Merong na nakatambay.

Friday, April 14, 2006

Bora (Hindi Yung Corny na Show)

I found my niche in Boracay.

Papalapit pa lang yung bangka galing Caticlan, sinabi ko na sa sarili ko na babalik ako. Sinabi ko na sa sarili ko na pag nanalo ako sa lotto (kahit hindi ako tumataya) ay bibili ako ng lote sa tabi ng pampang ng Boracay (at syempre limang Guess models, mahabang limo, at makintab na bling bling).

Sa Hannah Hotel kami nag stay. It was just across the main road, a couple of meters walk to the beachside of Station One. Napaka-strategic nung lugar kasi malapit siya sa Coco Mangas area (where most of Boracay's night life is), malapit siya sa simbahan (if yer going spiritual), may malapit na basketball court (kung ang habol mo ay makipaglaro sa mga foreigners at tambay sa kanto), around a hundred meters walk lang nasa Station 2 ka na (where most of Boracay's day life is), and maraming carinderia around the place (if yer scrimping on grub).

Tipid trip yung ginawa namin. Barko lang kami via Negros Nav's M/V Mary Queen of Peace. Then, we've got a cheapo place to stay but strategic in location and haven in interior design. Nagluto ako ng infamous Tuna in Tomata Sauce for the first day so nakatipid kami kahit papano on the food. Sa adventures namin, may nakilala kaming isang family na niyaya namin para makasama on the island hop. So tipid na naman on that part.

Don't scrimp however on the things that you expected to enjoy in Boracay. Kami, ginawa namin mag bar hopping (Club Paraw is cool, Vista del Mar is relaxing & may Wi Fi pa so we were able to go online, Pier One, Coco Mangas, those in D Mall, Pat's music is relaxing... siguro kada araw may iba't ibang rendition ng "I Don't Wanna Wait in Vain" ako na napapakinig). Tapos accessories shopping sa Puka Beach. I prefer ethnic beads and shell accesories pa naman over silvers and gold stuffs.

Kala ko nga nung una jologs sa barko. But after the trip, minahal ko ang dagat sobra. The 12 hour trip was not that bad. Marami naman pala pwede gawin sa barko lalo na when you're tagged along with cool (euphemism ng "crazy") people. Kasabay namin papuntang Boracay ang UP Pep Squad. Ang kukyut nung mga chiks. Pauwi naman nag wala kami sa videoke room sabay tambay sa mini theater para matulog. "Devil's Arithmetic" yung pinanood ko ng mahusay dun sa theater. Saka na lang ang review. Abangan! Sarap grabe... napa "this is life" ako. Hehe exagge.

I wasn't able to explore much of Station 3. Sobrang layo na kasi talaga sa tinuluyan namin. Pero nakarating kami ni DD sa may bandang D Talipapa, na bagong open pa lang. Siguro may isang kilometrong lakad na yun galing Station 1. Nakaw atensiyon si Angelika Panganiban at si Michelle Madrigal... ay teka dapat exaggerated... MICHELLE MADRIGAL!!!! Ayan. Grabe. Halimaw sa ganda yung batang yun. Grrrr. Ayan, sobrang emphasized na.

Gusto ko din nung Poi. Yung pinapaikot na parang candle holder na may strings attached sa fingers, tapos gumagawa ng magarang lighting effects yung trail ng ilaw. Astig siya tignan. Magara din yung skimboarding. Haven't tried that though. Ang angas kasi panoorin kung marunong ka, pero comedy siya kung panay lagapak lang gagawin mo.

Medyo humaba nga yung stay ko dun. 4 days and 3 nights. Kasi yung supposed last day namin na-delay dahil nagka problema yung barko sa Bacolod. So kelangan muna namin mag stay ng isa pang araw sa Caticlan. Cool din yun, kasi sa sobrang kawalan ng magawa nangulit na lang kami sa paligid. Merong dis oras ng gabi ay naglalakad kami sa kalye ng Aklan na may dalang isang tasang kape, tapos lahat ng taong mapagtripan namin kausapin e tinatanong namin kung "totoo po ba ang aswang?". Merong tatambay kami sa isang carinderia para lang maki-inom ng tubig. Ginawa ko ding lapitan tong dalwang babaeng foreigner (parang Swedish sila sa tono ng pananalita) para sabihin sa kanila na hindi darating ang barko. Meron din kaming inobserbahan na Kano, na tinago namin sa pangalang Hey Joe. Kasi kawawa siya nung na-stranded yung barko. Wala siyang kasama at makausap the whole night. Buti na lang nilapitan siya ng isang pokpok.

