Merong na nakatambay.

Tuesday, January 09, 2007

Kwentong Tambay Ikalawang Yugto

Byernes, nag basketball ako sa Makati. Unang laro ko ng buslong bola para sa taon na ito. Mantakin mo, hirap na hirap na ko tumakbo. Peste kasing kainan yan nung Pasko't Bagong Taon. Kelangan bumawi. Ayun, dalwang oras kaming nakababad sa laro. Kamot sa ulo lang ang pahinga. Danilo, ang dami ng player mo, ungas! Hahaha. Sa uulitin, magdadala nako ng resbak para may kapalitan tayo.

Tapos nun, imbes na umuwi ako diretso, kinita ko pa si bayaw at si utal (babaeng utol) dahil punta kaming ospital sa uste kasi ginagamot yung isa dun sa pamangkin kong kambal. Sa kalsada kita namin yung patimpalak ng paputok sa Roxas. E pagkakagara! Kaso mo, subrang trapik kaya medyo iwas kami sa gawing doon dumaan. Gabi na rin kami nakauwi ng bahay. Ngangatog ngatog pa tuhod ko sa pagod.

Sabado, naglamyerda ako, ano pa nga ba. Di mapakali sa bahay e tas ramdam ko nasa Katipunan yung mga hinagupak kong tropa. E di sugod ako sa Katipunan, malapit na sa tapat ng Ateneo Gate 3... mantakin mo, taga Pasay ako! Dun ang tambayan namin e pag burat kaming lahat sa bahay. E ayun, andun nga ang mga ungas. Nag tumpok parang langaw sa tae. Hehe... pasintabi. Ayun, tambay lang kami magdamag dun. Tas kain kami sa Tapsihan ni Vivian sa Cubao. Unang bulalo namin para sa taon na to. Lintsak kasi mag foodtrip tong mga to, kaya pata pata ako e. Pagtapos nun sibat din kami papuntang Shak, nag charge lang ako ng battery para sa baril ko tas tambay konti, kain ng chicharon, tas sibat pauwi na din. May airsoft pa kasi kinaumagahan.

Shak Attendance: Obi Doo, Garrboy, Jubay, John Liit, Jumping Johnny, Joma, Fluffy, Chilly Arvin's, Pantyman, Dear Kim, Captain Klepto, Pork, anybody else?

Linggo, maaga pa balik Shak na ako ulit. Unang airsoft ko para sa taon. Kelangan ko magpapawis. Kelangan ko bumawi sa nilamon ko nung nakaraang bakasyon. Ayun, pag dating ni Garrman, Kuneho, at Toge harurot kami papuntang Camp Masada malapit sa Payatas, ang daan e sa Litex. Dumiretso na dun sa lugar yung iba pa naming repaks habang may pagdaan pa kami sa kung saang lupalop dahil dumilehensya pa ko ng pera tas sabay bili ng chicharon. Wala pakong agahan.

Attendance ng Screaming BB's: Garrboy, Obi Doo, Kuneho, Toge, Junbo, Super Inggo, Ome, Hansy, Jeng, Jordan + dalwang karakter na tropa

L-R: Kuneho, Junbo, Garrboy, Munggo, Obi Juan, Super Inggo, Hans, Jeng, Rommel

Maangas naman yung laro. Wala naman akong naka-enkwentrong makukunat. Nakalimutan ko nga lang yung saplot ko sa mukha (balaclava). Tas kung kelan ko naiwan, saka ako tinamaan ng lintsak na bala sa pisngi. Aruydyosmiyo! Gasakit. Pero dahil macho ako, wala lang yan. O-ha. Di naman nagtagal yung pantal. Panis.

Tuwang tuwa ako sa bago kong boga. Napapabayaan ko na tuloy yung luma. Pero aayusin ko din yun para pag may maisasama akong gustong makipagharutan sa amin sa gunbang may mapapahiram akong baril. Angas nga ng unang laro ng taon e, ka-elibs yung mga aksyon da moves na ginawa ko dun. Parang mga stunts ni Dante Varona sa "Kuko ng Agila" (hindi ko sigurado kung si Dante Varona ba ang bida dun... gusto ko lang may maihirit na lumang pelikula, walang pakelaman).

Dante Varona at BFG (Big Fucking Gun)

Tas ayun, biglang nagteks tita ko. Andun daw si Batgirl at manonood daw sila ng paputok sa Gamol of Asia. E di syempre taranta ako. Andun pala kras ko. Sayang, kung alam ko lang, di nako naglaro ng barilan at tinambayan ko na lang sila pinsan sa condo. OA ako e. Masaya nang makasulyap, tae naman umimik. E kaso mo nga, kamusta ka... alas sinko na ng hapon! E di ala pusa na naman akong humarurot pauwi. Dinaan ko pa boga ko sa armory sa Shak, di ko naman pwede bitbitin pauwi yun. Mahuli pako ng parak sa kalsada, e di nakadelihensya pa sila ng hapunan sakin. Neknek!

