Usapang Barako
*Kahapon pinag-usapan namin ni DD yung Boracay trip sa Starbucks dito sa tabi ng Rob Summit. Masarap ang kape. Pero mas masarap ang kapeng mura. Pero wala nang sasarap pa sa kapeng libre. Hindi naman ako nilibre ni DD. Wala lang. Naisip ko lang na sadyang pinakamasarap kapag ang nilalantakan mo e libre. Libre kutos lang ang hindi ko nagustuhan na binigay sakin nang libre.
*Hindi na tumama ang Starbucks sa pag spell ng palayaw o kahit ng mismong pangalan ko (sabagay kahit hindi sa Starbucks bihira ang tumama). Eto o may listahan ako ng mga hirit nila sa pangalan ko:
1) Oby (kagabi laang ito)
2) Kobe
3) Kobi (haging nang tumumpak)
4) Obie (sayang)
5) Kobie
6) OB (astig)
Partida, pag nagbigay ako ng pangalan sinasabi ko pa ang spelling: "It's Obi, Miss *sabay ngiti*... O. B. I.". Pero pag kuha ko ng grande ko sablay sablay pa din ang nakalathala sa baso. Pero kesa naman:
1) Randelle
2) Randel
3) Randle
4) Randall
5) Randal
6) Randlle (dinobol "L" nga... aruydyosko!)
Believe me, kahit mga taong malalapit sa akin bihira tumama sa spelling niyan.
*Nung nagsusulat pa ko dati sa isang pang-flip na local hobby & games magazine, sa Starbucks sa 6750 ko tinatapos ang mga articles ko. Hindi sa mukhang konyo ka tignan kapag may dala kang laptop sa Starbucks. Pero ganun na nga. Ang sarap maging konyo minsan. Try mo minsan. Yes, minsan. Minsan lang. Minsan.
*Ang totoo nyan, mabibilang laang sa isang kamay ang paborito kong lantakan sa Starbucks. Habol ko talaga ay ang kapayapaan at ang nakakarelaks na "ambiance". Pesteng ambiance kasi yan, walang mabili sa Quiapo. Try ko sa Divisoria maghanap next time. I think of it like this, I go to Starbucks as if to "rent" a tranquil place to write my articles and/or unwind for a couple of hundred of bucks. Plus, there's a free coffee and choco éclair! Oha! Yan, napa-English tuloy ako. Pasensya, carried away lang po.
*Mabibilang laang nga sa isang kamay ang tinitira ko sa Starbucks: siyempre ang order ng bayan - caramel frappé... or any frappé in that case (mocha frappé is overrated I tells ya), cold caramel macchiato (huwag hot, di gaano malasa ang caramel sa mainit), hot choco (tas punuan mo ng sandamakmak na gatas... awwww! olats lang pag lactose intolerant ka), tas syempre éclair all the way ang chicha (sikret lang to ha... kuha ka ng isang cup na gatas, isawsaw mo dun yung éclair bago mo ngasabin.... awwwooowoooo!).
*Lupit ng nagpauso ng Starbucks. Naging status symbol na siya, parang i-Pod. Biro mo kahit ilang regular na politikong obrero mangongotong para lang gawing tambayan ang Starbucks. Noong tumatambay pa kami sa bahay ng tropa ko sa Tagaytay mga ilang taon na ang nakalipas, naisip ko pa na maganda magka franchise ng Starbucks doon. Wala kasing tambayan ang sambayanang konyo noon sa Tagaytay kundi yung 7-11 sa kanto, sa Mushroom Burger, o sa Olivarez. Tapos nito na lang nang magkaroon ng Starbucks Tagaytay at isa siya sa mga (ano tagalog ng "succesful"?)... basta yun, na branch ng Starbucks sa Manila outskirts ngayon. Nalaman ko na lang din later na hindi pala for franchise ang Starbucks at pag aari sila ng isang mayamang alta de familia na nagbabalak pang yumaman ng husto. Who doesn't?
*Masarap matulog sa Starbucks. Di ko pa nagagawa, pero pinapangarap ko. Sana maabot ko ang aking mga pangarap balang araw.
*Ugaliing palaging uminom ng tubig pagkatapos ng isang malupit na sagupaang kape sa Starbucks. Di ko alam kung bakit. But I have this queasy feeling inside my gut that the practice is healthy. Wala lang, nagmamarunong lang ako.
*Babala: hindi ako sponsored ng Starbucks. Walang pakelaman ng trip. =D
11 Comments:
in fairness pareho tayo ng dahilan ng pagtambay sa starbucks. hehe!
Obi, kung napanood mo na yung Saw 2, andun pangalan mo. Kaya nung pinanood namin yun sa Shak nung Byernes, "Uy si Obi!"
LOL!
nung mabasa ko name mo kala yung sa stawars, hehe.
pareho pala tayong tumambay sa starbucks. kapag meron akong kaibigan na gusto kong makipagkwentuhan duun ko dinadala.
It was september last year
I was drunk and alone. Having this terrible headache, I dropped by starbucks.
I ordered coffee...
and slept there until it closed.
You drink coffee?? That's cool! :P Goodness doesn't she know how to spell? LOL
You're not only halohalo addict but u're also caffiene afficted.. hehe.. kidding..
alangya, ala kase starbucks dito sa amin eh, olats. trip ko pa namang maging conyotiks kahit paminsan minsan lang. :P
i have a friend na nagooffer ng free mandarin at fookien lessons sa akin basta pa-starbucks daw ako after, sabi ko 3-in-1 na lang, haha ang mahal kase eh, lol!
pinaka-astig nga ang koya OB! hehehe
successful ~ pinakamatagumpay
di pala pedeng mag-franchise? sayang, trip ko pa naman sana ang business na yan pag-uwi ko ...
miss jho: para mag konyo din? har har har.
mister kim: nyark. we should have a re-run at Da Shak of that movie. interesado ako mapanood. pati Part One niya.
mister cruise: hehe galing talaga siya dun kay Obi-wan Kenobi. literally though an obi is a Japanese sash. yung nasa bewang ng mga geisha.
miss kittles: wow! buti ka pa. pangarap ko yan. next time im mad drunk iL try that stunt too ha. hehe.
miss ira: apparently, she doesn't. hah. sinabi ko na ngang O.B.I. eh. sabagay sounds like O.B.Y. nga naman! =D
miss france: sort of. more of addicted to relaxation. sige na nga... addicted to laying around asleep. haha.
mama jill: nyahahaha. alam ko talaga meron sa Rob dyan sa San Fernando. sarap sana mag franchise around dyan sa Angeles no. astig sa kita yun.
miss racks: ye sadly hindi siya for franchise. same with the other leading coffee shops here i heard. mag franchise ka na lang ng jollibee, siguradong patok din. ;) gandahan mo lang yung lugar.
ngayon lang ako nakakabrowse ng maayos ng blog mo... kaya medyo delayed reaction.
wala, natuwa ako sa post mo. kasi tungkol sya sa starbucks. :)
i love starbucks... yup because of the ambiance na hindi mo mahahanap sa iba. hehehe. masarap mag yosi at kape habang basa ng pocketbook. o kaya masarap mag yosi at mag hot choco habang nag-aanalyze ng project proposal. :)
dagdag lang...
masarap ding mag yosi at magkape at mag ubos ng oras with your friends sa starbacks at mag wentuhan...
Post a Comment
<< Home