Wer na u? Wet na me!
Bago ang lahat, thanks Jai's-sober-side for editing my synopsis for "The Dark Champion of Garman Four" and inadvertently providing me with a very characterful villain name.
Oh, same goes to Garrdude for my location's name. Bwehehe.
*****
At first I had a nameless 5110, and then a 3210. Then there was Bakex, a phone I din't even know what model it was called. Sa sobrang panget nya Bakekang ang ipinangalan ko sa kanya. Then, there was Perla... my 3650. I called it that since it looked like a bar soap. Ginawa ko pa siyang all-white housing before para panindigan ang pagiging detergent nya. Antagal ng pinagsamahan namin nito, around 6 years.
On your left (which is my right) was "Bakex"! Guest starring Pouty's "Pinky".
By the arms of Yuki (the gentle giant in red), was Perla. Pati sa Sydney kasama siya.
It was Friday last week when finally, bumigay na si Perla. It had its third (or fourth?) system crash and after having it fixed, it all fucked up... wala nang signal, hindi na ma-charge, etc... etc. So 4 days na ko walang phone until yesterday. Nanginginig na ko due to withdrawal symptoms. Kelangan ko ng phone soon anyway since aakyat ako ng bundok next week and birthday ko this weekend. Kaya bumili na ko bago.
Tada!
Shiny... the Nokia N82, was born!
Pinag-isipan ko mabuti yang pangalan na yan kasi gusto ko unique ang name nya. Haha. Seriously, that was the phone's feature that I least liked - it being only available at shiny silver casing. Kagahapon ko ito binili, after a period of much research and asking around. Ever since nakuntento ako ke Perla, nawala na ko sa sirkulasyon ng mga celepono. Kaya kelangan ko ulit magtanong-tanong ng latest about it. Nagulat nga ako sa dami na ng modelo sa market. Dati, ang gwapo mo na at pwede ka na mag syota ng ramp model basta may 5110 ka lang dahil may Snake siya at napapalitan ng housing... 4-liners pa! Ngayon, pamato na lang ito sa tatsing.
In the end it was a battle of Ericsson's K850i and Nokia's N82 and N95. N95 became out of the question since it doesn't have the Xenon flash (maganda sa madidilim na lugar - nakow hilig ko pa namang magsusuot sa madidilim). K850i and the N82 have almost the same features... lamang lang ng ilang teknikal jujus ang N82 (knowing Nokia). Itim ang K850i. Silver lang ang N82. So aesthetics, gusto ko ang K850i. Mas malaki ang monitor ng N82 at 2.4". In the end, after weighing my need to have a decent camera (ang digicam ko ay lumang 2MP lang), mas advantageous para sa akin ang N82 (preho silang Xenon 5MP and autofocusing) dahil lang sa mas malaking screen at faster reaction rate.
Pic taken using Shiny. This is my ever loyal toyfriend, Hush, ang Batang Gala.
Other features I liked:
* auto rotate screen - sakto pang Scandal... bwahaha
* GPS - ginawa para sa mga lakwatsero
* GPRS, 3G, WLAN, Bluetooth connectivities - sa mga mahilig "kumabit"
* basic useful apps - calculator, converter, barcode reader, notepad, PDF/Word/Excel/Presentation Reader, file compression (ZIP), file manager, blah blah blah
* FM radio
* huge internal and external memory (2GB card included in the package)
* covered camera lens
* auto focus camera and quick reaction/storage time (good for airsoft/basketball/"suntukan sa kanto" action pics)
* music and video player
Sobrang techy ng usapan, ansakit na ng ulo ko.
Sobrang mahal sya para sa iba. Para sakin, sulit na. I mean, c'mon, my 3650 lasted me around 6 years. This N82 will probably last me twice that much. Sa bilis ng depreciation ng celepono ngayon, tis better to push to purchase the latest model just so you'll maximize the depreciation rate. Kesa bumili ka ng mga nasa mid-tier phones then laos na ito faster than you can type "WER NA U. WET NA ME!" (Where are you? I'm already waiting!).
So yung mga may number ko dyan, kindly text me now and mag-pakilala naman!
3 Comments:
i already lost count of the funny things you wrote for this entry.
gad! bwahahahahhaha! tatawa na lang ako! ahahahhahahah
natakot ako kay hush. naku wag sya gagala banda dito samen.
gusto ko rin mag n82. talaga bang no regrets? kasi, inarbor na ng kapatid ko phone ko. gash. my phone ngayon. pwede na kaya lang hirap ako maghanap ng charger pramis. mabilis nga talaga ang dating ng new phone models. nakakatamad na maging updated. kaya nga ba parang nakukuntento na ko sa simpleng text and call lang.
may kwento din about dyan kay Hush, kung bakit siya batang gala and the reason behind the name. sa ibang post ko na lang yung kwento hehe.
Astig ang N82 (or maybe im just overwhelmed by the functionalities... biro mo from 3650 to N82!). Pero sa mga feedbacks na nakuha ko ang primary problem daw with the N-series phones was that it tends to hang on you when you got your memory jampacked with stuffs. Not much of a problem for me. Make it a habit to backup your files on your PC na lang then delete it from your handheld.
I'm still getting to know Shiny until now. Naghahanap pa ko ng bits na di ko magugustuhan sa kanya :)
First of all you posted so funny pics that i could not stop laughing. And yea even I lost count of the funny things you posted for this blog.
Post a Comment
<< Home