Arpee Tayo!
Saturday
Natulog ako ng up-to-sawa (hanggang tanghalian). Treat ko yan sa sarili ko dahil sa pagpupuyat sa Shak nung byernes. Nung hapon na, pumunta na ko sa tambayan sa Greenhills. Mga apat hanggang lima lang kaming tambay na nandun so nag-paayos na lang muna ako ng zipper ng backpack ko sa Quicky. May ginawang kung anong mahika si Manong Quick at ilang iglap lang, tadah! - ayos na yung zipper ng bag ko!
Aktong bubunot ako ng wallet ng biglang sabi nya wala na daw bayad yun. Hmm... di naman mukang bading si Manong. Di din naman ako mukang Parak para ilibre. So, ipinilit ko pa din yung bayad ko (pakyeme lang 'to). "Sige na Manong, kunin niyo na." Ayaw talaga. Aba, ayus. Me libre pa pala sa Earth.
Ginawa ko, turbo akong pumunta sa foodcourt ng Virramall tas bumili na lang ako ng Plato Wraps tsaka panulak (syempre umiskor din ako para sa sarili ko). Tas bumalik ako ke Manong. "Oh, Kuya, meryenda na lang muna." Ngisi na lang siya.
Warmachine game sa tambayan: my Circle Orboros army against Kei's Trollblood
Half of my Circle Orboros (Baldur the Stonecleaver) army
L-R: 2 Swamp Gobber Bellowers, 3 Shifting Stones, Baldur the Stonecleaver, Woldwarden, Woldwyrd
***my paint pots on the background... iL post more pictures of my army as soon as I got to finish painting them all!
The rest of the day went so so. I often hangout on weekends in my "laid back look"... sosyal na term sa "pormang iskwater"... tsanelas, tshirt na luma, shorts, and all (combo pa ang hindi inahit na balbas). That day, however, I was in my jeans and sneakers. I intended to watch a film, that's why. Kaso, tinamaan ako ng katamaran. So, iniwan ko ulet yung mga kolokoy sa tambayan and roamed around the tiangge area. Naka-iskor ako ng mga sumusunod na chechebureche:
* konyo polo @ Links - eto yung 3/4th's sleeves na "gusot mayaman" ang style... hapit sa katawan na komon na sinusuot ng bading o ng metrosekswal na lalake (na may 60% chance na maaaring closet bading din naman anyway). Trip ko mag eksperimento ng japorms once in a while.
* jersey ng Chelsea Football Club - Chelsea ang peborit team ko sa Premier League (football league ng UK). Kahawig ko DAW si Ashley Cole (Left Back ng Chelsea) sabi ng kalaro namin ng football sa Sydney. Tas ang isa sa mga Mid Fielder nila, John Mikel OBI ang pangalan. Angas. Pero si Frank Lampard (Vice Captain) ang idol ko sa grupo.
* medyas na low cut - pang sneakers pag naka shorts.
Sunday
Walang airsoft. So, natulog ulit ako ng up-to-sawa. Woooh!
Pagka-gising, niyaya ko ang Tribong Espiritu sa Robinson's Place-Malate ("Arpee" sa mga konyo... as in "tara cumm'on, let's go to Arpee naaaaah!"). Si Mommy Groovy, Ako, Bon Pengo, at Sponklong. Nagpasundo pa kami sa sundalo, kaso naputol ang selinyador. Wag mag-alala, hindi ko din alam kung ano yun. Kaya nag taxi na lang kami.
Nanood kami ni Sponky ng "The Spiderwick Chronicles". I'll write a separate film commentary about it. Sila Mami naman e nag ikot ikot. Nagkita kami ulet after the film showing and after ko malibot yung bagong annex ng Arpee. Naka-iskor ako ng mga sumusunod na chechebureche:
* dalwang maangas na caps @ Penshoppe - kinuha ko right out of the display stand yung isa. angas e.
* straw bracelet @ Juluca - mahal neto tangena. Kung hindi lang talaga ako nagandahan e. Napaka-tribal kasi ng dating e.
* dalwang Starwars books @ Power Books - may bagong series ako na kinokolekta e, set some years after the New Jedi Order saga. SPOILER: magiging Sith si Jacen Solo! (Belat sa spoiled!)
* eyewear @ i2i - tutubing salamin. Gagamitin ko pang akyat ng bundok sa March.
* cologne @ Prescripto - isa sa madaming rason para hindi maligo.
Matagal-tagal ang inikot namin ni sidekick Sponklong sa Power Books. Yun ang problema sa akin pag nasa bookstore. Parang gusto ko bilhin lahat ng libro. Parang kaya ko silang basahin lahat ng sabay-sabay. May super trip ako na reference material... guide siya sa fiction writing kaso gamahal at parang alam ko na rin naman ang mga basics ng nakapaloob dito. Still, gusto ko siyang basahin.
Kumain kaming mag-anak sa Teriyaki Boy. Patok talaga dun. Yub yub. Dun kami kinita ni Pinsan Idol at Techy Friend. Idinaan lang yung regalo niya sa kambal na nabubulok na since Christmas. Tas nakipag talastasan ng kabibohan, tas umalis din. Ang Tribo namin, dumiretso na sa grocery. Lakwatsa pa ulit kami ni Sponklong habang si Bon Pengo at Mommy Groovy e nagpaikot-ikot sa grocery.
Tapos yun, uwi na.
The End.
Wag na yung Monday. Ganun din lang. Tumambay lang ulit kami sa shop sa Virramall. Tas nagpintura ako ng mga miniatures ko. Sabay tambay sa Shak magdamag. Same'oh, same'oh.
*****
New photo album in my Multiply account:
God is Coming, Look Busy! (Click Me)
One of them cool UP-CFA wall designs...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home