Mga Alamat ni Lolo Boyong
Noon unang panahon, lampas pa sa panahon ng Hapon, sa malayong kaharian ng Macarena, may isang gulay na nagngangalang Ampalaya. Ang balat ni Ampalaya ay sadyang anong ganda. Makinis parang gumamit ng ilang libong Silka. Ang kinang nito'y hinahangaan ng kahit sinong gulay. OO, kahit ng Labanos... na noo'y namumutla mula ugat hanggang talbos.
"Ampalaya! Amplaya!" sambit ni Labanos dahil sa kakatwang kadahilana'y lahat ng gulay at hayop sa mga alamat ay nakakapagsalita. "Balat mo'y anong ganda!"
"OO! OO! Alam ko, pake mo!" ang sagot ni Ampalayang palalo.
Balat niya'y sinasamba. Balat niya's kinaiinggitan. Pero ugali ni Ampalaya, ay oh anong sagwa. Lahat ng gulay sa Macarena'y imbiyerna.
Minsan isang araw, isang araw minsan. May naligaw sa kaharian ng Macarena, isang pangit at bilasang Mustasa. Sa hindi sinasadyang pagkakataon, natalisod siya sa nagdaraang Ampalayang naka-pantalon (gusto ko lang mag rhyme).
"Aray! Aray! Tumingin ka sa daan mo, Mamang Kulubot!" ani Ampalaya. Hala, Mustasa lagot!
Uupakan na sana ni Mustasa ang gulay na pahara-hara. Ngunit, datapuwat, subalit ng kanyang lingunin ang salarin... "Aba! Aba! Dalagang kay ganda!"
Tumaas ang kilay ni Ampalaya, kung papaano'y hindi ko maipinta. "Tsupe! Halis! Ang balat mo'y hindi bagay sa makinis!"
"Dapat sa iyo'y nilalagyan ng kahoy sa katawan, at gawing walis!"
Nasaktan si Mustasa sa tinuran ng dalaga. "Bakit, oh bakit? Waring pag-ibig nama'y sulit. Sa iyo lamang iaalay, at hindi titingin kahit kaninong gulay!"
"Ano yang bukang bibig? Aanhin ko ang pag-ibig? Kung ang balat mo'y kulubot, baka kinis ko pa'y mahawa sa tulad mong salot."
Napahiya si Mustasa sa noo'y nanonood na madla. Aba, ang lugar ay nag mukhang live na cinema - inaabangan ang susunod na kabanata.
Si Mustasa'y naiyamot. Ilong niya'y nag-umusok. Balat niyang kulubot waring biglay' sumabog!! Kumalat ang ulap. Ang buong madla'y napagilalas! Sa gitna ng alapaap, may duwendeng lumabas!
"Si Mustasa! Si Mustasa! Diwata pala!" sigaw ni Mani mula sa umpukan ng madla.
"Tanga! Tanga! Duwende, hindi Diwata!" panghahamak ng may akda (extra ako, hehe).
"Churi! Churi! Tao lang. Ahihi, " tawa ni Mani. "Balik na sa kwento para ika'y sa wakas makauwi!"
"Dahil sa iyong ugaling pagkasama, nanakawin ko sa iyo ang pinagyayabang mong ganda!" sumpa ng nagkunwaring Mustasa. Kumumpas siya't nag orasyon at paligid ni Ampalaya'y inambon.
Nang maglaon at tumigil ang ambon, ang lahat ng kagulayan ay namangha! Si Ampalayang diyosa ang turing... aba, aba at kasing kulubot na ni Madam Auring!
"Iyan ay kaparusahan sa ginawa mong pag hamak sa akin," ani ni Duwende sabay naglahong parang hangin.
Wala nang nagawa si Ampalaya kung hindi lumuha. Pinagyayabang na balat, ngayo'y anong kulubot na. Lumuha siya sa loob ng isang libong gabi at isang libong umaga... kaya ang karanasan niya'y naging mapait. Iyan din ang rason kung bakit lasa niya din ay ganun kapait.
Eto ang dahilan kung bakit magpahanggang ngayon, ang balat ni Ampalaya ay kulubot parang alon. Diyan nagtatapos ang aking kwento. Ang aral? Huwag antukin sa trabaho.
BOW.
edited 10/5/2007
10 Comments:
Galing ng istorya mo meyn! =) nawala antok ko..teehee!
nyahaha! hayup sa title, hayup din sa ending! ang ganda ng moral lesson, panalo, hehe! ;)
kakaaliw tong kuwento mo, panalo, hehe! :P
@ate ni Gwacie: hehe. pesteng antok kasi yan naimbento pa. =) - kaopisina ni Gwacie
@ati Jell: hehe pesteng antok kasi yan naimbento pa. =) - koya obi
*inulit ko lang ata ah.*
nyahahaha.
asteeeeeeeeeeeg!!! hahahahaha di ko kinaya ang kwento mo! bat di mo pagkakitaan ang talent mong yan?
gusto ko nga sana mag apply sa Adarna Publishing eh. ahihihihi.
o kaya magpopropose ako sa GMA na i-revive ang Batibot. ako script writer. nyahahaha.
poocha ganyan pala ang storya ng ampalaya he he he...
may mapupulot pala na moral lesson sa storya ng ampalaya kaya masustansya din siya kainin hik hik hik lol :D
Ay Koya para maganda yang iniisip mo na mag apply sa Adarna Publishing... pero masmaganda siguro kung sa DARNA ka nalang mag apply mas astig dun bwhahahaha lol :D
ganda...pwdeng ipantapat ke BOB ONG
koya larr isa lang masasabi ko... mas siga na Darna si Katrina Halili! woooh! \m/ ^_^ \m/ hehe.
@emjay.... may altar ako ni manong bob sa bahay. nyahahaha. mentor ko yun. =)
char lang... hindi namin nagustuhan pre!!!!!
ang boring....hahahahahahahahahaha
Mga ulol tang ina nyu fuck shit bullshit mabitch.:P :D
Post a Comment
<< Home