Don't Try This At Home
Dahil bored ako ngayon at mahirap magpalipas ng oras.
"Liban"
by Ka Obi
Mahusay ang Batangenyong salita na "liban".
Kasi may dalawa pa itong kahulugan.
Ang una'y pag binasa ito ng may kabilisan.
Ang kahuluga'y nagiging "tumawid sa daanan".
Gamitin natin sa halimbawa,
Para lalong humaba yaring tula:
"Ako'y may alaga, asong mataba...
Kay kulot ng balahibo, kay rikit ng mukha...
Laro tayo, laro tayo, aking alaga!
Liliban ako at susunod ka!
Yehey! Liban na! Liban na ng daan!
SPLAT! PLAK! CRAK!
Si alaga, nasagasaan!"
Ang ikalawang kahulugan naman,
Kapag binasa'y dapat may kabagalan.
"Liii-ban".
"Liii-ban".
"Hindi pumasok" o "hindi dumalo" ang kahulugan.
Basahin natin sabay sabay,
Gagamitin ko ang salita sa salaysay:
"Noong bata ako'y mahilig lumiban.
Sabi ng Mamay, ako'y sadyang batugan.
Bukas may pagsusulit sa paaralan!
Ang batang si Obi... liban.
Bukas may pagsasanay sa talastasan!
Ang batang si Obi... syempre liban.
Ang tanging bagay ako'y hindi liliban,
Ay pag kina Kapitan ay mayroong kainan!"
Ang salitang "liban".
BOW.
10 Comments:
may natutunan na naman akong salitang batagenyo, kaya ayaw kong lumiban sa blog ni obi! hahaha
sagot sa tag mo: sa blogspot na ako nag up-upload ng pix, tapos gamit ko ang photoshop sa pag resize ng picture para tamng tama lang sukat pang internet.
check mo ulit, may bago ng pictures, hehehe (sorry, may plugging pa ako)
hahaha! funny ng tula mo!
makata pala ang batang si obi ngayon ko lamang napagtanto. :-) isa nanamang dahilan para di ako lumiban sa pagbablog.
<==100 % pure jologs with money back guarantee==>
aba. aba. aba. kelan k p naging makata? dala ba yan ng hangin sa sydney?
hehe. xencia na namiss ko lang mag blog hop.
\m/
nyahaha... si aso nasagasahan.. huhu...
diba yung liban eh yung pagliliban o pagbalewala, o mamaya... tama ba ako?
pag nakikita kita naaalala ko ex master ko.. pareho kayo atah built ng katawan saka ng smile... wah!!!
ginoong krus: ahh. naka photobucket pa kasi ako. minsan kasi pag rekta sa blogger ang ritrato e may parts sa text na nawawala na lang bigla.
ginang sye: at siksik ng ginintuang aral. hehe.
ginang piyona: ayan. tamang pagsasalarawan ng kahulugan ng "liban". may star ka!
ginang dyologs: namimiss ko laang ang maduming hangin ng maynila.
ginang pibi: sino si ex master? may ex master kasi ako. iniwan ko. wala ako natutunan e kundi mag split.
may master ako... mag twe-twenty six na sya dis may 20 o 25 atah. kaso nagkaiwanan. matampuhin kasi. nainlab sakin eh nakakaloko eh. pero tapos nah. hindi na sya nagparamdam. baka umalis na sya sa pinas at mag wowork na sya sa tate.
anong klaseng split? yung ballet? yung dura? yung hiwalay?
ginang pibi: yung ballet. hehe. ke pait naman ng kasaysayan nyo ni master pero hayae na't hindi mo kawalan. wahehehe. kamalasan laang at ako pa natipuhang hawigin. nyahahahaha.
nyahaha... ewan ko ba. na miss ko tuloy sya. galit sya sakin eh. hehe. gusto kasi nyang mangyari eh hintayin ko sya este hintayan pala kami. di nya maintindihan na hindi pwede lalo nat galit sa kanya ate ko. wah! change topic..
wow! marunong ka palang mag ballet. ako split lang kaya kong gawin, mag hand stand at mga kalokohang moves. sumasayaw kasi ako... hehe.
ginang pibi: hehe juk juk lang. mag titinikling na laang ako kesa mag ballet. laki ng agwat nyo ni Master Ex ah. hindi ga ire hadlang para sa inyong pagiibigan? o sadyang ang paggigiliw ninyo's kagilagilalas at walang hahadlang ninuman?
Abangan sa susunod na kabanata!
Post a Comment
<< Home