Joyness
In case you din't notice, I have this habit of stealing glances at you. See, the heart hides what you can't say but the eyes say what the heart tries to hide.
- Obi (YM Status, December 20 2006)
Mallex Christmas Party 2006
I wasn't expecting that Tiya Nine's birthday will coincide with her enterprise's Christmas party. Akala ko lumabas lang sila sa Hap Chan for a dinner last night kaya dun ako pinasusunod at hindi sa condo. Di ko rin akalaing pupunta si Lyness. Sayang. Sana inagahan ko ng pasok para maaga rin nakatambay with her kela Tita... may pasok pa kasi siya last night. Olats.
The Family + Ampon
L-R: Aeron Boy, Tiya Nine, Idol Kim, Lytet
Anyway, I was able to scram off the office around 6pm. Iniwan ko na nga yung deadline ko. Ayun, awa ng Diyos deadline pa rin siya hanggang ngayon. On the way, tumawag ako kela idol Ains para magpaturo ng direksyon. Loud speaker syempre. Pulpol na yung reception ng celphone kong Jurassic e. Ang kulit ni Lyness, kumakanta ng Chiquitita sa background! Lakas tama, man.
Sabi ni Manong Taxi Driver pagbaba ko ng Jurrasic phone...
Manong Taxi: Tipsy na yung mga kasama mo ah... kumakanta na ng Chiquitita.
Koya Obi: Partida kuya, kumakain pa lang sa Hap Chan yang mga yan. Wala pang inom.
Bwehehehe. Tingin ko haging nang mailuwa ni Manong yung pustiso nya sa kakatawa.
Kaya nagtaka ako bakit may videoke sa background dahil kala ko dinner lang talaga. Tas yun, I arrived at the place past 7pm na tas gadaming karakter. Yun pala sinabay na yung Christmas party ng Mallex sa birthday ni Tita. Parlor games followed right away. Syempre kilig tae na naman ako, andun si cute na cute na Ly e. Sali din kami sa games syempre.
Panalo kami! As in!
Prize 'to dun sa Calamansi Race.
Grub: breaded pusit, fish pilit, pata ni tim, pritong chikkin, beef broccoli in saucy sauce, colorful rice, tinapay na intsik, saint michael's brew, pepsikola
Hanggang ngayon nagdadasal pa rin ako. Pumasok kasi ako ngayon na may nakasabit na maliit na violet na lobo sa backpack ko. Oo na, muka nang tanga. Pero kasi tingin ko may "continental" value siya e kasi si Ly "yata/sana/please Lord/hopefully" nagkabit nun e. Kaya walang pakelaman, pumuna nitong mukhang tanga e uuwing may kotong sa akin. Haha. May sinalian kasi kaming parlor game na partner kami na kelangan itali yung mga lobo sa binti namin. Tas putukan lang ng lobo against other duos yung laban. Kaso naputok ng kalaban yung sa akin e, yung kanya hindi. Tas yun. E malapit yung bag ko sa inupuan nya. Syempre kung sya nga nagtali nun... sagradong artifact to... galing yun sa pagkakatali sa pata nya e. Hehe.. basta walang pakelaman ng trip. Sana ma-confirm ni idol kung sa kanya nga galing to. Matagal tagal pa kong papasok ng may lobo sa backpack kung ganun. Haha.
Koya Ube... and the Violet Balloon
Tas ano pa ba?
Ayun! E di bibo ako syempre. Kumanta ako ng "All My Life" ("All My Ly"... yikeee!). Patentado sa kin yang kantang yan sa lahat ng videokehan sa Manila e since birth. Walang ligtas dito sa party ni Tita. Hindi naman ako kapal muks, mahiyain lang kayong lahat. Haha. Ang makulit nito sabay humirit ng duet si Ly sa chorus haha (binuyo ata ni Ains)... muntik nang malobo uhog ko sa tawa e. Kilig kilig ako syempre pero alam mo yun... ang cheeeesy! Parang yung sa mga pelikula na may kakantang bida para sa mahal niya tas out of nowhere susulpot yung taong yun tas sasabayan siya sa pag kanta. Haha. Normally, sa climax part pa nung song! Ganun na ganun yung dating, man. Nyahaha. In fairness, kiligness ako! Tae na tae hehe. Peksman.
Tas around 9pm umalis muna kami ng party para ihatid si Lyness sa Mount Commonwealth... malapit sa Litex Group of Islands. Take note, galing kaming Roxas Boulevard. Lapit lang. Panis.
Tas yun nanlibre siya sa Istarbuko. Angas. Kinumpleto na namin yung stamps dun sa promo pero dahil di naman planadong ihatid sya hanggang Commonwealth, hindi ko dala yung promo card ko kaya sa ibang araw na yata nila i-claim yung 2007 SB Planner. Basta ang usapan akin ang ballpen at scratchpad. Hehe. Thanks sa kape, Batgirl.
Basta sulit yung pagpunta sa Mount Commonwealth. Pumasok na sila ng 11pm, tas tambay pa kami ng konti ni idol sa Istarbuko bago bumalik sa Hap Chan. Post na lang akong pics for posterity if ever iL get a hand on em sometime soon.
Inlab ang kumag. Ahuhuy! Kelan naman kaya ulit makakatambay ng gento... kaka-miss nga kaagad e. In fairness, mukang siyang naligo. Naligo kaya siya? Hahaha.
Mga ngiting trademark. (Bagay naman di ba? Hehe. Asa.)
Kung bagay, vote na! Type TAEKA [space] OBI [space] punctuation mark of your choice, and send to 233 for SMART and Sun Cel subscribers or 2334 for Globe or Talk n Text subscribers. Malay nyo, lumakas na loob ko! Haha.
Addendum: Mystery of the Violet Balloon (Posted: December 21, 2006)
Turns out hindi si Lytot ang naglagay nung lobo. Ayyy olats! Isang araw din akong mukang galing Christmas Party dahil dito ah. Najo-jologs-an tuloy ako sa sarili ko. Kung may salita mang ganun. Hehe. Iling na lang muna sabay mukmok sa sulok. Ly kasi e. Kaka-miss. Hanggang ngayon, palaisipan pa din kung sino naglagay nito. Kahit ayoko ko nang isipin kung sino. Basta, hindi siya. Period. Bugnot. Haha.
3 Comments:
bagay na bagay kayo, sana sa pasko kayo na!
kakakilig naman ang kwento kuya, para ngang bumabalik ang mga alaala ng Susan Roces-Romeo Vasquez Romance, opsss di yon panahon ko ha! sige ... Sam Milby (opkurs)- Toni Gonzaga na lang ;)
Frohe Weihnachten! ehem, ano kaya ireregalo niya sa iyo? matamis na ... kaya? ;)
haha! it's good tho that you had fun! hehe
Post a Comment
<< Home