Pinilakang Republika ng Pilipinas
Astig ng rally sa baba. Ngayon ko lang nakita ang kalye ng Ayala na parang kanto sa village namin sa Batangas. Ang daming kalat tsaka parang eskinita sa Divisoria sa dami ng tao. Kakadating ko nga lang dito sa office dahil bumili ako sa baba ng inihaw na pusit tsaka pishboL.
Hindi ko napigilan humalakhak mag-isa kanina nung napadaan ako sa likod ng entablado na pinagdadausan ng welga, mga ilang oras na ang nakakalipas. Parating pa lang si Susan Roces nun. Mantakin mo ang introductory words sa kanya ha...
"ANG DAKILANG MAY BAHAY NG HARRRI NG PELIKULANG PILIPINO! SUSAN ROCES!"
E ano ngayon kung siya ang asawa ng hari ng PELIKULANG pilipino?
Pathetic!
Super elated pa at gumagaralgal yung boses ng announcer para lang ma-emphasize yung intro. Eh anak ng puta, hindi niya alam na katawa-tawa yung sinasabi niya. Ano kinalaman ng pelikula sa gobyerno ng Pilipinas? Pag hari ka ba ng showbiz e emperador ka na ng Pilipinas?
Kaya nagmumukhang komedya ang gobyerno dahil pag sikat ka at maraming kang pelikula, kumandidato ka't mananalo ka. Hindi ako against sa demonstrasyon nila sa baba. Mas lalong hindi ako pabor sa pandaraya nung unanong nasa kapangyarihan. Pero gaya na rin ng sinabi ko dati, kung gagawa lang din sila ng gulo, mag-aalay ng dugo, pawis, at creativity gumawa ng makulay na rally banner, e sulitin na nila yung pipiliin nilang kapalit. Hindi yung hihila sila ng may pinakamabangong pangalan tapos siyang gagawing dakilang komedyante ng Pilipinas.
May bahay ng HARI NG PELIKULANG PILIPINO. Comedy ampucha. Kaya hindi na ko magtataka sa isinulat ni Bob Ong na balang araw magkaka-puwesto sa gobyerno si Tootsie Gueverra at magiging Papa sa Roma si Donita Rose.
Kaya maraming sumasali sa Starstruck at SCQ e, para maging pinuno ng Pilipinas balang araw.
Iba ang style ko.
Magtatayo ako ng kulto.
3 Comments:
sali ko sa kulto mo, pde? hehe
sali lahat! libre entrance. hehe.
angas!!! ehehehe... sali ako sa kulto mo huh?!! ^_^ piz!
Post a Comment
<< Home