Merong na nakatambay.

Saturday, April 29, 2006

Ako Ga?

Natuwa ako sa email sa kin ni Mama Jell, na-home sick naman ako. Galing yung contents sa isang anonymous na Batangenyo. Pero sadyang nakaka-aliw... at least, para sa amin na galing dun, tumira dun, o namalagi ng kahit mangilang linggo dun.

We transferred in Lipa City, Batangas from Manila when I was on the 5th Grade. It was there that I finished my highschool studies before I went back to the metro for college. For someone who'll just stay in Batangas for a couple of weeks vacation, they'll find the local terminologies and accent "contaminating". How much more will it be for us who stayed for years?

Yung laman ng email ay isang paglalahad sa buhay ng Batangenyong may akda na sinikap likumin ang mga lokal na terminolohiya ng aming bayan. Enjoy.

*****

Dine sa tuklong ay may puno ng kape na arogang-aroga pa ng Mamay. Sadyang pinapugadan sa antik na guyam at pinabantayan sa bilot. Naulutang ngatain ng Mamay ang bubot na parang sinturis. Pasal na pasal. Nang bigla na lang siyang napaumis, humirindat at tuluyan ng nabang-aw. Bigla nalang nagpatikar, lumiban ng karsada kahit umaambon naglulupagi sa gabokan kaya puro libag, tubal na tubal, talipa ang sipit at gura. Napadpad ang Mamay sa masukal na balinghuyan at doon naulutang gamitin ang kawot para garutihin ang mga bangkalang. Pero liyo at parang barik na barik pa rin ang Mamay kaya naghamon pa ng panumbi. Wala namang kumana kaya pagerper na lang ang napagdiskitahan. Pagkatapos ng barokbokan, lungkuyin at hapong-hapo ang Mamay. Naging matalute ang usapan sa bayaran dahil mulay lang gustong ibayad ng Mamay. Nagkaribok na, nagwasang ang pagerper at tinangkab ang Mamay. Nagligalig ang Mamay dahil sa marami daw kato, amoy hawot at makati pa sa iladong tulingan. Dapat kitse lang daw ang bayad. Sa pagkabanas ay napaingles ang Mamay "I'm entitled for senior citizen discount". Wala kang galang sa matanda, dapat kang ipabarangay. Siguro hindi ka taga Batangas ano? Naglabas na ng balisong ang Mamay. Oops......awat na.

*****

Sa bagamat matagal na kong hindi sa Batangas nakatira at ang huling bisita ko'y mangilang buwan na ang nakalipas, mariin pa ding natatandaan sa aking pakiwari ang ilan sa mga salitang nabasa. My best translation... (korek me kung mali at pasensya na)

dine - dito (here)
tuklong - maliit na kapilya (small chapel or town hall)
mamay - lola, nanay, matandang babae (old hag, granny)
antik - malaking langgam (a big ant)
guyam - langgam (ant)
bilot - tuta (puppy, bitch)
naulutan - naisipan (thought of)
bubot - maliit, bagay na maliit (small thing)
sinturis - dalandan (citrus)
bang-aw - sira ulo (crazy)
lumiban - tumawid (crossed the street)
naglulupagi - magpakita ng pagka irita (to tantrum)
tubal - madumi (dirty)
garutihin - hampasin (hit hard)
bangkalang - malaking butik, bubuli (gecko, big lizard, newt)
liyo - hilo (dizzy)
barik - lasing, maglasing (drunk)
panumbi - suntukan (brawl,fist fight)
pagerper - pok pok (prostitute)
barokbokan - away (quarrel)
hapong-hapo - pagod na pagod (tired)
matalute - mahaba at masalimuot (winding)
karibok - gulo (ruckus)
ligalig - irita (irate)
hawot - tuyo (a kind of dried fish)
tulingan - klase ng isda na kinakain (a kind of fish)
kitse - tansan (crown)
banas - init (heat)
balisong - official weapon of Batangenyos

=)

Bagsak yata ako ah.

5 Comments:

Blogger jaiskizzy said...

taga-saan ka ga? mamaas-maas ka e. ang mamay ay matandang lalake (e.g. lagot ka sa mamay randell!). tska pag naglupagi ka e nasa sahig ka na sa pagliligalig. ika'y maghusay ha. ingat sa paglalakad at baka ika'y magsungasob. di bangas.

4/30/2006 8:56 AM  
Blogger nixda said...

ang siguradong di mo makakalimutan ay ...BARIKAN!!! :D

4/30/2006 4:31 PM  
Blogger Unknown said...

interesting salita ng Batangenyos
kasi malalalim ang tagalog at may punto.

yung bubot naman sa metro manila hilaw na bunga, hawig din sa inyo kasi normally kapag hilaw ba ang isang bunga maliliit pa ang mga ito.

5/01/2006 9:08 AM  
Blogger Obi Macapuno said...

ka alberto: ahehehe ulyaning lalake ga ibig sabihin nown? e siya, sabi ko na nga ga't sablay e. Dine kasi samin e walang mamay. Hehe.

ka neneng: ay sadya! barik laang!! prosit!!

ka krus: hehe ako ga'y liyo rin nung una kong marinig yang mga iyan. hehe.

5/01/2006 9:28 PM  
Blogger jaiskizzy said...

ano gang sablay? baka ang ibig mong sabihin ay "sala!" pasala-sala ka naman sa mga padahak mo e. kainaman ka nang lalaksot ka. dapat sayo ay inuundayan ng isa sa bay-a-wang!

5/02/2006 8:43 PM  

Post a Comment

<< Home

Obi Macapuno: Ako Ga?