Nakarating ako ng bahay pagabi na. Kateng kate akong sumunod kela tita. Andun si Lytot e, tas gusto ko rin naman talaga makapanuod nung pasiklaban ng patutok (wushus! titi mo!). E kaso mo, subrang trapik!! Parang yung trapik din nung biyernes. Walang galawan. Pero nakita ko lang sa telebisyon. Kamot na lang ako ng ulo e. Kesa mag ala pusa ako ulit at hindi umabot, di na lang ako tumuloy. Nagpalaki na lang ako ng tiyan nung gabing iyon.

Lunes, gaaga kong nagising. Alas siyete nasa opisina nako. Mantakin mo, naka pormal akong get-up! Isputing na isputing! Taka nga lahat e, parang may binyagan. E syempre, mang-iinterview ako ng aplikante... kakaburaot naman kung mga naka pormal sila tas ako naka pang rakista tulad ng tipikal kong suot sa opisina. Bale dalwa yun na ininterview ko: ang isa cum laude tas yung isa mas matagal na sa serbisyo sa gentong larangan kesa sa kin. Walastik. Pero siyempre kiber ka lang. Teritoryo mo pa rin ang opisina mo at doon, ikaw ang bida! Confidence, man... confidence. San ga nabibili yun?

Astigin naman sila preho. Taga St. Paul - Manila yung isa tas yung lalake naman taga Mapua. Mahusay naman. Bale ngayon, mayron ulit na dalwa... katatapos nga lang ma-interview nung isa. Kulang kami ng tao sa grupo ko e.

Enewey! Yun, dahil maaga ako pumasok, maaga din ako umuwi. E naisip ko nakela pinsan pa malamang si Lytot. Naisip ko gawan na lang sila ng de kutsarang pulburon... tamang foodtrip din kasi ako kahapon (wushus... para-paraan!). Balak ko sana e mamili ng sangkap bago dumaan sa kanila. E ang kaso mo, diko makontak si idol pinsan. Kala ko nasa lakwatsa pa kaya sibat na lang ako pauwi. E ang kaso mo, nagteks sa kin mga bandang gabi na andun lang pala sila. Dabog. Kamot ulo.

Gaya ng dati, nag ala pusa moves na naman ako papuntang condo sa pagmamadali. Lagpas alas nwebe na nun. Pag ibig talaga, pag kumabog nino man, hahamakin ang lahat magtae lang. Buti na lang hinatid ako ni Badong the Wonder Bayaw at Utal Cheng, inabutan ko si Lytot! Nanood lang kami ng Bokbok at Poknat, tas sumibat na din kami. Mukang may bago nga akong palabas na susubaybayan e. Alam ko namang korni pero sige nood din naman.

7 Pork Sticks for Year of the Pork, 2007 (New Year's pic... walang kinalaman sa kwento)

Tumambay pa pala kami sa Istarbuko sa Malate. Angas nga nung lugar ng Istarbuko dun. Tamang relaks relaks ang "ambiance" (kung ano man yun). Nga lang, Pinaka astigin pa rin sakin yung sa 6750... banig na lang, solve na. Ayun nga, kwentuhan lang kaming walang humpay. Kanyang kanyang bangka. Ganda nga ni Ly e, ambangis. Natatae ako sa pagpigil ng aking nadaramang pag-ibig. Kung may banyong malinis lang sana, hindi ko ito kinimkim. Yikeeeeee! Ahuhuhuy! Bale, umabot din kaming halos alas dose bago nag ayaan umuwi.

Hinatid namin siya hanggang Mount Project 8. Grabe, naabot namin yung tuktok. Ang sarap ng feeling sa taas, kita mo lahat. Hahaha. Tamang ihulog ako sa gitna ng kalye ng walang pamasahe e magiging taong grasa nako.... FOR LIIIFE! Dahil maliligaw nako, diko na alam ang daan pabalik. Hahaha. Pero astig. A day with her is a week of joy. Tangena, yan ang hirit. Kumontra, bugbog.

5 Comments:

Anonymous Anonymous said...

di bale yayain mo nalang ulit sila sa putukan ng kwitis sa MOA sa biyernes ta sabado, meron ka pa chance :)

1/10/2007 11:49 PM  
Blogger garrboi said...

"Natatae ako sa pagpigil ng aking nadaramang pag-ibig. Kung may banyong malinis lang sana, hindi ko ito kinimkim. "

"A day with her is a week of joy. Tangena, yan ang hirit. Kumontra, bugbog."

recorded sa quotable quotes.

idol sa hirit.

yan si obi-juan.

yebbah!

:P

1/12/2007 4:40 PM  
Blogger Obi Macapuno said...

izkoo: di na yata sila manonood ulit e. hehe, olats.

garrkid: mas matikas pa sa hirit ni Anakin yan. walang aangas pa dyan.

1/12/2007 5:46 PM  
Blogger pb said...

etoh lang masasabi ko...
sarap ng mga handa nyo nung new year at ang cute ni Rommel. weee... hehe.

1/13/2007 1:09 PM  
Blogger Obi Macapuno said...

Pibi: hehe sige sasabihin ko ke Omeng. actually lamang talaga siya ng isang buhos sa kin. nyahaha.

1/15/2007 1:39 PM  

Post a Comment

<< Home

Obi Macapuno: Kwentong Tambay Ikalawang Yugto