The Good, The Bad, and The Grannies
The Good
Second Placers (Black Team)
L-R: Jack Black (syempre violet na bola), Cha Cha Cha, Eyryel, Ranger Roy (not in pic: Ghe Ghe Ghe)
Silat na naman kami sa kampyonado. My Black Team only placed second after the last night's tenpin games. I, myself, have to concede that I could have played better, scoring only 112 and 106 on two rounds. Not bad, really. But I was supposed to average at least 120 a game. Bente puntos lang lamang samin ng mga champs, so if ever I played consistently baka may chance pa sana kami.
Uh well. May individual award nako e for bagging the best male bowler sa eliminations. Brag brag brag. Sulit na! Kudos to the Black Team!! Bawi tayo next tourney, mga repapips!
Etong bago... reverse shot!
The Bad
Badtrip kasi kahapon. Dapat makakasama ko sila Ly. Tumambay kasi sila ng pinsan ko sa Istarbuko bago sya pumasok. Susunod na sana ako kaso naharang ako sa Team Leads meeting namin.
Alam mo yung Murphy's Law? If anything could go wrong, it will!
Ayun, ganun. Badtrip. Saktong one hour sila nakatambay, saktong one hour tumakbo yung meeting namin. Alam mo yung feeling na kalahati ng kaluluwa ko naka abang na sa elevator tas yung pisikal mong katawan (na absent minded) na lang ang natitirang nakaupo dun sa board room meeting. Haha. Tae.
Dumating ako sa Istarbuko, kaka-akyat lang nila Ly sa office. As in. Si idol pinsan na lang andun nakatambay. Sayang talaga. Olats.
Kung inabot ko siya baka naka 200 ako sa bowling. Hahaha. OA.
By the way highway, 11 stamps to go... magkaka-Planner na ko ng Starbucks! Bibigay ko sa kanya yung Planner, akin lang yung ballpen at scratchpad. Yiheeee!
The Grannies
Happy Birthday Lolo Johnny Tango and Lola Cely Groovy!!!!
More birthdays from Tribong Espiritu! Lolo Johnny and Lola Acelds, celebrated their birthdays last December 5 and 6, respectively. Last Wednesday, we dined at Luk Fu (?) near the Multinational Village to celebrate the event.
Attendance: Tito Sprite, Jan Puruntong, Jason, Jara, Tita Ophen, Tita Beth, Tito Boy, Bogart + GF, Bateng, Candy, Mommy Groovy, Cheng, Badong, Wonder Twins Lei & Liz, Ako Syempre, Lola Cely + 2 Amigas, Tita Angie
Da Klan!
L-R: Jan Puruntong, Laso, Tiya Open, Tiya Grasya, Lola Groovy, Mommy Groovy, Tingin ko si Liz yung buhat, Badong, Cheng, Bogart + GF, King Kong, Bateng Kuracha
10 Comments:
nalito ako bigla kung sino ka sa mga family picture, magkakamukha kayo.
next tiem dapat date muna kayo ni Ly para champion ka na sa sususnod na game :)
dapat siguro hindi nakangiti kapag titira na sa bowling para bagsak lahat ng titirahin, hehehe. joke. next time kayo na champ!
dapat siguro hindi nakangiti kapag titira na sa bowling para bagsak lahat ng titirahin, hehehe. joke. next time kayo na champ!
cruz: preho lahat ang ilong namin. sabog. wahahahaha.
uh... sana mabasa ni ly yan koya. :D
izku: nakita ko kasing may flash ng camera e. e patentado na ang ngiti ko basta may kodakan. otomatik na ba.
avah! parang si paeng nepomuceno ah! astig. pa-autograph naman. may pila ba? eto na nga, kagabi pa ako nakapila... hehehe..
hahaha.. hindi naman halata na stolen shot un.. haha.. cute!
patentado ngiti mo koya? eh bat jan sa huling pic parang pose ni fafa facman ... ah 'lam ko na gutom na gutom ka na kaya asar ka na sa putographer :D
panay kape natin ah, baka ang taas na ng BP mo ... pero mukhang maganda yata talaga iyang planner na yan, marami akong nababasa na may gusto nito ;)
happy bertday na naman sa mga may bday!
waw!walang wala ang the good, the bad, and the ugly.:))
you're still the same funny obi, obi. lol! walang kupas. (tama ba tagalog?)
by the way, 'just had my blog resurrected from the dead. hehehe... with a new ad. i hope you'll still visit my blog... please update your link to mi blog if you have time. take care, kuya obi. God bless!
mikz: hehe lamang ako sa sipat. laking jolens ata to!
ikayz: hehe kasi hindi sya talaga stolen. posing lang yan. churva lang... ika nga nung bading samin. haha.
te nengz: sandamakmak nga ang may gusto. di ko originally planadong magkaron kaso nun minsan napabili ako ng kape e naisipan kong idiretso na't ibigay sa irog. e nung inalok ko e tamang gusto rin nya pala. e di jackpot. mapapaligaya ko pa ang irog. ang saya saya. :D
anonimuz: hehe panis yan.
azey: hehe ye "walang kupas" tama. nice to see you are back! will update my blog soon with a new "hopefully better" layout. will update your link soon man.
Post a Comment
<< Home