Diksyunaryo ni Lolo
Marahil para sa malulupit sumubaybay dito sa aking munting tambayan (kung mayroon man) ay nakita na nila ang ilang mga teksto na hango sa Diksyunaryo ni Lolo - mga kakatwang salita na pilit isinalin sa salitang mas maiintindihan ng nakakaraming masa.
Tunghayan ang ilang salitang nagbigay ng inspirasyon para sa paglilimbag ng Diksyunaryo ni Lolo:
Abuloy - bayad sa nahigop na kape at nanguyang biskwit sa nilamayang sakla.
Akala - alam na alam daw.
Aginaldo - inaasahan na makukuha sa araw ng Pasko na mas okay sana kung pera na lang.
Bakasyon - sandaliang pahinga sa trabahong hingal lang ang pahinga.
Bakit - tanong na laging mahirap masagot.
Bakya - tsinelas na may takong.
Baga - lutuan ng mga hindi makabili ng microwave.
Bagoong - masarap na ulam ng mga walang maiulam.
Baldado - hindi mamamatay-matay na mukhang hindi na mabubuhay.
Bale - suweldong inutang.
Kaaway - ikli ng 'kaibigan na inayawan.'
Kababata - dating gelpren na may ibang boypren.
Kabag - utot na naipon sa tiyan.
Kabayo - hayop na sinasakyan ng kalesa.
Kalbo - gupit ng buhok na hugis itlog.
Dalaginding - dalagang hindi pa nagsusuot ng bra.
Dilim - liwanag na maitim.
E - ireng paseksi.
Gahasa - romansang walang ligawan.
Ginang - asawa ni ginoo na mukha nang tsimay.
Ginoo - inaasawa ni ginang na may inaasawang iba.
Gipit - kalagayan ng tao na suki na ng sanglaan.
Ha - sagot ng nagbibingi-bingihan.
Halakhak - tawang bukang-buka ang ngala-ngala.
Handaan - magdamagan na palakihan ng tiyan.
Handog - bigay na laging may kapalit.
Hipo - haplos na may malisya.
Hudas - tapat na manloloko.
Ibon - hayop na lumalangoy sa hangin.
Imposible - pagtaas ng unano.
Insulto - walang hiyang biro.
Isda - hayop na hindi nalulunod.
Ita - negrong Pinoy.
La - ikli ng 'lalalalala' sa kinakantang hindi maalala.
Lalawigan - syudad ng kahirapan.
Langaw - kulisap na bangung-bango sa amoy ng basura.
Ma - tawag sa gelpren na mukhang nanay na.
Malusog - hitsura ng tumatabang balat.
Mama - tawag sa sosyal na ina.
Mano - kaugaliang Pinoy na nakapupudpod ng noo.
Mantika - katas ng piniritong taba.
Maybahay - asawang utusan sa bahay.
Nakaw - pagkuha ng walang pasabing 'akin na lang ito.'
Naku - ikli ng 'ina ko, ina na ako.'
Nitso - bahay ng mga patay.
Nobya - gelpren na laking probinsya.
Ngalngal - iyak ng walang ipen.
Ngisi - tawang tulo-laway.
Ngiti - tawang labas ipen.
Paa - bahagi ng katawan na amoy lupa.
Paaralan - dito itinuturo kung ano, alin o sino ang mapipiling bobo.
Panata - dasal na nakatataba ng tuhod.
Regla - masungit na panahon ng pagkababae.
Sabon - mabangong bagay na ipinapahid sa mabahong katawan.
Sakristan - alila ng pari.
Sampal - haplos na nakatitigas ng mukha.
Ta - ikli ng 'tita' o lalaking may bra.
Tamad - taong hindi napapagod sa pahinga
Abangan ang paglilimbag ng Encylopedia ni Lola.
5 Comments:
nice vocab, hehe! :P
dami pala masyado. sana lang maisaulo ko by heart ang mga yan, hehe! :P
pero ito ang pinaka-fave ko sa lahat:
E - ireng paseksi. haha astig! ;)
wahehehehe! :D
dami kong natutunan dun ah.. :)
di na ko makapghintay sa encyclopedia ni lola! ;)
ahaha!!
astig.. cno awtor (eherm =D) nyan?
wakeke
kaya lagi akong nawiwiling pumunta dito eh. walang kasing educational ang blog mo. iba ka!
konting pilit pa, sasali na ako sa kulto mo. hehe...
@ate jell: bagay sa yo. E! nyahaha.
@uLan: sali na sa kulto ko!
@yashu: astig. tis from an office thread a couple of months ago. Laugh trip. =)
@ate tins: ayus. P.R.O. ka sa council ng kulto ha. ehehe.
Post a Comment
<< Home