Humayo Ka Bayani, Huwaran Ka!
Matapos ang matagal na paghihintay... makaraan ang berde, dilaw, itim, at orange... inilathala na ang ikalimang kulay... PUTI!!!!
"Stainless Longganisa" by Bob Ong (i'm not worthy to speak thy name)!!!
Idol ko si Bob Ong (i'm not worthy to speak thy name). In fact, bayani ko siya. Kung ang Pasong Tirad ay may Gregorio del Pilar, ang mga jologs ay may Volta, at si Madame Auring ay may Archie... ako naman ay may Bob Ong (i'm not worthy to speak thy name)!
Kaya kahapon, pagkatanggap ko pa laang ng text ni Ayn na available na ang ikalimang libro ni idol... nagmamahagupit akong kumaripas sa bookstore para bumili ng sariling kopya. First time kong hindi kumain ng kwekwek sa baba ng office para maabutan ko laang ang bookstore bago magsara. Sana hindi magtampo si Manong Kwekwek ngayong alam niya nang pangalwa laang siya sa aking mga priorities.
Pagdating sa bahay, sabay sabay naming binuksan ng aking mga kapatid ang obra ng maestrong Bob Ong (i'm not worthy to speak thy name). Sabay sabay kaming naluha habang binabaybay ang mga pahina ng dakilang akda. Haaay, isa siyang alagad ng sining at ilan lang ako at sampu ng aking mga kapatid (apat lang talaga kami) sa mga pinalad na nagmay-ari sa isang di matatawarang komposisyon.
Astig. Four thumbs up (sama hinlalaki sa paa). Bravo with standing ovation and whistle ala "Tweeeeeweeet!". Galing. Timeless masterpiece. Riot. Cool. Ang gara. Heaaavy, man. Wow.
Gusto ko sanang magbigay komentaryo sa napood kong "Narnia" nitong Linggong nakaraan pero sadyang starstruck pa ko sa pagiging proud owner ng isa na namang libro ni Bob Ong (i'm not worthy to speak thy name) para magsulat ng iba. Bumili na kayo. Hanggat di pa huli ang lahat.
Madadagdagan na naman ang disenyo sa aking altar.
OO, santo ko si Bob Ong (i'm not worthy to speak thy name). Patron ng Mga Astig na Manunulat. Gabayan niyo po kami.
Amen.
12 Comments:
taga Fernando Air Base ka ga? Pinsan mo ga sina Lea, kapatid ka ga ni Wilvin Parcon?
kuya obi, at last nabasa mo na rin! yung kopya ko dinayo ko pa sa visual print sa makati last december (sobrang atat magbasa). e di makaka-relate ka na sa sundot-kulangot. ha-ha!!! ;-)
Yeah I saw that book na. kaya lang hindi ko pa sya nababasa. hanggang ngayon nagtatalo ang isip ko kung bibili ako ng sarili kong kopya o hihintayin ko na lang matapos yung kapatid ko. pero next week, pagsweldo bibili na ako! :) Idol ko din sya. kelangan ko na ngang bumili nyan. kelangan ko ng inspirasyon. me article kasi akong for submission, sa knya ako huhugot ng inspirasyon... kay Bob Ong... na akin ding idolo. :)
ka atoy: ako ga? hehe. taga duon ako dati kaso napirmi na kami dine sa Maynila. lasa ko'y pinsan ng ama ko iyang si Leah at Wilvin. mga taga Dallas iyan sa Air Base. Si Leah e yung mistisang maganda na taga La Salle. E nasa lahi naman ang kagandahan e. Ehehehe. Pano mo ga sila nakilala?
ka mai lyte: nyahahaha... sundot kulangot!! peborit ko yung nung bata pa ko e. hehe. di ko pa binabasa e para suspense. :D
ka joyce: ako man, nauna nang binanatang basahin ng aking mga kapatid. hayae na, wala pa naman ako sa mood magbasa kaya mauna na sila. me binabasa pa kasi ako e. gusto ko e relak na relak na ko pag inumpisahan ko basahin. sa ngayon nasa altar ko pa laang yung libro. hehe.
mga estudyante ko sila dati noong nagtuturo pa ako sa lipa. kamukha mo kasi si wilvin kahit hindi ko pa nalalaman iyo apelyido dati sapantaha ko kamag-anak mo siya.
batchmate ko sa airbase sina joel de villa, raymonmd elepante at yong anak ni luther na si gerry custodio,puro mga airforce official.
lasa ko mga estudyante naming nagmilitary ay sina rodel macasaet at si dexter macasaet, mas ahead sila sa iyo kasi 30 something na sila.
bah, at nagkatagpo din sa wakas ang hari at prinsepe. hehehe
buti naman.
bilib na bilib din ako kay Bob Ong!
isang lang ang nabasa ko na sinulat niya "Ang Tanging Ina" ba yon?
pag-vacation ko, hanapin ko lahat ang mga sinuat niya.
ka atoy: yep... familiar lahat nung mga officials na nabanggit mo. san ka nag turo? either kasabayan ng mga officers na yan ang dad ko or ahead dad ko ng konti. name ng tatay ko e... "richard". pamilyar? siya yung batang shine-boy na pakalat-kalat dati sa air base naninirador ng mangga. piloto na siya ngayon. di ko din alam pano nanyari yun. hehe. sa airbase din kasi siya nag elementary at highschool so most likely kilala nyo. nag reunion nga pala sila last Dec 30 sa FABES.
ka neneng: hehe... prinsipe nga laang ako lasa ko. ang books ni Bob Ong in order e... ABNKKBSANAPLAKO (green), Bakit Baligtad Magbasa ang Mga Pinoy (yellow), Paboritong Libro ni Hudas (black), Alamat ng Gubat (orange), at Stainless Longganisa (white). Very humorous siya. Gandang pang regalo... tatawa ka mag isa. Pramis. You should get all the books when you got here.
hay...buti ka pa me copy na ng " stainless longganisa"..kainis naubusan ako dito sa baguio....dadayo pa ako manila para lang makabili..wakekekek
yun lang!! =)
ano ga? wish ko lang bday ko na para masuplayan mo na ako ng books, tootsie, hehe! :P
Salamat po sa pagbabasa! =>
-BO
WOW. idol?? ikaw ba talaga yan?? asteeeeg! (^_^)\m/
wooot! wooot!
salamat sa pag tambay... balik balik ka lang. on the house lahat ng halo-halo mo!
white rabbit: sana bukas berdey mo na. hehe.
Post a Comment
<< Home