Merong na nakatambay.

Sunday, March 04, 2007

Kuwentong Tambay Part Tres

Matagal-tagal na din palang nakauwi si Kumpareng Julius galing sa Japan. Pero nitong Biyernes lang siya nagparamdam kaya biglaang kinailangang lipulin ang sangkatropahan para kamutin ang aming mga makakating paa. Kaya gamit ang namamagang hinlalaki, sinikap kong teksan ang sanlibutan para sa walang kaabog-abog na biglaang lakaran.

Mga karakter na sumang-ayon sa paglaboy: Julius, Jay Mola, Bossing Jon, Star (hindi totoong pangalan), Gwing, Karakter Jay, Randell (oo, ako yan)

Kaya matapos mag banat ng buto sa trabaho, tumakbo ako ng Malate para kitain si Kumpareng Julius. Alas diyes pa ang usapan pero maaga akong sumapit sa Malate kaya tumambay na lang ako sa Istarbuko sa Adriatico. Buti na lang dala ko sa higanteng backpack ko ang aking libro kaya para akong otistik na nagsolo sa isang sulok. Relaks lang.

Pagdating ni Kumpare, matinding kamustahan muna bago kami humataw papuntang Blue Wave. Dun na namin hinintay yung mga iba pang karakter na dumating habang kumain muna kami sa Jullibee. Na-miss daw ni Kumpare e. Pag dating nung mga karakter, tambay at laklak alak lang kami habang nakikinig sa banda. Ganda nung bokalista nung Tribe of Levi, kamuka ni Batgurl. Na-miss ko tuloy. Kaso galabo ng kuha ko. Mahiyain kasi ako sa personal at kahit sandamakmak ang nagpapakuhang estranghero sa kanya, di ko nakuhang kapalan ang apog ko't magkandarapa din.

Kaya eto lang nakuhaan ko. Olats. Sige magkanda pikit ka kaka-sipat! Sinabi na ngang galabo e.

Matapos namin marindi sa ingay ng banda, napagtripan naming tumakbo ng Tagaytay. Taga dun kasi si Jay Mola. Alanya, hindi pa nag iinit ang palad ko sa PSP, nasa Tagaytay na kami. Pinalipad ni Mola yung sasakyan na parang sa akin naka pangalan ang titulo ng lupa nung highway na dinaanan namin. Umistambay lang kami sa Istabuko Tagaytay at kwentuhang malupit. Galamig. Si Mola lang ang may jacket. Ang hirap ng taga patag, hindi handa sa gentong klima. Buti pa yung mga jologs sa Glorietta, naka jacket kahit hitik ang init sa Maynila.

Mga alas sinko na nang sumunod na umaga kami nakapag-isip umuwi. Wag nang itanong kung baket. Kinilatis pa namin ng maigi yung bagong sasakyan ni Kumpare e. Gaganda. Sportivo na modelo.

Sikreto ng mga gwapo: magandang sasakyan na may astig na audio. Yung bumabayo. Konyong konyo. Kahit anong baluga mo, basta gento oto mo, parang kasing gwapo mo si Aga Mulach dyan pre. Wan klik mga tsikas sayo. Aprub!

Seryosong Hirit: Personally, I don't think highly of girls having boyfriends with gaudy automobiles, especially when it was obvious that it was the car they fell in love with. As for the guys, it's a debasement of your ego, man... if you certainly knew you were loved just because of your car, then I'd rather see the bitch off my Porsche... if you certainly knew you were loved just because of your car AND done nothing about it, then TANGA ka! May gamot sa bobo, sa tanga wala!

Nyahahahaha!

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

hey, obi! i really pity guys who have nice cars (and an equally nice, bulky wallet) with girls who don't turly love them. kawawa, in tagalog. bow.

3/05/2007 12:53 PM  
Blogger Obi Macapuno said...

amen. hehe. but it's a matter of choice. kaya nga may nagpapaka tanga at bulag para sa pag ibig eh. hehe. all we can do is pity them. thats all.

3/09/2007 9:54 AM  

Post a Comment

<< Home

Obi Macapuno: Kuwentong Tambay Part Tres