Anong Meron ang Taong Happy?
Best Wishes to Jon and Star!!!
Mga tropang malupet ko yan. I attended their wedding on St Anthony of Padua in Antipolo last Saturday. They've been on and off since we were classmates in college and finally they've decided to tie the knot. Awk! Another one bites the dust! Hehe.
Abay ako sa kasal. Nagpa semi-kalbo pa ko para sa event. We were like 4-5 dudes who have shaven heads and goatees, tapos pag labas ng pari di ko mapigil ngumiti kasi kalbo din at naka bigote. Parang motiff!
Anyway, ang cute nung naka partner nung isa naming tropa na abay din. Si Jon kasi e, sabi ko dun na ko i-pares. Hehe.
Reception was at Siena's Gathering Hall. Malapit sa Sumulong Highway, sa intersection ng papuntang Hinulugang Taktak.
Pito kami sa tropa nung college. Kasal na ang tatlo. Who's next??
Abangan!
*****
May nagpadala sakin ng one dozen white flowers. As in kadadating lang ngayon. Dito sa office. Touched naman ako. Not that this always happens to me. Alam ko malamang mababasa mo 'to... kaya salamats! God bless to you and have a good journey with life always!
*****
Naka sched ako pumuntang Boracay this Friday. Hanggang Monday na ko dun. Yun ay KUNG hindi this week ako paliliparin ng company papuntang Sydney. Sana next week na lang yung flight para makapag bakasyon pa ako. Aabot din siguro ako ng two months dun. Walang UP tambay. Walang gunbang barilan. Walang kwekwek, sisig, siomai, isaw, pishbol... patay na.
8 Comments:
<--jaja's comment here-->
eh ikaw? kelan ka ikakasal?, sosyal naman lilipad ng sydney, anong gagawin mo dun? magtratraining ka or work din?
naks naman, punta siyang sidney. ;-)
sana ikaw na ang susunod :)heheh
sino kaya iyong nagpadala ng roses? hmmmm nakaka-intriga ...
astig ah, pa-Sidney2 na ...iba na talaga ang talented (sana may pasalubong kaming kangaroo *wink*)!
enge flowers! sama ko sidney wehehehe. pasalubong!!!
[feeling close]
Wow..Bora and Sydney in one summer..astig!Anong trabaho mo? Makaapply nga..heheehe
May secret admirer ka pala..one dozen flowers pa! sagutin mo na! hehehe
ate jologs: work pa din. hehe. kaya walang bond. bukas papakasal na din ako. hehe.
ate kars: hehe fabulous di ba?
ate racky: pag mahal kangaroo pwede platypus na lang. hehe. di mo pansin? iniiba ko topic. nyahahaha.
ate jo eytch: salamats! trade trade! kahit limang kwekwek lang payag na. hehe.
hanap ka ng tropang gala.
ate shadow: fc ba? hehe. friends cunwari.
ate lica: check mo prenster ko. sekyu sa gabi, tindero sa umaga. =D
aminin mo na lics, ikaw nagbigay no!!! wooooh! hahaha joke lang ha. ayyy pikon. hehe. peace!!!
koya obi!!!
sama mo ko sa lakad mo!!!
pang-local lang kasi beauty ko eh. hehe. =)
saya naman. enge pasalubong.
sinong nagpadala ng flowers? sikretong malupit ba? sweet ah.
ate tins: hehehe sama ka ati ten!! gumala hanggat me lupa :D
ano gusto mo kangaroo or platypus? hee hee.
Post a Comment
<< Home