Anyway, ayun may henna tattoo pa ko sa right arm ko hanggang ngayon. Alibata ng "Randell"... bale pumatak din siya ng four characters. Ra-N-De-L. Alibata was the old Pinoy cuneiform alphabet so the characters really looked very tribal. Astig nga e, gusto ko na sana siya gawing permanent kaso kelangang pag isipan muna ng mabuti.

Madami pa sana ako gusto ilagay na pictures kaso babagal na yung upload ng blog ko. Kelangan ko na siguro talaga magka Multiply account. Well, saka na lang. I'll already be off to Sydney within the week. Tisk tisk.

[sarcsasm] Woooh, welcome trabaho!!! [/sarcasm]

9 Comments:

Blogger x said...

buti ka pa nakabora na... funny how almost everyone is or went to boracay this summer.

4/17/2006 5:59 PM  
Blogger pb said...

what the!!! bora! dapat itong may punta kami pero di sure, kapag natuloy review ko for summer dis may sa June kami pupunta para wala na ganong tao. wah... sana matuloy review ko kung papayag mabuti kong ama.

mas cute yung gurl na kasama nyo. kahawig nya si Nene ng PBB pero mas ganda sya. si Michelle Madrigal, di ko trip kahit macho pa ko. ehehe...

(sana punta din kami Bora... wah!!!) gusto ko talagang makita ang sunrise at sunset. pati ang moon.

4/17/2006 6:21 PM  
Blogger pb said...

naiwento sakin ng ate ko, lahat talaga asa Cubao. nag-aabang daw kasi sila Bus papuntang Bora. galing silang ilo-ilo... nakakita sila ng bus... sabi ng busero.

"cubao?" napanganga nalang sila.

4/17/2006 6:25 PM  
Anonymous Anonymous said...

mayaman kasi kayo kaya nakakapagbora kayo :( dapat sa mayayamang tulad nyo dikdikin parang vetsin para di na kayo makapagbora pa :(

4/17/2006 7:02 PM  
Blogger nixda said...

saraaappp naman .....

pero ayaw ko jan, maraming puti! sawa na ako sa PUTI :D

4/18/2006 4:26 AM  
Blogger JoLoGs QuEeN said...

<==jaja's comment here==>
aba! isa lang ang masasabi ko jan

ZOZyALLLLLerZZZZ!!!!

aba pabora bora na lang ang drama nito.
at meron pang sydney sa sususnod.
iba ka na mhen.

d ka na mareach
hehe. \m/

4/18/2006 12:39 PM  
Anonymous Anonymous said...

Hi Dude.. nice site you have here.. hehe naaliw ako sa mga pics mo sa bora.. olx missing philippine hehe..

4/19/2006 12:26 AM  
Blogger Yoyce said...

ganda naman!!! sa May nakasched punta ko ng boracay. first time ko dung makakarating. :)

galing! nice pics. sana mag enjoy din kami katulad mo. at saka thanks din, kasi medyo hindi na ako natakot magbarko, magbarko lang kasi kami papunta, tipid tipid kasi e. :)

4/19/2006 5:22 PM  
Blogger Obi Macapuno said...

acey: maybe bcuz boracay is overrated. hehehe.

PB: maganda at babalikbalikan sa boracay is peace. kaya mas oks pa nga pumunta ng off peak. abutin mo ang iyong mga pangarap. =D natuwa din kami sa Cubao na bus na yan. Roro barko sila galing tas bababa lang ng barko tas larga na ulit. astig.

Kuneha: Dapat pitpitin hanggang maging tomato sauce tas budburan ng kalamansi juice. ahuhuhuy!

Neng: hehe ako man, di ko hilig maputi. mas sa morena pa ko titipo.

Jologs: swerte lang... dasal ka lang araw araw. hehe.

Kat: astig no... kahit ako din, namimiss ko na pilipinas. hehe.

Dyoys: iba talaga pag barko. tipid na tas madami pang misadventures along the way. hehe.

4/22/2006 12:05 AM  

Post a Comment

<< Home

Obi Macapuno: Bora (Hindi Yung Corny na Show)