Ako si Onoraryo Batongbakal
Palipas oras habang naiihi ako...
1. OK na sana araw ko kahapon, kaso?
- kaso nawala yung araw bago ako maging OK.
2. Ano mas masarap, magpatawa o tumawa?
- ang patawanin
3. May "special" ka ba na body part, na kakaiba sa ibang tao? ano yun?
- balat ko... namamantal kasi pag kinakamot!
4. Sino huling tao na nagpakilig sayo?
- si janroy at si laida!
5. Ano mas piliin mo, SOBRA sakit na hangover sa alak, o hangover sa past/X mo? (parehas tatagal ng 3 months)
- pwede both?
6.If ever you're in my arms again.. this time ill hold you forever.. This time will never end..
- anong tanong?
8. Ano mas ok, naka FERRARI pero ubod ng pangit, o naka BESTA pero ubod ng ganda?
- yung naka FERRARI at ubod ng ganda!
9. Favorite streetfood mo?
- isaw
10. Pili ka, magka pimple sa ilong, o magka pimple sa pwet? (sobra laki nito, kasing laki ng 5 centavos)
- pwede both?
11. May gusto ka bang tao ngayon, pero alam mo na ndi pwde? bakit? sino un?
- nag hang ako ng 1.5 seconds... (tangenang tanong to!)
12. Kung iibahin mo name mo, anong pangalan un ?
- Onoraryo Batongbakal (para may explanation na ko pag tinanong na "bakit OBI?")
13. Cnu ang mga taong "weakness" mo?
- si kryptonite!
14. Flirt mode ON or OFF?
- pwede both?
15. Tingin mo, ilan may gusto sayo ngayon?
- sandamakmak
16. Ako ang ______ sa pamilya..
- batas
17. Ano role mo sa barkada mo pag inuman
- tanggero... taga tanggi!
18. Bigyan kita ng chance na dagdagan ang bilang ng kahit anong body part mo, ano un at bakit?
- mata. para mas laki kita negosyo!
19. Ano reason ng last time mo nainis?
- ingay ng halakhak ni Kris Aquino
20. Best sa ________ si _________?
- best sa UP si Manong Fishbol
21. San the best manood ng movie na may kadate?
- sa bahay... dibidi dibidi!
22. Last person na nag text sayo?
- si virus!
23. Kapag ginawa sayo ng GF/BF mo, makikipagbreak ka kagad,
ano un?
- pag tinutukan niya ko ng baril sa ulo
24. Ang init! favorite pampalamig mo pag mainit?
- aircon
25. Ilang beses mo na nagawa matulog na walang damit?
- madaming beses na... hindi na mabilang sa daliri. isama pa ang daliri ng paa!
26. Magvvideoke tayo ngayon, ano kakantahin mo?
- My Way
27. Rate mo kung gano ka kasaya ngayon[1-10]:
- 3.141592
28. Bakit ganyan rating mo?
- para di ko makalimutan ang value ng PI
29. Nakakita ka na ba ng pulubi na may cellphone? kung makakita ka ng ganun, bibigyan mo pa din ng pera?
- nakakita na. hindi ko bibigyan ng pera. bibigyan ko ng load.
30. Kung magpapatattoo ka ng pangalan ng tao sa katawan mo, kaninong pangalan un?
- pangalan ng nanay ko na napapaligiran ng heart (para mama's boy!)
31. Sang part ng katawan mo ilalagay ung tatoo?
- sa tapat ng puso ko
32. Choosy ka ba?
- depende sa pagpipilian
33. Ano mas mabilis mapalitan sayo, cellphone o GF/BF?
- pwede both?
34. Bat nauso na ngayon ang gwapo na BF, pero pangit na GF?
- kasi mas maraming mayamang babae kesa mayamang lalake
35. Sinong gusto mong mawala na sa mundo ngayon?
- si Barney... ang dinosaur na bading
0 Comments:
Post a Comment
<< Home