Justice League: Roadtrip Ilocos - Part Deux
Sa pagpapatuloy...
Wala pa din yung underwater pics namin. Mas astig yun eh. Ibig sabihin may part three pa.
Anyway, continuing the events in Paoay, habang abala ang lahat sa pagkuha ng litrato ng simbahan (kunwari lang. dahil panay mukha nila ang lumabas sa digicam, afterwards), may kung anong pumasok sa kukote ni Dan at inakyat yung isang malaking puno sa tabi-tabi. Eto rin naman at sumunod din ako... at sumunod na din ang nainggit na si Wacha at Man. Todo picture gallore sa taas ng puno ng biglang umasim ang ngiti ko nung nagkasawaan na magpalitrato. Eto na nga bang sinasabi ko... pano kami bababa?!
Payag na ko... galing ang tao sa unggoy.
Nauna si Dan na ala-Dante Varona na tumalon sa pagkataas na sanga pababa. Walang galos! Ngitian yung mga usisero sa kalapit na bahay na kanina pa pala ginagawang komedya yung kalokohan namin. Sabi siguro ng mga yun tignan mo yung apat na itlog, marunong umakyat hindi marunong bumaba. Anyway highway, next si Wacha... na magilas na nakahanap ng mga butas na tatapakan pababa. Dyan ka magaleng! Basta sa mga butas! Ehehe. Peace.
Eto ang highlight. Ako na! Nanginginig kong tinungo yung dulo ng isang malaking sanga. I'm innately afraid of heights. Kaya nga ata hindi ako sumunod sa yapak ng tatay kong piloto. Namili ako: mag ala-aksyon star katulad ni Dan o mangapa ng butas tulad ni idol Wacha? Nakita ko ang mga mukha nila... si Dan na sumisigaw ng "talon na! talon na!", si Aynz na nagtuturo ng mga tatapakan ko pababa, si Wacha at mama Ruth na abala sa pag-ngisi habang kinukuha sa handycam ang buong pangyayari, si Man na noo'y nasa puno pa din hawak ang kamay ko para gamiting lubid pababa, at siyempre ang mga hinagupak na usisero sa paligid na nag-aabang kung ako ba'y mababalian ng buto o mauubusan ng dugo. Bwisit yung mga yun, parang nanonood ng slapstick. Andami ko nang inakyat na puno nung kabataan ko... kulang lang na ko sa paraktis. =)
Sa huli, matapos ang ilang masusing pagplano, nagawa ko namang bumaba (me kasamang isang gulong sa lupa).
Obi, Wacha, Ayn, Dan, Man
Next stop, Fort Ilocandia and MalacaƱang of the North. Eto yung tinirahan nila Marcos nung panahon ng mga Hapon. Ehehe, tama ba?
After nun, kumain kami sa La Moda sa Laoag. Sikat daw na pansitan yun eh. Kumain na kami dati ni Dan dun nung unang punta namin and as usual like before, hindi naman kami ipinahiya ng La Moda. Astig pa din pansit nila. Bilog ang tiyan kong nag grocery ng mga gamit at beer namin (or ni Man lang) para sa Pagudpod. Tapos, hit the road ulit!
Stop over number four yung Windmills ng Ilocos Norte. 11 ata yun na giant wind power plants. Ganda ng site from the viewdeck.
Pang-Friendster
Pagabi na ng dumating kami sa Pagudpod so after arrival nag barbecue na lang kami and kumain. Konti lang yung tao. Actually, pangalwang group lang ata kami that day sa resort na yun. Asa pa. E Monday na nun tapos gabi pa. Matapos kumain e yung favorite activity na ni Norman. Yung golf. Ilabas na ang mga San Mig Lights! Golf! Golf! Golf!
Guess who dropped by the next day.
Pareho kami ng posing ni Heart. Pareho kami ng abs ni Echo. Nyahaha. Dream on.
Katapat lang namin yung kinuha nilang cottage and mga PA's and drivers lang kasama nila. Siyempre parang matagal na kaming magkakakilalang nagkwentuhan. Galing daw sila sa shoot ng Panday somewhere in Ilocos Sur tapos nag decide na lang na mag beach din. Palagi ko na nakikita si Heart sa Glo, minsan nakakasabay ko pa magpagupit sa Fix... pero ang astig ng dating nya ngayon. Panalo.
PWEEDEEEE!!!
Activities namin that day after nila maglangoy (yep, sila lang. nag ala KJ ako at tinamad mag swimming) ay patintero. Hindi kami maka-focus sa game though kasi si Heart nag bilad na ng katawan e. Kulang na lang popcorn tsaka softdrinks pwede na naming gawing sinehan yung beach at panoorin na lang siya mag hapon. Panalo talaga. Tsk tsk.
Tanghali na nung nag prepare kami pabalik sa house nila Dan sa Ilocos Sur and eventually pabalik ng Manila. Before heading straight to Sinait though, we stopped by Ferdinand Marcos's mausoleum first. The crypt was creepy. Amoy formaline na sa paligid and even the late President was like a wax model na. That's because the corpse is really a wax model although inside it was still Marcos's remains. Sana payagan na siya ilibing sa Libingan ng Bayani. Kawawa naman.
After that, derederetso na kami pabalik kila Dan. Dun na kami nag lunch before hitting the road to Vigan for our final destination before going back to Manila.
But, that will be reserved for my next post on Monday. So ciao for now and abangan ang mga kapanapanabik na tagpo sa...
ILOCANDIA SA KUKO NG AGILA
*fade camera*
*play instrumental*
*roll credits*
0 Comments:
Post a Comment
<< Home