Bahay Kubo, Kahit Munti
Last Saturday, I transferred to a new apartment unit - a LOT better one. *wink*
The place's name is Abode.
It's still on the same area as I was before - Artarmon - but closer to the office AND at least around this area, I got me some premises to wander about and views to ogle at.
Suriin natin ang iba pang perks sa nilipatan kong tirahan (habang iniisip ko ang tagalog ng "perks"):
1. May pool na may heater kaya pag lumublob ka mainit hanggang tiyan. Mula sa dibdib pataas ay malamig. Ganun siya kababaw.
2. May gym na hanggang ngayon tinatamad kong gamitin.
3. May receiving room na fully furnished at kaiga-igaya nang pagdalhan ng bwisita. Actually, bininyagan na namin ito last Sabado nung nag surprise party kami para kay J-Lao. Studio type kasi yung una kong tinirahan kaya ang sala, kitchen, at bedroom ay masayang nag paparty sa isang lugar. At least ngayon tablahan sila dahil may kanya kanya na silang sulok sa bagong bahay.
4. Kumpleto rekados ang mga muwebles at kagamitan. Kung baga sa halo-halo ay jampacked. Minsan nakakalito na kung ano ang remote controller ng ano, at kung ano ang switch ng ano. Buti hindi nangangain ng tanga yung mga kagamitan dito.
5. May veranda slash yosi-tambayan (note: di nako nagyoyosi) slash palamigan ng taong makakapal ang dugo. Etong veranda na ito ay nakaharap sa mismong building ng IBM. Kaya saulado ko kung sino yung mga mababait na nilalang na nag-oovertime para itaguyod ang pangalan ng sikat na kumpanya. Life is short, waste it at work.
6. May washing machine at dryer! Sa wakas, di ko na kailangan mag bayad ng isang dolyar at kalhati para pudpudin ng makina sa kakaikot yung tela ng mga damit ko. Magagawa ko na yun ng libre.
7. Lahat malambot - upuan, kama, unan, comforter, kahit yung lalakeng nag babantay sa front desk lambutin! Ahoohuy!!
8. Ganda ng view kahit saang bintana ka tumitig. Mapapa-"this is life, i love you Earth" ka sabay dighay at himas sa tiyan.
9. Malapit sa Saint Leonards train station. Mas madaling maglakwatsa papuntang siyudad.
10. Mas malapit na ang bus station. Hindi katulad dati na kailangan makipagbakbakan sa lamig ng umaga para marating ang pinakamalapit na sakayan.
11. May malapit na grocery at mga kainan. Kulang na lang bilihan ng kotse, babae, alak, baril, at droga... solve na.
12. Mas astig ang temperature regulator, centralized na. Kaya kahit wansapak ang lamig sa labas, napapanatiling room temperature ang buong apartment at ang mga cup noodles ko.
13. May dibidi player. Kulang na lang nagbebenta ng dibidi at "boss X". Nami-miss ko yung mga suki ko sa Quiapo.
14. Makikita sa isang portable video phone kung sinong Herodes ang dorbel ng dorbel sa ibaba ng building sa kwarto mo. Kung medyo napasama ang gising mo, pwede mo pa i-angat ang telepono at murahin mo siya. Ang lakas ng output, rinig sa buong lobby tingin ko.
15. Mas maayos ang toilet. Babala: Hindi nila alam ang "C.R." dito. Magtanong ka sa mall kung nasaan ang C.R. at titigan ka nila na para kang may ikatlong tenga sa noo.
16. Naka carpet at may combo na vacuum cleaner. E ano ngayon?
Ayun, wala na ko ibang maisip e.
11 Comments:
AHAHAHA nice post, Obi! Mami-miss mo lahat yan pag-uwi mo dito ^_^
wow naman!!! =)
elow obi!! huwaw, sarap ng buhay mo jan ah!! ganda ng apartment, astig ng pictures...... basta, that's what u call "LIFE"! naks... geh... ingatz ;)
baka naman di ka na pumasok nyan dahil masyado kang compotable sa bago mong tahanan :)
maninibago ka pag-uwi mo ga! pero kahit gaano kaganda, iba pa rin ang Pinas!!! kaya ... babalik ka rin! heheh
astig...
hehe..
ako kaya pag certified nurse na.. san kayang syudad makapunta??
wahahaha.. congrats for having a new apartment! ;p
have a nice day! *hugs*
cheers,
aiRah
P.S.: pa-exchange naman ng links. *grins*
wow sarap naman ng nilipatan mo. kakainggit...
<=orig na jologs=>
shalers. ibang level na to hayuff ang unit na yan. tanginengyan yan ang tinatawag na "live lyf to d fullest"
Manong Kim: taena mawala na lahat sakin to wag lang ang Pilipinas!! mabuhay ang corruption! woot!
Manang Elle: ye. kung akin lang sana siya. gusto ko yang pose mo sa pic mo. sheree. :D
Manong Ian: ehehe kaya pala ang choice mo e dyan sa Bangkok! ahuhuhuy! upgraded naman ang gay-dar mo di ba? hehe.
Manang Audrey: this is life!! woot! *sabay himas sa tiyan... buuuuurp* Excuse me.
Manong Cruise: wala nang pasok pasok. hehe. work from home! sabay tulog!!! weeeeee!
Manang Racky: totoo yan, namimiss ko na ang gulo ng Pinas. namimiss ko na ang telenobela ng gobyernong Arroyo. hehehe.
Manang Airah: link away. in demand ang nurses sa Inglatera. :)
Manong Brew: Nang-iinggit talaga ako sa post na to. hehe. nabiktima ka. ika nga ng idol kong rapper na mahilig mag tanggal ng damit at magmukang tanga sa bora, "VICTIM!!!!"
Manang Jho: sort of. may kulang pa e. alak, babae, kotse, baril at droga. :D
pucha.. big time a! pwede ba kami makitira jan? palipat pa lang din kami bukas.. pero mas maganda padin yang nilipatan mo.. waah!! inggitera ako!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Manang Inggitera: san kayo lilipat? sama ko.
Post a Comment
<< Home