boses ni Boss Vic. Hindi man lang siya nakatikim ng painom namin para sa kanya kaya nakuntento na lang sila sa beer. Alas dose na nang subukan nila ako ulit gisingin. Lahat ng klaseng hila, yugyog, kaladkad, at alog ang ginawa nila sa akin pero hindi ko mautusan ang katawan kong maging chillax lang. Hindi ako tinantanan ng mga hinagupak.

Sa kaka-alog sa akin, pati tiyan ko tuluyan nang umikot. Bago ko naramdamang umaakyat pabalik ng daigdig ang mga kinain ko't ininom, nagkusa na kong bumalikwas papuntang lababo. Sabay tawag ng uwak. Uwak! Uwak! Uwak! Uwak!

Nagkalat sa lababo yung sisig... may hindi pa natutunaw. Haha. Pasintabi sa mga kumakain.

Pagtapos ng lahat medyo nawala amats ko. Kaya bumalik na ko makipag happy happy sa kanila. Beerhaws kami pagkatapos. Kinabukasan (Linggo na ito), dumiretso na ng Baguio sila Juls. Ang plano ay sasama dapat ako sa kanila pero bangenge pa ko hanggang sa maka-alis sila. Sumama na lang ako kela Jon papunta kila Talet sa Antipolo para bisitahin yung inaanak ko.

Galing Antipolo, sabi ko idiretso nila ng Galle para kumain kami. Treat ko na lang. Barag ang cash ko kaya nag Pizza Hut na lang kami para pwede credit card. Galikot ni Ethan. Gumawa na lang kami ng strategy. Kakain muna ako at si Abdul Ayo habang bantay ni Boss Vic ang bata. Tapos si Ayo naman ang bantay na susunod, tapos rotation na.

Matapos sa Galle, humiwalay na ko sa kanila. Dumiretso ako ng Fortress, shop ng tropa ko sa Virramall. Andun ang karamihan ng tropa. Pa-gabi na rin yun.

Attendance: Dadang, Raymund, Doc Lance, Fluffman, Timberwolf, Pork, John Liit, Arvs, Obi da Gyne, Joan, Ate

Medyo nainip ako sa pag tambay kaya bumili lang ako ng Taro Taro sabay tinignan yung mga laro sa arcade. Olats, wala yung peborit ko nung college. Bumalik na lang ulit ako sa tambayan at nakipag bolahan pa ng mas marami.

After store closing, dumiretso na kami ng Shak, nag ambagan para bumili ng sandamakmak na corned beef at tuna para pagsaluhan sa hapunan. Tumambay lang kami hanggang lumalim ang gabi tas umuwi na din kami ni Arvs... hiniram ko ang PSP niya.

Eto, hanggang ngayon hindi ako makapag pintura ng maayos dahil sa lintek na PSP na ito.

*****

My lightest point so far @ 144lbs (naka pants and shoes pa!)
Taken last month at Tita Nine's place
.

May nakakalat na weighing scale sa bahay nila Jon. I stepped on it and registered at 149 pounds. Grabe. When I went to Sydney I was at 165. Ang laki na pala ng pinayat ko. I can't seem to get it when I look at myself in the mirror. Parang, I lost that much?? I can feel it though. Ang gaan ng katawan ko sa basketball and I don't tire much. I even have to punch a new hole on my belt.

Badminton games were scheduled later for me and some of my mates here in Makati. I often mock at badminton being a "gay sports" (pardon on being sexist) but lately I would take on everything that will keep my mind occupied and my body breaking sweat.

I still do dumbbell routines when I can and jog when I have time on weekends. Point is, all these for something I can't tell exactly why. This is not me. I rarely care to what my body will look like. Pero ganun talaga e. Parang gusto ko na lang biglang magkaron ng bagong ako.

Angas.

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

how can you be 144?

i'm 155 (or 160, i dunno), and we're just the same height and build. mas malaki pa nga tyan mo.

demmit.

-garrboi
the mighty young

8/03/2007 9:09 AM  
Blogger Obi Macapuno said...

sometimes, muscles are heavier than fats. bwehehehe.

8/09/2007 11:44 AM  

Post a Comment

<< Home

Obi Macapuno: Eighteen Seventy Seven