Drink Moderately
Nagulat ako sa "hits" ko nito lang last week. Dati, tumatama lang ng bente hanggang trenta... ay teka, baka may mga batang hindi makaintindi... dati, tumatama lang ng 20 hanggang 30 (ayan!) ang mga "hits" ng blog ko araw-araw. Lately, lalo na last weekend, mababa na ang sisentang (60 yan kids) bisita sa isang araw. Ang gara no? Ang totoo nyan wala ako pakelam sa "hits" ko... me magbasa man ng blog ko o wala. E bakit kwento ako ng kwento tungkol sa "hits" ko? Kasi gusto ko magkaron ng rason para uminom. Bakit gusto ko uminom? Para magkaron ng transition papunta sa gusto ko talagang isulat.
Ok, game... segue way na...
Napag-usapan lang din naman ang pag-inom, here's one cocktail that will sure you guys would enjoy... lalo na pag medyo nagtitipid tayo. I got this mix from my Justice League tropang Dan and it's a great substitute for, what has been earning fame on the liquor department lately, choco-flavored spirits! Bailey's came to mind first. Oks to sa mga girls kasi they will not have to withstand the tang of hard-liquor but still feel the same effect of drinking one. Minsan, mas mabilis pa nga malasing sa gentong klaseng beverages kasi hindi mo namamalayan na nakakarami ka na ng inom dahil parang umiinom ka lang ng Magnolia Chocolait. Pang-girly talaga, so to speak.
Anyway, this concoction is actually a rhum coffee but since this has been the all-time favorite beverage during our condo days sa unit ni Dan the Flash, I'd rather call it the Flash Bang!
Flash Bang
by Bartender Obi
Ingredients:
2 bottles of Tanduay Rhum ("lapad" sa mga tambay)
1 small can of Alaska Evaporated Milk ("ebaporada" sa mga ina)
1 sachet of Great Taste Three-in-One Coffee (yun gang meron nang kape-creamer-gatas. narinig nyo mga tamabay? ang laman ng 3-in-1 ay kape-creamer-gatas hindi kape-creamer-asukal at lalong hindi kape-creamer-Ovaltine... oke?)
sandamakmak na yelo (tube ice para mas konyo)
isang pitsel ng tubig (wag NAWASA)
Preparation:
1. Kumuha ng pitsel. Mga 1 and 3/4ths na dangkal ang taas at 3/4ths na dangkal ang diameter. Wag higante o unano ang pagdangkalin.
2. Ibubo dito ang dalwang bote ng "lapad". Isunod ang lata ng ebaporada. Haluin.
3. Lagyan ng tubig ang pitsel hanggang sa kalhati lamang nito.
4. Ibubo ang 3-in-1 coffee at haluin hanggang matunaw ang mga granules. Para walang latak.
5. Lagyan ng tamang dami ng yelo at haluing muli.
6. Tikman, at dagdagan ng angkop na tubig hanggang sa makuha ang mala-tyokolateng lasa.
7. Tumoma. Wag malakas sa pulutan. Hehe.
11 Comments:
parang ang sarap naman nyan :) mas murang version ng baileys :)
bah, iba-iba ang trip mo ah!
naging bartender ka naman ngayon.
mukhang masarap yan. di ko na pala kailangan mag-uwi ng alak sa next vacation. gayahin ko na lang ito. hehe
that means sikat ka na, obi! you have fans na...!ano kaya ang taste ng flash bang...
hmmm... interesting. ma-try nga sa susunod na tomaan... ;)
hi joyce: yessh. medyo kelangan lang ang magtitimpla e may idea sa lasa ng Bailey's para alam nya when to stop putting more water. basta pag matapang pa lasa ng rhum, lagay lang ng tubig AT importantly, haluin muna bago tikman. nagsesettle kasi sa ilalim minsan yung 3-in-1.
hi racks: you should try it. surprise your friends here. biro mo gagawa ka ng pang Pinoy tambay na cocktail kahit "sprechen se Deutch" ka. hee hee.
hi acey: hehe... if my memory serves me right, di ka pa legal age uminom, acey. =D
hi yax: game! basta remember yung mga sinabi ko ke joyce sa taas. mahalaga kasi yung pag add ng water kasi yun yung magpapatabang ng lasa.=D better yet start with 1 lapad lang muna.
sounds good..too bad i don't drink at all but i'll surely list that on our 'bar' cocktails..my sisters will love that! =)
happy drinking!
Gelo's Taho:
One bottle of beer
Two shots of Matador
One cupful of Chucky Chocolate
One shot of Baileys
arggh -- lights out for 5 hours
:D
-Badbeef
hi Pobs: o di ba... surprise your sisters with a cocktail even when you're not drinking. hehe.
hey Gelo: that concoction was patented for your sole consumption! eeeek. id rather chug Patis! hehehe.
Gusto ko nga sanang ma try yang bagong gimik mo pero medyo nakakatakot naman yata ang Tanduay. Parang di ko pa carry ang mga ganyan. Baka paggraduate ko na, pag pwede ko nang patayin ang brain cells ko hehehehe
Yuuuum. Mukhang masarap yan koya ah! Magawa nga memya ;)
hi lica: korek! aral muna bago inom! yang pag aaral nakakasira talaga ng toma yan e. hehe. although i guarantee that you will not taste a hint of Tanduay if it's prepared as intended. ;)
hi den: hehe balitaan mo ko ng resulta ha.
Post a Comment
<< Home