All Purpose Cornstarch
Tinuruan ako gumawa ng pulburon mga three weeks ago na yata. In fairness, nakaka-adik. Hindi ko na kasi binabalot sa wrapper. Dinidiretso ko na ilagay sa isang tupperware tas dun ko na kinakain. Papak up to sawa. Astig.
tupperware (n) - kabuuang tawag sa kahit anong sisidlan na yari sa plastik (Source: Diksyunaryo ni Lolo)
Inisip ko gagawan ko sila Batgirl at Idol Pinsan pero last weekend lang ako nalibre sa oras kaya last Friday e sugod sa grocery ako after work para bumili ng mga sangkap. Wala si Teacher Cheng kaya nagbibo ako mag-isang gumawa. Nagpatulong lang ako dun sa dalwa kong kapatid para maghalo at manlait ng lasa ng ginagawa ko. As usual sa mga tanga tangang nagbibibo, hindi maiiwasang may palpak. Tanga nga e.
Ang nabili ko pala e cornstarch imbes na all-purpose flour. Mas mariri pa nito, I realized it when I was already halfway mixing everything up! Araydyusmiyo!
mariri (adj) - malubha; grabe; ogag (Source: Diksyunaryo ni Lolo)
Buti na lang, oks lang din pala yun gamitin. *ngiti*
Edible pa din naman siya at wala namang side-effects tulad ng pagtatae ng malapot, pagsusuka ng kulay green, pagtubo ng bulate sa bituka, pagtulo ng uhog sa tenga at iba't iba pang pangyayari na kapag nabasa ng mga mambabasang kumakain ay mawawalan na ng gana at mumurahin pa ako sa mga pinagsusulat ko.
Ang kaso mo nga lang, medyo iba yung texture nya kesa kung all-purpose flour ang ginamit. Ayon sa mga nakakatanda, "maaligasgas" daw ang term dun. Yung parang medyo buhaghag yung consistency nya pag kinain mo. Kasi di ba ang pulburon dapat compact yan na medyo gritty sa bibig. Hirap explain e. On the other hand, ambango nya amuyin pag cornstarch dahil sa amoy ng butter. Pag flour kasi ang gamit, na-aabsorb yung amoy nung butter e. Kaya pala nagtataka ako mas mabango yung ginawa ko kesa dun sa ginawa namin noong tinuturuan ako.
Tas yun, dinalahan ko sila Idol Pinsan at Haymentenans sa condo last Sunday. Parang oks lang naman daw. Hindi naman daw kakaiba sa normal na pulburon. O pwede ding binobola lang ako ng mga hinagupak! O pwede ding umepekto na yung hinalo kong gayuma! Haha. Seriously, ang cute nga ni Ly e.. pagkagising e inupakan agad yung pulburon na inabot ni Tita 9. Walang kutsa-kutsara, kinurot kurot lang from dun sa tupperware. Hehehe. Cute. Tats nga ko e dahil na-appreciate nya naman.
Sa totoo lang, nakaka-adik naman talaga yung ginawa ko. Naubos na nga yung tinira ko para sa bahay. Still, di magbabago pagtingin ko sa ginawa ko... palpak na pulburon pa din sya for me. *ngisi*
Anyway, eto siya...
De Kutsarang Pulburon
by: Chef Obi Doo
Sangkap:
4 cups all-purpose flour ("Cream" yung tatak ng gamit ko - pero di ako nag aadvertise)
2 cups powdered milk ("Nido" yung tatak ng gamit ko - nag aadvertise na ko)
1 1/2 cups asukal (piliin nyo yung pino, wag yung nagbubuo-buo na nilalanggam pa)
3/4 cup melted butter ("Dairy Creme" yung tatak ng gamit ko - bayaran ako sa advertisement)
Pagluto:
1. Roast flour until light brown in color. Stir constantly so as not to overcook those that are on the bottom of the pan. Maalat yan pag nasunog!
2. In a bowl, combine the roasted flour, powdered milk, sugar and melted butter in that order.
3. Mix well.
4. Mix well.
5. Mix well. May mga mamumuong parts ng butter so make sure na durugin ito ng spatula para ma-distribute evenly yung tamis nung butter.
6. Mix well. By this time, pwede mo na tikman yung ginawa mo. You'll know if it's lacking something (Unless, you've never had pulburon in your life... which is a mortal sin! A mortal sin, I tell you!). Tapos dagdagan mo na lang (ng pakonti-konti) kung ano man yung nangungulang. In my case, I don't outright put all the melted butter para may room for adjustments. Baka kasi sumobra naman din sa tamis. But I tell you, nasa butter ang sikreto ng pulburon *kindat*
7. Mix well. Tapos ibubo mo na sa isang tupperware. Kainin. Gumamit ng kutsara pero wag idikit sa laway. Kadiri.
5 Comments:
wow, pulvoron! *coughs* pahingi, luya obs! ^_^
ang gusto ko bro e pastilyas!! yung binibili natin dati sa tapat ng la salle!!
pwede mo ng pangregalo yang bago mong recipe sa pasko tapos kung magustuhan nila gawin mo ra rin business yan paggawa ng pulboron
haha akala ko naman hindi mo nabinalot kasi diretso na sa bibig mo ayun naman pala nilalagay muna sa tupperware then saka ilalagay sa bibig (^_^)
acey: naku. mabilis pa sa alas-sinko ang pulburon dito sa bahay. pag gawa ko. magbilang ka lang ng 60 seconds. gone na! Gone in 60 Seconds. haha.
jai: oist. di yata kaya ng power ko yan pastillas. pero masarap yan. hmmm next project ko kaya yan.
iskoo: hehe actually thinking of it. kaso small time e. mas maganda kung gagawin ko lang sya pag may pagbibigyan ako. special ang dating. hehehe.
jologs: hehehe ye! kung hindi kadiri yun pag nag basabasa. eeek!
Post a Comment
<< Home