Ang mga B.O.
Bon Voyage Bo!
I was in Blue Wave, Macapagal Highway last night nibbling pizza with my college best friends (the new shrimp-mango salad is a must-try!). We're having a despedida of sorts for Bo (Ramil), who'll be flying off to Toronto, Canada on the 3rd of February. Isang taon niya din hinintay yung opportunity... so good luck with it, bro! Sayang, he'll not be here on Valentine's Day. Valentine's Day kasi is also Tagaytay City's fiesta (or isn't it just the area around the Tagaytay rotonda??), and the barkada has this long-time tradition to spend time in Jay's house every fiesta. This year, malamang apat na lang kami sa tropa na makakapunta. Jay's place holds a lot of personal memories, and I know it's the same for the others too.
Anyway, see you in the future, Bo. I'll hop up there at the first sign of opportunity tas magtayo tayo ng basketball court sa kalsada para pang-international na yung basketball games natin. Hehe.
Ang remembrance ko sa kanya e binilihan ko siya ng first four books ni Bob Ong. Na out-of-stock pa yung "Stainless Longganisa" sa RP Malate e, sayang... isang set sana. That'll keep him from homesickness, hopefully.
Speaking of Bob Ong! Segue way...
B.O.: Live in Halo-Halo!
BUMISITA SA BLOG KO SI BOB ONG!!! I'm not effin worthy to speak thy name!!!
Woooh!! Wooot!! Idol, tuloy lang! Tambay ka lang... sagot ko halo-halo mo!
Last Wednesday kasi may comment-notification ako from an anonymous blogger. Gento nakalagay:
Anonymous said...
Salamat po sa pagbabasa! =>
-BO
B.O.! Yan ang gamit na monicker ni Bob Ong... siguro kapag nagtatago siya sa mga pinagkakautangan niya. Pero, pakshet... Bob Ong, man... Bob Ong! Woooh!
Galing yan dito sa January 11 post ko:
http://boyhalohalo.blogspot.com/2006/01/humayo-ka-bayani-huwaran-ka.html
Actually, kahit sinong herodes naman kaya mag post ng ganyang comment at magtiyagang magpanggap na si Bob Ong (para paligayahin ako??!? weird!). Pero pinuntahan ko yung Stat Counter ko tas nag-review ako ng mga pinang-galingan na links ng mga bumisita dito sa blog ko. Isa na dun itong isang google search sa title na "Stainless Longganisa". Pakiwari ko, si idol na yun. Bumabaybay sa internet at minamatyagan ang kanyang mga nasasakupan. Kinikilabaktutan ako at ramdam kong siya iyon. Ito yung ginamit na search string...
http://www.google.com/search?q=%22stainless%20longganisa%22&hl=en&lr=&start=30&sa=N
Nasa ikatlong result-entry ang blog ko. Basta astig. Manong Bob, pa-autograph ng koleksiyon ko! Tas gawa tayo ng collaboration! Kahit pa-kape lang at pa-pandesal ang bayad sakin... pwedeeeee!
O'rayt!
7 Comments:
waw. swerte naman. binisita ng idol mo ang blog mo. kelan pa kaya bibisitain ni chito miiranda yung blog ko? hehehe
naintriga tuloy ako sa bob ong books na yan. tungkol san ba yung mga libro niya? :)
wow, astig naman!
mga friends ko din dapat bibili ng stainless longganisa eh lagi namang out of stock!
haneeeep. :)
makataong lelen: korek. bob ong rocks, man. lagi ko nga siya regalo kahit saang okasyon. kahit binyag! nyahaha. o, inaanak. pag laki mo basahin mo to ha. nyahahaha. joke.
makataong lica: sari saring patawa e. not the type na "ano ang tawag sa pusang bansot?" "e di cat-titing!" nyeK! hehe. hindi ganun. tamang narrative siya pero nakakatawa. basta you should try his books. pramis, no regrets. ;)
makataong claud: hey hi Claud... long time ah. sa mga national books store madali maubos e. try powerbooks. mukang astig pa siya kesa sa first book!
i remember getting hold of his first book. pero di ko maalala kung dito ba yun sa dumaguete or some place else. at first, kala ko children's book, pero nung tiningnan ko, di pala so naintriga ako. nagdalawang isip pa nga ako kung bibilhin ko o hindi but i ended up not buying it kasi makamadissappoint lang ako...grrr...shouldve bought it!
glückwunsch kaka!!!
pati idol mo dumalaw sa iyo! kasuwerte mo naman.
sa blog lang nga pala ako ni fafatoy pumunta, hehe. next year pa ako uuwi.
nasa Batangas siya ngayon, vacation. di ba fiesta ng Lipa City? bertday din ng nanay niya.
okej, schönes wochenende (happy weekend) na lang.
^^tschüss^^ (bye)!
koya obi! :) grabe. kainggit naman. :) siguro ang saya saya saya mo talaga (ramdam ko sya habang binabasa ang post mo) sana ako din pala nag post tungkol sa stainless longganisa. hehehe tapos ko na sya basahin last week pa. :)
SARAP NAMAN NG FEELING NA ANG TAMBAY MO AY ISANG BOB ONG!!! :)
lica lics: awk. sayang. head back to the bookstore din :D punta ka dito ibibili kita pwede din. hehe.
racky raks: ah yes! fiesta nga ng Lipa! hindi nga ko nakauwi e sayang. sarap pa naman ng tsibog dun pag fiesta. first time ko lang di makapag celebrate ng fiesta dun. nararamdaman ko na unti unti na ko nalalayo sa Batangas. huhuhu. tschüss!
joycey joyce: asyempre. sa totoo lang napa tumbling ako dalwang beses. isa lang pala. cartwheel lang pala yung isa. hehe. basta astig di ba. ang kulit.
Post a Comment
<< Home