Justice League: Roadtrip Ilocos - Part Tatlo
Sa pagpapatuloy...
Sinapit namin ang Vigan matapos bumili ng tig-isang empanada sa Sinait, isang oras mahigit na ang nakakalipas. Sa kadahilanang hindi maipaliwanag, tatagal ng mga apat na oras mahigit pa bago tuluyang maisa-tiyan ang mga empanadang yaon. Bitbit ang mga empanada, naglibot-libot kami sa Heritage Village at namili ng mga souvenirs (hindi souvenir yung mga biniling beer ni Man pero bumili pa din siya, nevertheless).
Kunwaring kumagat. Tatagal pa ang mga empanadang yan ng limang oras.
Ang nabili ko ay miniature model ng inuupan naming waiting shed (children, it's waiting shed hindi waiting shade ha) sa ritrato sa taas tsaka tshirt. Marami ding antik na gamit na mabibili & ansarap sana bumili ng isa at i-display sa barracks ko sa bahay kaso naiisip ko yung mga napapanood ko sa Regal Shocker. Baka may maiuwi akong masamang sumpa o espiritu. Nyaykupow.
Nung medyo umaangal na yung memory ng digicam sa sobrang dami na ng ritrato namin, naisipan na namin magtuloy ng lakbay pa-Maynila. At gaya ng nasabi - matapos ang isang pa-gasolina, isang tigil para bumili ng longganisang Vigan, mangilan-ngilang hikab, at isang tigil para bumili ng mga pasalubong sa mga nag iintay na buwitre sa Manila - nakain din namin ang mga empanada sa wakas. Nasa bandang La Union na kami nun. Stop over lang.
Los Bolitas: Don Randello dela Bandera, Senyor Normando de Abante, Caballero Ricardo Pardo y Remate, Maestro Danilo el Bulgar.
Nakarating kami ng Manila around 2am na. Thanks God para sa masayang trip and safe na biyahe.
Marami kaming natutunan sa tour na yun. Every roadtrip naman namin ay educational e. On top of the list, and isa sa pinaka-mahalaga naming napag-aralan, ay ang katotohanang lumulutang sa tubig ang itlog na bugok. Napatunayan namin to nung time na nag-underwater pictorials kami sa Sinait. Eh pagkaaaahirap-hirap sumisid! Lalo na yung part ng lower torso namin & pababa, kay hiiiirap hilain pailalim ng tubig. Pano, lumulutang nga pala talaga sa tubig ang itlog na bugok.
Yung isa naman naming tropa na hindi nakasama, ang palusot wala daw siyang maiuuwing suka na pampasalubong. Kaya pinasalubungan na lang namin ng customized na suka. Natutunan kasi namin na "Pag gusto, maraming paraan; Pag ayaw, walang suka."
From JL, with love.
Last but not the least, natutunan namin na malapit si Man sa mga ladies na more mature than him. Kitams mo nga naman, paalis na lang kami kila Dan sa Sinait may nagka-crush pa sa kanya. Ang pag-ibig nga naman, hindi mo alam kung kailan ka tatamaan. Napaka-bilis ng mga pangyayari and the mutual feeling was instantaneous. Napahanga tuloy kami sa charisma ni Man.
Presenting, Ka Toyang...
"Love Moves in Mysterious Ways"
Ika nga ni Elly... "They try to tell us we're too young... Toyang to really be in love!"
Ayus!
Pero paramis nagka-crush talaga kay Norman si Manang Toyang, walang stir. Pag daan ni Man sabi ni Manang (in Ilocano), "Ay sino ga ire, pagka-gwapo eh."
Ehehe. Katay.
Kaso ayaw pagbigyan ni Man. Isang kiss lang e.
Bye Toyang! Till we meet again! Aguy aguy!
iL just post the underwater pics when they became available. hek hek hek.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home